Chapter 7: Kubo

1.5K 75 6
                                    

Napadilat siyang maramdaman ang init na galing sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana.Kumurap-kurap at inilibot ang kanyang paningin bago tumayo sa higaan at tumungo sa kanyang munting bintana.Hinawi niya ang kurtina at humawak habang tinatanaw ang paligid.Napangiti siya ng makitang nagsimulang nagtatakbuhan ang kanyang mga alagang hayop at nagliliparang fairies.Inamoy niya ang hangin at ngumiti ulit habang nakatanaw sa araw na mga daliring pilit inaabot ito.

"Magandang Umaga sa iyo."Masayang bati niya at nagsimulang humakbang papalapit sa kanyang higaan at inaayos.

Pagbaba niya sa hagdan ay humuhuni pa siya na para bang may nangyari sa kanyang kakaiba kagabi.Bigla siyang napatigil sa gitna ng hagdan nang may mga imaheng biglang nagpapakita sa kung ano mang nangyari sa kanya kagabi.

Deilquios Forest

Talon

Bahaghari at ginto't pilak

Kamahalan

Yakap

Halik

Yan ang pumasok sa kanyang isipan at mga imaheng nagmala teleserye.Napakurap-kurap siya at napaawang ang labi,hindi niya alam kung ito ba'y totoo o nanaginip lang ba siya.Iniwakli ito sa kanyang isipan dahil alam niyang imposible iyon na mangyari at isa pa bakit naman siya yayakapin ng prinsepe at halikan sa noo?Namula siya bigla sa kanyang katanungan sa isipan,minabuti nalang niya na ipagpatuloy ang kanyang pagbaba.Pagkarating niya sa kusina ay napahinto siyang nakita ang kaayusan at kagamitan nito.

' Saan galing itong makikintab na kagamitan?Bakit ang rarangya naman ng dating ng ayos nito?Bumili ba ako kagabi sa baraka ni Aling Antonia?At isa pa wala namang ganito sa baraka niya?Ito ba ang epekto kahapon?Nagiging makakalimutin na ako.'

Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok habang ginawa niya iyon ay may pumukaw sa kanyang paningin.Nilapitan niya ito at tinitigan,isang espidang pinalibutan ng apat na elemento habang ang hawakan nito ay gawa sa makintab na dyamante na may nakaukit na isang dragon.Hindi ito sa kanya,wala siyang ganito.

Siya ay napaatras habang nilibot ang kanyang paningin, marangyang kulay ng pinta,makikintab na bakal at kagamitan,magandang upuan na animo'y bagong bili sa baraka at mala-gintong sahig ang kanyang inaapakan,natataranta siyang mapagtantong hindi ito ang kanyang bahay.Inilibot niya ang kanyang paningin upang hanapin ang pintuan nang ito'y kanyang nakita agad siyang tumungo rito.Akmang kanyang bubuksan ay bigla itong bumukas at doon niya nakita ang nilalang na akala niya ay sa panaginip lamang niya ito nakita ng malapitan,natulala siya ng iling segundo bago siya natauhan.Napalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa taong nasa pinto na nakatingin din sa kanya.

"Can I come in?"Tanong pa nito kaya'y nataranta siyang tumabi upang bigyan ito ng daan.Pumasok ito sa loob at siya naman ay napakatingin sa malapad nitong likuran habang may dala-dala itong supot.Tinanggal nito ang suot nitong kapa at kaputsang iba ang kulay kumpara noong nasa arena pa ito at pakikipaglaban sa kapwa nitong may dugong bughaw.Isinakbit ito sa dingding at lumingon sa kanya kaya napasandal siya bigla sa pader.Nakita niyang napailing ang immortal at lumapit sa kanya ngunit may distansiya sa pagitan nilang dalawa.May inabot ito sa kanya at yun ang dala nitong supot.

"I buy you a new dress,don't worry it's just a simple like you want.You can change upstairs in my room."Mahabang pahayag nito kaya napatitig siya sa mga mata nitong nakatitig din sa kanya,umiwas siya ng tingin at kinuha ang supot nitong inilahad.Nang nahawakan niya ang kamay ng prinsepe ay bigla siya nitong hinila papalit sa bisig.Napalaki ang kanyang mga mata sa biglaang ginawa ng prinsepe.Hinapit siya nito gamit ang mga kamay na pumulupot sa kanyang bewang kaya napahawak siya sa dibdib nito.Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata kaya sa dibdib lang siya tumingin ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at ito'y inaangat.Bigla nitong idinikit ang noo ng prinsepe sa kanyang noo,dilat na dilat siyang pinagmasdan ang perpektong mukha ng prinsepe,mula sa mga mata nitong nakapikit hanggang sa labi nitong mapula-pula kagaya ng sa kanya.

"Are you done checking my face,hhhmm?" mahina nitong tanong.

"H-Huh?"ang munting nabigkas lamang niya,napadilat ito ng mata kaya'y malaya niyang tinitigan ang mga mata nitong may dalawang kulay.Wala sa sariling napaangat ang kanyang kaliwang kamay at hinaplos ang pisngi ng prinsepe kaya sa ginawa niya ay napabitaw ang kaliwang kamay ng prinsepe at ang kanang kamay nito ang naiwan sa kanyang bewang.Hinawakan nito ang kamay niya na humahaplos sa mukha at idinila sa labi.Magiliw siya nitong hinagkan kahit magkadikit parin ang kanilang mga noo,napangiti siya bigla sa ginawa ng prinsepe na ngayon ay hindi parin inalis ang kamay sa labi habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Can I ask this question,again?"malalim nitong tanong,naamoy niya ang hininga nito kaya hindi niya mapigilang singhutin ito,napatawa ng mahina ang prinsepe sa ginawa niya kaya'y napasubsob siya sa dibdib ng prinsepe.Niyakap naman siya ng prinsepe habang pinagtiklop ang kanilang mga daliri.Napatingin siya sa kanilang mga kamay at naramdaman niyang inaamoy-amoy ang kanyang buhok.Nakaramdam siya ng hiya sa ginawa ng prinsepe sa kanya.

"What's your name?"Malamig nitong tanong ngunit may halong lambing ang boses nito.Napapikit siya at pinakinggan ang tibok ng puso ng prinsepe.

"Isabella.Isabella ang aking pangalan,kamahalan."Mahinang sagot niya na sapat lang na marinig ng prinsepe.

"Isabella?Can I call you,Bella?"Ngumiti siya kahit hindi makita ng prinsepe at tumango.

"And just call me Cred,my Bella."

Suot niya ang bagong bili ng prinsepe na kulay puting bestida na may manggas hanggang siko at may mga pintang bulaklak na kulay dilaw hanggang talampakan ang haba.Suot din niya ang bigay na sapin ng prinsepe at ito'y kakulay ng kanyang mga mata,nakasirintas ang kanyang buhok habang siya ay nasa labas ng munting kubo ng prinsepe at nagmuni-muni.

' Kubo?Yun ba ay kubo?Mas maganda pa iyon sa aking bahay ngunit wala akong magagawa sapagkat siya na ang may sabi na iyon ay ang kanyang kubo.'

Napailing nalang siya sa kanyang na isip at nagsimulang maglakad-lakad habang nakamasid sa paligid.Nasa Deilquios Forest parin pala siya,yan ang sabi ng prinsepe kanina lamang.Hindi niya alam kung saang sulok ito ng kagubatan ngunit sa kanyang nakikita ay sobra itong ganda at makikitang alagang-alaga ito.

Nakaramdam siya ng presensiya galing sa kanyang likuran,nilingon niya ito at nakita niyang nakatayo di kalayuan sa kanya ang prinsepe habang suot nito ang kanyang kapa't kaputsa kanina.Dahan-dahan siyang lumalapit dito habang ang kanyang bistida ay humahalik sa damuhang kanyang inaapakan,sa kanyang paglapit sa harapan ng prinsepe ay namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Magulo ang buhok at may mukhang hindi parin niya mabasa.

"Come with me."Sabi nito at hinakbang ang pagitan nila.Isinuot nito ang isang kapa't kaputsa sa kanya,hindi niya maiwasang titigan ang prinsepe at napatanong.

' Bakit niya ito ginawa?Bakit ganito ang kanyang pakikitungo sakin?Bakit--aaaiisshh.'

Naramdaman nalang niyang may dumampi sa kanyang noo kasabay ang pag ayos nito sa kanyang kaputsang nasa ulo.Kalahating mukha ang natatakpan ng kaputsa,umatras ng kaunti ang prinsepe at sinuot din ang kaputsang kaparehas ng kulay sa kanya.Natatakpan din ang kalahating mukha nito katulad niya.Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at dahan-dahan siyang hinila patabi nito.

"Saan tayo pupunta,kama--Cred."Napakagat siya ng labing pinukolan siya ng tingin ng prinsepe,bumuntong hininga ang prinsepe at nagsimulang maglakad habang hila-hila siya.

"We w---."

"Cred,pwedeng wag kang magsalita ng inyong lenggwahe?Hindi kasi kita masyadong maintindihan." Mahinang sabi ni Eathel sa prinsepeng hawak-hawak parin ang kanyang kamay,ang akala niyang magagalit ito sa kanyang pakiusap dahil sino ba siya para sundan ng prinsepe?Subalit nagkamali siya.

"Sa bayan ng Zamoria tayo'y pupunta."

Kay sarap nitong pakinggan sa paraan nitong pagbigkas ng kanyang lenggwahe hindi niya akalaing sinunod ng prinsepe ang kanyang sinabi.

"Anong gagawin natin doon at baka may makapansin sayo,Cred."

"I just want to be with you and they can't notice me because of my coat.I mean--hhaayyss,sorry hindi ko kasi masyadong ginagamit ang lenggwahe niyo.Ngayon lang."Napanganga siya dahil sobrang haba nitong nagsalita.Ito ba talaga ang prinsepeng kinatatakutan niya sa bulwagan?

"Wag mo akong titigan ng ganyan,Bella.Come on let's go,I want to be with you whole day."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon