Chapter 15: Wicca Market

1.2K 60 0
                                    


Bilog ng buwan,mabining hangin,humuhuning gising na ibon,kasuotang nagniningning at buhok na nakalugay sumasayaw sa hangin at mga kamay na nakabuka sa himpapawid.

Yakap ang hangin,nagsimulang gumalaw ang aking katawan patungong buwan.Liwanag nitong nagsilbing ilaw ng mga immortal,katabi nitong mga bituing nagkikislapan sa kasabikan.

Ako'y nasa malapitan,aking nasilayan ang pigura ng isang babaeng naghintay sa akin.Suot nitong puting nagniningning,sumasayaw sa hangin,buhok nitong nakasirintas at kanang kamay may bastong kalahating buwan ang nasa tutok.Nang ako'y nasa kanyang harapan,kaming dalawa'y nagngitian,kasabay ng paglaho  ng kanyang baston ito'y yumakap sa akin ng mahigpit,bumubulong sa hangin at hinahaplos ang buhok kong mahaba.

"Ako'y nagagalak sa iyong pagbisita sa akin,Eathel."

"Diana."Bigkas ng aking bibig sa kanyang pangalan.Humiwalay sa pagkayakap,hinahaplos ang aking pisngi at mga kamay na lumiliwanag kasabay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.

"May problema ba,Eathel?"

"Wala Diana.Kung meron man alam kong aking makakaya."Ngumiti ito sa akin.

"Pagsubok na iyong lalampasin,katotohanang dapat isaulat,kasungalingan ay itapon, mga mata'y imulat sa wagas na pag-ibig at tiwalang dapat ibigay sa totoong immortal."

Boses mula sa likuran ang siyang nagbalik sa aking ulirat.Marahas akong lumingon sa kanya.

"Bakit gising ka pa?Hinahanap ka ni Yvonne."Tumabi ito sa akin at tulad ko'y nakatanaw din sa bilog na buwan.Haplos ng hangin inilipad nito ang hibla ng aming buhok.

"Hindi pa ako makatulog,nasan si Yvonne?"

"Na kay Alice tumabi."

Nais ni Alice na sa bahay niya kami matulog,kinuha namin saglit si Yvonne kanina.Sa aming paglalakbay ay ganon pa rin ang mga kawal,lakad-balik ang ginawa.

Kaunting katahimikan ang bumabalot sa amin.Tinig ng kuliglig galing sa mga puno,alitaptap na siyang palamuti ng mga bulaklak at ihip ng malamig na hangin ang aming nakita't naramdaman dito sa beranda.

"Sabi ni Alice may pagpupulong na magaganap bukas sa Centro.Gusto niya tayong pumunta doon,pumayag ako dahil gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng pagpupulong."Sabi nito habang nakatanaw sa buwan.

Wala akong ibang pagpipilian subalit gusto ko ding malaman.

"Sige."Sagot ko ng mahina.Nakita kong lumingon ito sa akin kaya'y napatingin ako sa kanya.

"Alam mo,pangarap ko talagang makapasok sa Akademya ng Anfreileon."Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Ano? Hindi bat delikado iyon?"

"Oo nga't delikado but kahit ganon ang paraan kung paano pumasok,many immortals dream to enter in the Academy.You know why? Because the Academy  teach us how to control our powers and abilities in a good way,teach us how to fight and to become a warrior.That's why ganon ang paraan nila dahil gusto nilang makita kung gaano ka katapang at kalakas."

Ako'y napabaling sa buwan at humawak sa barandirya.Iniisip ang kanyang mga sinabing hindi pa rin makuha ng aking isipan kung bakit ganon ang paraan.Hindi ba pwedeng ipalabas lang ang kapangyarihan at abilidad?Hindi sa paraan ng pagpatay upang ipakita lang na ika'y karapat-dapat?Bakit ganito?Bakit ganito ang mga batas ng Anfreileon?

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon