Sakay sa mabalahibong likod,humahampas ang hangin sa aking mukha sa sobrang bilis nitong tumakbo.Mula sa ilaw ng buwan,nakikita ko ang mga punong aming dinadaanan.
'Hindi mo na dapat ako ihatid,masyadong malayo ang Aestherius sa Centro.'
'Tsk,and so what?'
Napailing nalang ako sa sagot niya sa aking isipan.Yumakap sa kanyang leeg at inilihig ang aking ulo sa kanyang balahibo.
'Sleepy?'
'Oo.'
'Then sleep.I'll just wake you up when we arrive in Aestherius.'
Pagkatapos niyang sabihin iyun,hinayaan ko ang aking sariling tangayin ng antok.
______
'Hey,wake up.We're here.'
Nagising ako sa aking mahimbing na pagtulog ng marinig ang kanyang boses sa aking isipan.Napaayos ako ng upo habang nakahawak sa kanyang balahibo.Ilaw mula sa kabahayan ng Aestherius ang aking nakita.Nandito na nga kami.
Pagdating namin sa bayan ay dahan-dahang naglakad si Falcon sa daraanan habang ako'y kanyang sakay.
'Where's your house,Lassie?'
Tinuro ko naman ang daan at dali-dali niya naman itong tinungo.Pagdating namin sa harap ng bahay ni Alice ay iniyuko sa lupa ang kanyang katawan upang ako'y makababa.Sa aking pag-apak sa lupa,hawak ang kanyang itim na balahibo,tumingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti.
"Salamat Falcon,ang buti mong pinuno. Mag-iingat ka pabalik sa iyong pangkat,malayo pa naman."
Iginagalaw-galaw naman nito ang kanyang buntot at hinihimas ang kanyang ulo sa aking mukha.Napayakap ako sa kanyang leeg at napapikit.
'Pumasok ka na.'
Ako'y napadilat at inalis ang mga kamay na nakapulupot sa kanyang leeg.
"Mag-iingat ka Falcon,gabayan ka ng liwanag ng buwan sa iyong pagtakbo."Napapikit akong dinilaan niya ang aking pisngi at siya'y tumakbo sa kakahuyan.Nang ito'y naglaho na sa aking paningin,tumalikod ako at pumasok sa bahay.
Ang bait niyang lobo,kita mo iyon Dyosa Diana?
Sa aking pagpasok,nadatnan ko ang dalawang nagtatsaa sa supa.Nagdadalawang isip akong lumapit sa kanila ngunit pinili ko paring lumapit.Napa kagat ako ng labing sabay silang napalingon sa akin.Napahinto ako sa aking paglalakad ngunit sininyasan ako ni Alice na magpatuloy.Umupo ako sa tabi niya habang nasa harap namin si Nestle nakataas ang kilay nito sa akin.
Katahimikan ang bumabalot sa aming tatlo."Where have you been,young lady?At bakit ngayon ka lang dumating?"
"Eehmm,naligaw ako."Mahina kong sagot kay Nestle habang ang dalawang kamay nito ay nasa dibdib.
"Really?Sino yung lobo?"Napa-kunot ang aking noo sa tanong niya.
"Don't frown,darling.Nakita namin duuuhh."Irap nito.
"Nasan ang iyong kwintas,Isabella?"Napabaling ako kay Alice at yumuko sa kanya .
"Patawad Alice,hindi ko sinadyang maiwala ito sa kagubatan."Narinig kong bumuntong hininga siya. Napapikit ako ng mariin at pinakiramdaman ang paligid.
"May nangyari ba?"Mabilis akong umiling sa kanya.Wala naman talagang nangyari nadala lang ako sa nangyari kanina,yun lang.
"Sige,aakyat na ako.Nga pala,natulog na si Yvonne dahil sa pagod.Isinama ko kasi siya sa paghahanap ng mga halamang gamot."Tumango ako sa kanya't nagpasalamat.Nang siya'y umakyat na,lumingon ako kay Nestle habang itoy nagtsaa.
"What happen,darling?Why did you leave me first?"
"Hhmm,wala yun Nestle.Gusto ko lang umalis at magpangahin."Tumango naman ito kahit hindi sang-ayon sa aking sagot.Ayaw kong sabihin ang dahilan sapagkat hindi ko naman alam ang totoong dahilan.Baka'y naiinip lang ako kaya ganon ang nangyari.
"Nga pala,sasali tayo hah?Next day na ang simula ng Duel Battle sa Centro,darling.Kailangang makapasok tayo sa Academy for the sake of our capabilities.I want to enhance our abilities,darling.Being witch not goddess for you.Kaya galingan natin okay?"Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"Kumain ka na?Ikukuha kita ng ulam at kanin.Wait lang."Tumayo ito at tumungo sa kusina.Napasandal ako sa supa at nakikipagtitigan sa kisame.Iniisip ang mga nangyayari sa akin mula noong nakita ko silang magkasama sa gitna ng patayan hanggang kanina.Napailing-iling na lang ako sa aking naisip at hinihilot ang aking noo.Sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa kanila di bale bahala na sila.Kung mag-kaibigan sila edi mag-kaibigan din.Kung magkasintahan edi magkasintahan din.Bumuga ako ng hangin at humuni.
"Okay ka lang?"Napabaling ako kay Nestle habang inilapag ang kanyang dala sa mesa.
"Kumain ka na,darling."Walang gana akong umalis sa pagkasandal at umayos ng upo.At nagsimulang kumain.
"You know what?I noticed something kanina doon sa arena,di mo napansin?"Umiling ako sa kanya habang kumakain.Wala akong napansin kanina dahil inilipad ang utak ko sa kabilang mundo.Hindi nga ako nakikinig,napansin pa kaya?
"Ganon?Kasi kanina,si Prince Zachary, bukod sa package na package ang dating,habulin ng mga kababaihan,malakas at ano pa dyan.May napansin talaga ako sa kanya,alam mo ba kung ano?Nung nagsasalita kasi siya is parang may hinahanap siya?hindi mo nga lang mapansin ito kung paano gumalaw ang mga mata niyang emotionless at cold.Pero kapag tinitigan mo talaga ng matagalan at nakatuon lang sa kanyang mga mata,makikita mo talagang may hinahanap talaga sa arena,Darling.Oh my gosh,sino kaya?Eh nasa likod lang naman niya si Lady Orla.Tsk,tsk,tsk.Makatulog na nga,puro nalang sila ang tinatopic ko.Ikaw na ang bahala diyan,sige.Good night,Darling."
Pag-alis niya ay doon pa ako tumigil sa pagsubo at tinitigan ang kanin.Hindi naman siguro,sino ba ako para hanapin niya?Inubos ko nalang ang pag-kain at hinugasan ang pinggan pagkatapos.Umakyat sa ikalawang palapag bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto,tinahak ang daan patungong beranda.Binuksan ang dobleng pinto at lumabas.Nakahawak sa barandirya habang nakatingin sa buwan.Sa paraang ito,gumaan ang aking pakiramdaman.Kalikasan,kalangitan,araw at buwan lang talaga ang nagpapagaan sa akin.Napapikit akong dinama ang haplos ng malamig na hangin sa aking buong katawan waring sinadyang palakasin at palamigin,ramdam kong sumasayaw ang aking buhok at bestida,ang sarap ng hangin para akong niyayakap ng mahigpit dito.Sa sandaling ito, hangad ko sanang mawala ang aking mabigat na pakiramdam mula sa kanila,wala silang alam,ako itong bumaba sa lupa at nakipaghalubilo sa kanila.Wala silang kasalanan kung sila'y mapang-linlang at mapang-gamit,kagustuhan nila iyon,sila'y ganon nga ba?
Sa aking pagdilat,napakunot ang aking noong makaramdam akong isang pares ng mga matang nakatingin sa akin mula saan.Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong nakita.Napako ng aking mga mata ang kadiliman ng parte,ang mga puno.Bumilis bigla ang tibok ng aking puso nang naramdaman ang kanyang tingin sa bahagi ng kadiliman.Dali-dali akong umalis sa beranda at pumasok sa loob,isinarado ang dobleng pinto at napasandal dito.
Napahawak ako sa aking dibdib na kung saan ang aking pusong mabilis tumibok na walang dahilan.Ramdam ko parin ang titig na pinukol niya sa akin,sino ba yun? Imposibleng si Falcon kanina pa iyon nakaalis at ramdam ko ang presensiya niya kanina papalayo sa akin.Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?Napaayos ako ng tayo at tumungo sa aking kwarto.Baka'y guni-guni ko lang yun o baka gawa-gawa lang ng aking isipan dulot ng pagod.
BINABASA MO ANG
Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)
Fantasy[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of lies and betrayal. ---- Started:09-21-19 End: 12- 20- 2022 Photo reference from Pinterest