Chapter 14: Revolution

1.2K 55 2
                                    

Ibat ibang kulay,hugis at anyo ang nasa aking harapan.Mga lunas,gayuma at lasong makikita sa ibat ibang sulok ng silid aking pinasukan.Hinintay ang mangkukulam sa paghahanap ng aking lunas na gagamitin.

Ako'y napabuntong hininga ng maalala ko ang aming pinag-usapan kanina lang.Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula sa kanya,pagkatapos niyang bigkasin iyon ay hindi na ako nakapag-salita bagkos ay sinundan siya.At ito'y nasa silid ng kanyang nilikha.Napalingon akong may pumasok sa silid,naka-ngangang inilibot ang tingin.Nang ako'y kanyang napansin,agad itong lumapit sa akin.

"Oh?Nasan si Lola Alice?"

"Wag mo akong tawaging Lola,Nestlecia."Pareho kaming napalingon sa aming likuran,hawak nito ang dalawang boteng may lamang iba ang mga kulay.Tumungo ito sa amin at inabot sa akin ang buting may laman na kumikinang na kulay lilang tubig.Aking tinaggap at tinitigan habang siya'y may sinabi.

"Yan ang lunas na iyong gagamitin ngunit sa ngayon mukhang kailangan kong gumawa ng palamuti na ito ang laman."Muling nagbigay siya ng boteng may laman na kulay esmeralda.

"Yan ang lunas para sa iyong wangis ka--."

"Wait? What?Wangis?But why? Isabella,bakit?"Nalilitong tanong ni Nestle,ako'y na paiwas sa kanyang tingin at itinuon sa matandang mangkukulam.Mga mata'y lihim nag-uusap,nag-bibigkas at may ipinahiwatig ang siyang aming ginawa.

Ako'y bumuntong hininga at inilapag ang dalawang bote sa aking katabing mesa.Hinawakan ang kaputsa at ito'y tinanggal sa ulo dahilan upang magsibagsakan ang aking mahabang buhok.

Sa tulong ng liwanag mula sa mga lampara at bintana,kita ko ang paglaki ng mata ni Nestle habang nakabuka ang bibig.Nakangiting tumingin sa akin ang matandang mangkukulam at ito'y tumalikod sa amin.

"Oh.My.Gosh."Bigkas ni Nestle,napahawak ito sa kanyang mga pisngi,nanlalaki ang mga matang nakatitig pa rin sa akin.

"A-Ang g-ganda mo.Wow as in Wow.In my whole life living in this world,seeing different creatures and immortals,this is my first time I saw a beauty like a Goddess. Beauty that no words I can describe and-and woah, you're epitome of a walking temptation,Isabella.Even if I already saw the Queens,Duchesses,Prietesses,
Ladies,Princesses and so whatever how many times,their beauties can't matches with your Goddess beauty.Tell me,who are you?"

Hindi ako makaimik sa kanyang mahabang sinabi,bubuka nga ang aking labi ngunit walang salita ang lumalabas.Mga mata niyang puno ng katanungan,kalituhan at nais ang katotohanan.Ngunit tatlong salita lang ang lumabas sa aking labi kaya'y napataas ang kanyang kilay.

"Isa akong banta."Ulit ng aking bibig,dalawang kilay na ang tumaas habang ito'y nakatulala sa akin.

"Banta?What?Di ko magets.Anong banta ba?Ano bang tinutukoy mo hah,Isabella?!"

Bumuntong hininga ako at sinalubong ang kanyang mga mata.Taas noong binigkas ang kanilang lenggwaheng hindi ko alam kung saan ako nagpulot ng lakas upang ito'y bibigkasin ng aking labing nanginginig na baka'y ito na ang aking huling apak ng mundong Anfreileon.

"I came from Ze'Vándivuos World."

"Ze'Vándivuos World?"Ulit nito.

"Saang parte ito ng kalawakan?Ngayon ko lang ito narinig ah."Ang aking nanginginig na labi'y nakabuka sa aking narinig.Totoo ba ang kanyang sinabi?Bakit hindi niya alam?Bakit?

"H-Hindi mo alam?"Mahina kong tanong sa kanya.Tumango naman ito sa aking tanong.

______

Kaunting katahimikan ang bumabalot sa amin,kumuha siya ng tsaa at tumikim.Nasa salas kaming dalawa,pinagpatuloy ang aming pinag-uusapan kanina.Ibinaba ang tasa sa mesa,inilagay sa ibabaw ng hita ang mga kamay at tumingin sa akin.

" Ze'Vándivuos is a world of Goddesses and you came from that world.Yan lang ang tumatak sa isipan ko sa lahat ng sinabi mo.Until now is pinaprocess pa ng utak ko ang mga sinabi mo."Mahinang sabi nito,hindi ko siya masisi sapagkat ngayon lang niya ito nalaman.

"Ito ba ang sinasabi nila?But one thing I remembered,"Tinitigan niya ako habang binibigkas ang mga salitang nagsanhi sa akin upang malungkot.

"You're a curse.That's what the old immortals called about a Goddess.Yan lang ang alam ko,Isabella."

"Naniwala ka ba?"Nakita ko itong napatulala habang malalim ang iniisip.Ako'y napabuntong hininga at pumikit ng pandalian upang maibsan ang mabigat na damdamin.Sa aking pagdilat,mga matang nakatitig sa akin.

"I don't know but,isa akong witch na walang paki sa nakaraan.Past is past Isabella,matagal na yun.I don't care if you're a curse or they just made a story. I'm happy that I met you Isabella, you're my first true friend here.Wala akong naging kaibigan dito,I'll keep your secret safe and you can trust me,Isabella."

Hindi ko alam kong maiiyak ba ako sa aking narinig,totoo ba ito o hindi?Kung oo,masaya ako.

"Salamat,maraming salamat." Hinawakan niya ang aking kamay,hinahaplos ng dahan-dahan at ako'y kanyang nginitian.

"Oo nga't ngayon lang tayo nagkakakilala but seriously,magaan ang loob ko sayo,Isabella.I don't know maybe,pinagtagpo tayo ng tadhana.Don't think and worry too much,okay?I am a friend not your enemy."Napangiti ako sa sinabi niya,sana nga Nestle.

"Ito na,Isabella."Kami ay napalingon sa bagong dating,ako'y napatayo habang ito'y papalapit sa akin.Inilahad ang isang kwintas na may hugis bilog ang nakabitay.Inilahad ang aking kamay at doon niya inilagay ang kwintas.

"Iyan ay para sa iyong pagpalit ng wangis,gumawa ako ng palamuti upang hindi ka mahirapan.Isusuot mo lang ito kapag gusto mong magbalat kayo.At ito naman ay para sa iyong dugo."Sunod niyang inilagay ang uri ng singsing na may maliit na kristal kulay lila.Isinuot ko ito sa aking daliri habang ang kwintas ay hawak ko pa rin.

"Salamat,Alice."Sabi ko,nginitian niya akot't tumango.Umalis siya sa harapan namin at bumalik sa ikalawang palapag.Tumabi sa akin si Nestle habang nakatingin sa hawak kong kwintas.

"Isuot mo na,Isabella.Excited na akong makita ang bago mong mukha..hahahahaha"Tumatawa pa ito,napailing nalang ako at aking sinuot ang kwintas.Ito'y nakakapit sa aking leeg,yukong kong hinawakan ang palawit hugis bilog na may esmeraldang kulay.Ako'y napa-angat ng marinig ang halakhak ng aking tabi.Ito'y nakahawak sa tiyan habang pinupunasan ang luhang tumatakas sa mga mata.

"Bakit?"Taka kong tanong.

"Haha.Wala.. Hahahah..shemz grabeh,ang effect ng mukha mo."Hindi parin ito tumigil sa aking tabi kaya'y napaawang ang aking labi.

"Bakit?Anong nagbago sa aking mukha?"Umayos naman ito at pumunta sa aking harapan,sinusuri ang aking mukha habang nakahawak ang isang kamay sa baba.

"Hhmm..Ano lang naman,yung buhok mo na shinny,smooth at mahaba ayon naging sabog at umikli.Kilay mo sobrang kapal,may malaking nunal ka pa sa pisngi,meron din sa ilong,malaki ilong mo at may dalawang pares ng ngipin na malaki sa harap ng mga ngipin mo.Katawan mo naman is tumaba ng kunti?My gosh,ang effect ng disguise mo,Isabella.Hindi talaga makikita ang isang dyosa kanina.Wahahahahaha"Napakamot ako sa balikat,ako'y napatingin sa aking mga kukong mukhang patay ang kulay.

"Wait lang,maglalabas ako ng salamin para makita mo.Hahahaha"Pinitik sa ere ang kanyang daliri at lumitaw ang isang wand.Ito'y kanyang hinawakan at iniwasiwas sa kanyang harapan at pinapalo ng mahina sa kanyang palad kaya'y nagsilabasan ang alikabok na may matingkad na asul ang kulay.Anong ginawa niya?

"Okay,gumana na.So?Ano nga gagawin natin?Ah,okay.Ehem."

Sa kanyang pagtikhim,binigkas ng kanyang labi ang ibang lenggwahe,matapos niya itong mabigkas,itinutok nito ang dalang wand sa sahig na kung saan ay gitna namin.Ako'y napahanga sapagkat unti-unti itong lumikha ng alikabok na matingkad na asul,sa loob nito'y nagpakita ang isang bagay,hindi ko alam kong ano ngunit ng ito'y nasa kalahati na ay hugis-itlog,may nakaukit na baging sa gilid at sa ibabaw,lumiliwanag ito sa aking harapan ng ito'y naging kapantay ng aking taas.Ako'y napapikit,hinintay mawala at aking malinawan.Aking naramdaman ito'y nawala,sa aking pagdilat isang babaeng katugma sa sinabi ni Nestle ang aking nasilayan..

"Kahit ganon maganda ka pa rin naman,Isabella.Grabeh,kung ako yang nasa kinatatayuan mo baka katumbas pa diyan."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon