Chapter 31- Labing-tatlo

924 45 0
                                    


Tagaktak ang aking pawis dulot ng pagod at sa sobrang init.Nanginginig na din ang aking mga tahod dahil sa pagtakbo.Sa ngayon ay nasa malaking field ang lahat ng taga-Section Z-Bronze dahil utos ng aming Master Nectus,guro namin para sa paghuhusay.At ang pagtakbo sa malaking field na limang libot.Gusto ko ng uminom at kumain ng marami.Napasulyap ako sa ibang kong kasamahan,kita sa kanilang mga mukha ang pagod at pagkagutom tulad ko.

"Time is up.You can take a rest,students."

Napaupo ako at napahiga na din nang marinig yun.Buti nalang may uniporme kaming pang husay.Kita ko din ang iba na ganun ang ginawa.Napangiti akong makita kong masayang lumilipad ang mga pegasus sa himpapawid.

Sana ganyan nalang palagi.

Napailing-iling ako sa aking naisip kaya agad akong bumangon at tumayo.Napainat-inat muna ako bago magsimulang maglakad.Papunta ako ngayon sa locker ko para kumuha ng uniporme.Pagdating ko ay agad ko itong binuksan at kinuha ang dapat kunin.Kinuha ko din ang panyo ko at ipinahid sa mukha pati na rin sa leeg.

Sumandal muna ako sa aking locker at pinagmasdan ang mga estudyanteng nagtatakbuhan,nagtatawanan at
nag-uusap dito sa pasilyo ng mga lockers.Normal lang tingnan ngunit mababangis.

___

Galing ako sa banyong pag-mamay-ari ng akademya at heto nga bagong ligo.Patungo na ako sa silid-aralan.Sa magkabilang gilid ng daan hindi mawala-wala ang mga estudyanteng nagkukumpulan.May kanya-kanyang ginagawa habang ang iba ay napatingin sa akin.May nakataas ang kilay,nakakunot ang noo,walang kabuhay-buhay na tingin at umirap kapag mapatingin ako sa kanila.Rinig ko ding may nagbulong-bulongan sa tabi-tabi tungkol sa akin.

"Kalahi mo gurl,a witch."

"What section she is?"

"Yeah,oo nga."

"Will malalaman din naman natin yan."

"Hindi bat siya yung binuhusan kahapon?"

"Yes,she is."

"Yay,they started."

"I think they found their new target.How about the girls?Did they have a target?"

"I dunno.I didn't saw them yesterday."

"Wala kasi ang Royalties sa cafeteria,that's why."

"So much for that,tara na nga baka malate pa tayo because of her."

Napaawang naman ang bibig ko sa huli nilang sinabi.Grabeh naman hindi ko kasalanan na malate kayo dahil pinag-usapan niyo ako.Ang sakit isipin.

Binalewala ko na lang sila at itinuon nalang sa daan ang aking atensiyon.Pagdating ko sa silid-aralan ay kaunti pa lamang kami.May ibang napatingin sa akin at balik ulit sa ginawa nila.Ang iba ayun may sariling mundo.Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta sa upuan ko sa bandang huli katabi ang bintana.Pag-upo ko ay agad kong tiningnan ang sa labas ng bintana.Maraming nagkalat na ibang estudyante habang nagbabatuhan ng kapangyarihan at mga espanda.Nakita ko ang ibang bampirang nagpapahinga sa ibabaw ng puno habang ang iba ay mabilis nagtakbuhan.Mukhang naghahabulan sila.Meron ding walang paki-alam at nanunuod lang.Nakagat ko ang aking ibabang labi ko sa nasakihan mula sa labas. Ngunit nagkakagulo bigla ang lahat nang may malaking bilog na apoy ang papunta sa kanila.Kanya-kanya silang takbo at paggawa ng harang.Gusto kong matawa sa hitsura nila dahil sa hindi inaasahang kalaban na paparating.Napangiti nalang ako.Napalingon ako kung saan ito nagmula.Napakunot ang aking noo nang makita ang ibang natatawa at ang iba naman ay napatingin sa ibang bahagi.May iba ding walang paki at nakatingin lamang sa mga estudyanteng tudo takbo at gawa ng harang.Nabura ang aking ngiting makilala ng aking mga mata ang mga toh.

"Ang Royalties,eehhh."

"Gosh,let's go let's go.Punta tayo sa labas."

"Kkyyaahh,my prince."

Napalingon ako sa mga babaeng tulad ko din ay nakatingin sa labas ng bintana.Kanya-kanya silang nag-alisan at ang iba naman ay may inilagay sa mukha na kung anu-ano.Hindi ko alam kung anong tawag dun.Pagkatapos ay nagtakbuhan palabas ng silid-aralan.Napailing-iling nalang ako sa kanila.Ako nalang pala ang naiwan kaya pala ang tahimik.

Napalingon ulit ako sa labas ng bintana.Mas dumami ang mga estudyante habang tumitili ang mga kababaihan.Ang iba naman ay gumawa ng atensiyon para mapalingon ang ibang Royalties sa kanila, iwan ko lang kung na tupad ba ang nais ng mga ito.Napaayos ako sa aking salamin sa ginawa ng mga ito.Di na ako tumingin sa kanilang gawi kundi sa mga estudyanteng nagtatakbuhan.Masaya kasi silang tingnan.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumasa ang pisngi ko.Nanginginig ang kamay kong itinaas at pinahid ito.Napatingin ako sa kamay na kung nasaan ang patak ng aking luha.Tumulo ulit ang aking luha kaya napakagat ako sa isa kong kamay.Pigil hikbi ang aking ginawa upang hindi gumawa ng anumang ingay kahit ako lang sa silid-aralan.Ang bigat ng aking pakiramdam hindi ko alam kung paano patatahanin ang sarili ko sapagkat hindi ko alam kung anong rason o dahilan ang aking pag-iyak.

Pagod na ba ako?Naiinggit ba ako?Ano pa bang dahilan ang pag-iyak ko?

Tinanggal ang aking kamay sa bibig at kinuha ang aking salamin upang mapahiran ang aking mga luha.Inilagay ko muna ito sa aking maliit na mesa at nakipagtitigan sa pisara.Ilang minuto akong tulala at nakatitig dito bago magpasyang isuot ang aking salamin.Napalingon ako sa labas ng silid-aralan nang may marinig ang kalabog mula dito.Napatayo ako at dahan-dahang tumungo sa pintuan.Sumilip ako sa magkabilang pasilyo,nakakunot ang aking noo na wala akong makita o mahagilap na estudyanteng gumawa ng ingay sapagkat wala ni isang estudyanteng nagpalaboy-laboy.Nagkibit balikat nalang ako at lumabas sa silid-aralan.Mukhang walang balak ang mga estudyanteng pumasok sa kani-kanilang silid-aralan sa kadahilanang nandito ang Royalties.Ibig sabihin,kaunti lang ang estudyante sa cafeteria o baka wala talaga? Napangiti ako sa naisip ko.Mukhang na baliw na din ako katulad ni Nestle,iiyak tapos mamaya tatawa.Hayys,nasaan na kaya yun?Dapat masaya siya sa akin dahil natuto na akong magsalita ng tuwid at hindi makaluma.Babatukan ko talaga yun kapag hindi.Dyosa ba talaga ako?Ay oo nga pala,mangkukulam pala ako ngayon.

Masaya kong tinihak ang daan papuntang cafeteria.Pagdating ko,tama nga,kaunti lamang ang nandirito.Kadalasan ay mga matataas ang tenga,kalahating nilalang at bampira. Meron ding normal na anyo pero alam kong mga lobo ito.Isinawalang bahala ko nalang at omorder ng pagkain.Pagkatapos ay humanap ng upuan.Napili ko ang pwestong nakatalikod sa malaking pintuan ng cafeteria.Umupo ako at nagsimulang kumain.

Sa gitna ng aking paglamon,nagsiingayan bigla at alam kong mula ito sa labas ng cafeteria.At mukhang paparating dito dahil unti-unting lumalakas ang ingay ng mga ito.Bahala sila,gusto kong mabusog at magkaroon ng laman ang tiyan ko dahil sa pagod kanina.Bat ang sungit ko ngayon?Napatigil ako at nakikipagtitigan sa pagkain.

Ano bang nangyari sa akin?Hindi naman ako ganito?Sa totoo lang mabait akong dyosa.Mahinhin at positibo.Pero bakit ang sungit-sungit ko na ngayon? Anong nangyari sa akin?

Napakurap-kurap ako at nagsimula ulit kumain.Ang ingay ng mga estudyante ay unti-unting pumasok sa loob ng cafeteria.Hindi ko mapigilang sumilip sa kanila mula sa aking likuran.Nakita ko ang labing-tatlo sa gitna habang pinalibutan ng mga estudyante. Kaya pala.Mabuti nalang naisipan kung magpasulok baka mamaya maipit pa ako sa kanila.

"Attention to all students who wanted to watch the battle between our beloved Alverian Students which is belonged to Section B-Silver and Faerydaen Students which is belonged to Section D-Silver, you may now proceed to Circle Arena.Thank you."

"Again.Attention to all students who wanted to watch the battle between our beloved Alverian Students which is belonged to Section B-Silver and Faerydaen Students which is belonged to Section D-Silver,you may now proceed to Circle Arena.Thank you."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon