Chapter 27: Sorry

1K 55 3
                                    


"Darling,nasa kanila ang dyamante.Kaya pala di natin mahanap-hanap."

Napakurap-kurap akong napagtantong nasa ibang lugar na kami.Nang sandaling bumigay ang aking mga tuhod,napaupo ako't hinaplos ang aking leeg kasabay ang pag-tanggal ng takip sa aking mukha.

"Pambihira,bat ba kasi nandon sila?Letche,sakit ng katawan ko.Darling,okay ka lang?"Agad niya akong nilapitan at umupo sa aking harapan.Inalis niya ang nakatalukbong sa aking ulo at nakita ko siyang nagulat.

"Hey,anong masakit?Saan masakit?Tell me?Bat ka umiyak?"Kinabig niya ako papalapit sa kanya.Hindi nalang ako umimik at hinayang kumawala sa aking mga mata ang masaganang luha.

"Walang puso talaga ang prinsepe na yun,pati babae pinatulan.Sinakal ka pa.Buti na lang dumating si Lady Orla kung hindi,hay naku."Mas sumikip ang aking dibdib dahil sa narinig mula sa kanyang bibig.Napapikit akong isinandal sa kanyang balikat ang aking ulo.Hinagod niya ang aking likod sa kanyang ginawa ay bumalik sa aking isipan ang nangyari kanina bago kami nag laho.

Sa pagtingin ko sa bandang nasaan siya nakatayo,iba ang aking nasaksihan.Kita ko kung paano yinapos ng yakap ang babaeng nagpapatigil sa pagsakal sa akin.Bago kami mawala sa kanilang harapan hindi parin nakatakas sa aking paningin ang paghalik nito sa leeg ng kayakap.

"Hoy,taha na.Naiiyak na tuloy ako.Tatadtarin ko talaga ng buhay ang prinsepe na yun."

Kasabay ng kahuliang luha ay agad kong kumalas sa kanyang yakap at pilit ngumiti sa kanyang harapan.Pinahid ang luhang tumatakas na rin sa kanyang mga mata.

"Salamat."Madamdamin kong sabi.

"Drama mo.Tumayo na nga tayo baka lalanggamin tayo dito.Patingin nga sa leeg mo.Ang pula-pula,darling.Naku,baka makapasa ka dyan lagot sakin yung prinsepe na yun."Tumawa nalang ako ng mahina at nagsimulang maglakad kagaya niya.

"Pano na yan?Mission failed tayo,aaiisshh."

"Maintindihan naman siguro ni Alice."

"Sana nga."

____

"Hindi ko lubos maisip kung bakit nandon din sila sa lugar na yun."

"Sabihin mo na kasi kung bakit mo yun pinapahanap at pati ang mga Royalties nandon."

Kami ay nasa bahay ni Alice at sa ngayon ay nasa kanyang sala.Tinatanong ni Nestle kung bakit namin yun hinahanap at kung anu-ano pa.Kumuha nalang ako ng mansanas at ito'y kinagat habang nakatingin pa rin sa kanila.Nasa bandang dibdib ang mga kamay ni Nestle habang si Alice ay nakadikwartro sa aming harapan at nakataas ang kilay.

"Wala ka na dun,Nestlecia.Mabuti pat maghanda na kayo dahil bukas na bukas aalis na kayo patungong akademya."Pagtapos niya itong sabihin ay agad siyang tumayo at umalis sa aming harapan.Napalingon ako kay Nestle ng marinig ang sunod-sunod na palakpak.

"Rinig mo yun?Rinig mo yun,darling?Aalis na tayo bukas at gosh,academy here I come."Masaya niyang sabi at tumungo sa ikalawang palapag.Napailing-iling nalang ako at tumayo.Kagat ang mansanas tumungo ako sa beranda.

Marami akong nakitang naglalakad na immortal.May kanya-kanyang ginagawa.Napangiti akong dumako ang aking paningin sa mga batang masayang naghahabulan.

"Handa ka na?"Napalingon akong may tumabi sa akin.Nakahawak siya sa rehas habang nakatanaw din sa mga immortal.Napatingin ulit ako sa mga bata bago ko siya sinagot.

"Oo naman."May ngiti sa labi kong sagot.

"Kahit nahihirapan at nasasaktan ka na?"Nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ng seryosong mukha habang nakatanaw parin sa mga bata.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon