Chapter 25: Kontinente ng Faerydae(Lepre Sindri)

1.1K 58 0
                                    

(A/N: Hi,it's been a long time di na ako nakapag-update.Hhmm,alam ko pong ang daming typos,wrong grammar and error ek ek ek wag nyo nalang pansinin.Hahaha

Enjoy reading)

Mga kahoy at bulaklak na ngayon ko lamang nakita habang may mga fairies pumapalibot dito,ibat-ibang kulay ng mga paru-paro,mga diwata't engkantandang naglalakad sa magkabilang daan,mga bahay na ibat-ibang hugis o anyo,pegasus at unicorns sa himpapawid,mga batang elf na nagtatakbuhan habang may dala-dalang panta't palaso, mga bahaghari at malaking kastilyo sa gitna habang pinalibutan ng mga puno't bulaklak na may malaking tulay na gawa sa kahoy at baging,na may tubig sa ibaba na nanggagaling sa kastilyo.Marami akong nakitang ibang nilalang na ngayon ko lamang nakasalubong,sila'y lumilipad at naglalakad ng normal,may maliit at malaki.Mga ibong hindi ko rin alam kung ano ang tawag sa kanila at iba pang  uri ng mga nilalang dito sa Faerydae.Ang mahalaga ay aking nasilayan ang mala-paraisong Kontinente ng Faerydae hindi ko lubos maisip na ganito kaganda ang kanilang Kontinente.Ang gaan sa pakiramdam sa kadahilang ang sarap ng kanilang simoy ng hangin,mahalimuyak.

"Oh.Em.Geh."Rinig kong bigkas ng aking katabi,agad ko siyang nilingon at kita ko sa kanyang mga matang siya'y namamangha habang mga kamay nito'y nasa bibig.Ako'y napangiti sa aking nasaksihan mula sa kanya at itinuon ang aking paningin sa paligid upang makita ang mga nilalang na may kanya-kanyang ginagawa.

Pinagpatuloy namin ang aming paglalakbay habang minamasdan sila.May ibang ngumiti sa amin at iniyuko ng kaunti ang kanilang ulo mga paraan nila upang bumati.Kami ay yumuko din sa kanila at aking katabi naman ay nakaramdam ng hiya sapagkat siya'y napatakip ng mukha.Ako'y napatawa ng mahina kaya siya'y mapalingon sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

____

Mas binilisan namin ang aming mga hakbang upang makaabot sa sasakyan papuntang silangan.Dala-dala ang supot na naglalaman ng aming pagkain ay agad kaming napatakbong nagsisimula ng humayo ang sasakyan.Sa aming pagdating sa tapat nito,aking nakitang nagulat ang kutsero.Ako'y ngumiti sa kanya kaya napangiti na din ito.Sininyasan niya kaming sumakay na.Marami-rami ding manlalakbay na katulad namin at mayron ding mga dwende.Napangiti akong sila'y aking nakita,sila'y kumaway sa amin, kaya kumaway din ako pabalik.

Kami ay dumaan sa napakahabang tulay habang nasa ibaba nito'y may mga sirenang lumalangoy at nagsisiyahan.Napatingin ako sa may talon na makita may mga sirenang nagsimulang tumalon.May nakaupo sa malalaking bato at meron ding diwatang nanggaling sa tubig dahilan upang ako'y magulat.Sila'y may pakpak ngunit iba ang kanilang wangis ikumpara sa normal na diwata.

Napatingin ako sa harapan ng aking makita ang tarangkahan kasabay ng pagsinghap,aking nabasa ang nasa tutok nito.

'Lepre Sindri'

Inilibot ang aking namamanghang mga mata sa paligid.Maliit na kabahayan at mga punong may mga bahay sa may mga sanga.Dwendeng biglang sumulpot mula sa lupa,may nagdidilig sa halamanan,nagtatrabaho, nagsisibak at nagsisiyahan.

Ang ganda.

Hawak ang laylayan ng aking bestida,dahan-dahan akong bumaba habang sila'y aking pinagmasdan.Sa pag-apak ng aking mga paa sa lupa ang siyang pagtabi ni Nestle sa akin.May iba ay napatingin sa amin,napahinto at lumapit sa amin.Kami ay kanilang sinusuri habang tinanggal ang kanilang mga sombrero at napahawak sa kanilang damit.

"Mga manlalakbay.Tama ba?"Nagsi-tanguan naman ang iba habang kami ay yumuko sa kanila.Nakita kong nagsitinginan sila at sabay nagtanguan.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon