"Ikaw ba'y nasisiguro na sa iyong pasya, Eathel?"
Napalingon ang babaeng nag ngangalang Eathel. Ngumuti ito at binalik ang tingin sa may lawa.
"Akoy sigurado sa aking pasya, Silvana."Lumapit si Silvana at tumabi ito sa kanya. Parehas silang nakatanaw sa mga imaheng nasa lawa. Sa lugar na kung na saan sila ay hindi karaniwang ang mga nandito. Nagkikislapang mga perlas, dyamante, pilak at nangingibabaw ang ginto. Kahit saan ka tumingin makikita mo ang mga ito.
"Alam mong maging delikado ang iyong lagay kapag ikay pupunta sa mundo na yan, Eathel."
"Alam ko Silvana, huwag niyo akong alalahanin. Akoy mag iingat sa oras na akoy makababa." Bumuntong hininga nalang si Silvana sa narinig niya mula sa kaibigan. Kaunting katahimikan ang pumapalibot sa kanila habang tinatanaw ang kabilang mundo at yun ang imaheng nasa lawa. Mga immortal na may kanya-kanyang ginagawa. Mga immortal na hindi mo malalaman na ito ba'y masasama o nagbabalat kayo. Pero sa isang katulad nila, madali lang itong matukoy kung ano ang kanilang budhi at anyo .
"Eathel."Sabay silang napalingon sa kanilang likuran at doon nila nakita ang kanilang kasamahan. Humahakbang ang mga ito papunta sa kinaruruunan nila ni Silvana.
"Nais mo ba talagang bumaba, Eathel?" Tanong ni Amelia,nginitian niya naman ito. Bumuntong hininga ang lahat.
"Wala na kaming magagawa pa sa iyong pasya sapagkat mag iingat ka doon. Tawagin mo lang kami Eathel kapag may mangyaring hindi natin lubos na inaasahan sa iyo." Nag hawak kamay silang lahat at sabay bigkas ng isang lenggwahe na sila lang ang nakakaalam.
"Ika'y mag ingat mahal naming kapatid."
"Ako'y mag iingat doon at yan ay aasahan niyo mga kapatid. Salamat dahil kayo'y pumayag sa aking pasya."At muli, naghawak kamay sila. Sinamahan nila si Eathel sa lagusan ng kabilang dimensiyon. Nakangiting kumakaway si Eathel subalit bahid parin ang kalungkatan sa kanyang mga mata. Sinewalang bahala niya lang ito dahil ito ang nais niya, ang makababa. Kumakaway din ang mga kapatid niya habang may lungkot na ngiti at takot sa kanilang mga mata pero alam niyang masaya ang mga ito dahil alam nilang ito lang ang kaniyang kahilingan.
'Mag-iingat ka, dyosa Eathel' huling narinig niya galing kay Amelia sa kanyang isipan.
--------------------------------
Napakurap-kurap siya ng maalalang mamimitas nga pala siya ng mga prutas at gulay na siya pa ang nagtanim nito. Masaya niyang tinungo ang harden habang bitbit ang kanyang basket. Sa kanyang pamalagi sa Leanvalle forest, nung una ay nahihirapan siyang makisapalaran sa paligid niya lalong lalo na siya lang ang nakatira sa gubat.
Pagdating niya sa harden ay agad niyang nilapitan ang kumpol-kumpol na laztona, maliliit itong prutas na hugis bilog at kulay lila. Iniisa-isa niya itong pinipitas habang ang mga fairies ay nagsilapitan sa kanya at tinutulongan siya ng mga ito. Hindi niya namalayang magtatakipsilim na pala kaya mabilis siyang kumilos.
BINABASA MO ANG
Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)
Fantasy[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of lies and betrayal. ---- Started:09-21-19 End: 12- 20- 2022 Photo reference from Pinterest