Hindi ko alam kung akin bang pagsisihan na ako'y bumaba.Hindi ko alam kung lahat ng aking pinili at ninanais ay may idudulot ba itong maganda para sa akin.Kung hindi ko pinili ang aking ninanais na bumaba,hindi ko ba malalaman ang buhay na mayroon sa mga nilalang na naninirahan sa baluktot na mundo ng Anfreileon?
Akay ang isa kong kamay ang maliit na kamay,hinawi ang nagtataasang mga damo at mabibilis na hakbang sa mabatong daan ang siyang aming ginawa.Malalaki at nagtataasang mga punong pumapalibot sa amin,tulong ng maliliit na sinag galing sa araw,nakikita ko ang aming dinaraan.Hindi ko alam kung nasaan kami ng parte ng kagubatan kung kami ba ay nasa timog,kanluran,hilaga at silangan?
Sa gitna ng aming mahabang paglalakbay ay may mga immortal na nakasuot na maskara ang nagsipulsutan.Ako'y napaatras sa aking nakita,hinawakan ng mahigpit ang maliit na kamay at mabilis itinago sa likuran.Sa tulong ng kanilang mga mata ay agad kong nalaman kung anong nilalang nasa aming harapan.
"Mga Bampira."Sila ay nakatago sa anino ng mga puno,iniiwasang masinagan galing sa araw kahit nakabalot ang kanilang mga wangis at katawan.Mga bampirang may mababang antas sa kanilang lipunan,mga bampirang pinagkait ng kakayahang protektahan ang kanilang mga katawan galing sa nakatirik na araw.Nang aking nalaman ang kanilang kahinaan ay agad akong napalinga sa aming paligid upang makahanap na nasinagan ng araw ngunit bago ako makapunta sa aking pakay habang hawak ang isang maliit na kamay ay agad silang kumilos upang kami ay palibutan.
Isa-isa nilang itinanggal ang kanilang suot na maskara habang may mga ngiting nakakatakot ang nakasalpak sa kanilang mukha at naglalaway na bibig,ako'y kanilang sinusuri gamit ang kanilang mapupulang mga mata.
"Kay sarap naman ng ulam natin,ang malahimuyak na dugo ang humahalo sa hangin.Hhhmm"Nagsalita ang isang may kaedaran na lalaki habang sumisinghot sa hangin at nakapikit.Kailangan ko na atang gumawa ng paraan upang maitago ang aking amoy sa mga bampirang hangad na ako'y kagatin at ubusan ng dugo.Kailangan kong tumungo sa katimogan ng Anfreileon,ang Kontinente ng Atreia.
"Ano iyong kailangan,mga bampira?"Mahinahon kong tanong subalit matigas na binigkas.
"Hhmm....Patawad binibini kung ikaw ang aming napunterya sapagkat ikaw at kasama mong batang nasa iyong likuran ay nasa kanluran ng kagubatan,ang pugad ng mga bampirang may mababang antas sa lipunan.At dahil kayo'y nandito at nasa aming teritoryo,mabango't nakakaakit na iyong dugo ang kailangan mong ibigay kapalit sa pagtapak mo sa aming lungga." Mahabang linta ng isang lalaking may maamong mukha subalit sa likod nito'y delikado.
"Ano?Hindi niyo ito teritoryo sapagkat nasa Kontinente kayo ng Althidon,gubat na pagmamayari ng Zamoria,wala kayong karapatan kahit katiting na angkinin ang Kanluran ng Deilquios."
Nakakapagtataka dahil nasa Kanluran ng Anfreileon ang kanilang Kontinente,paanong naging teritoryo nila ang kanlurang bahagi ng kagubatan?Napailing sila at natatawa sa aking sinabi,anong nakakatawa?May mali ba sa aking sinabi?
"Nakakatawa ka ngunit mali ang iyong sinabi binibini sapagkat matagal na naming hawak ang kanluran ng Deilquios.Ayaw ko ng mahabang paliwanag dahil kami ay uhaw sa iyong dugo na ngayon lang namin na amoy kahit sino mang nilalang ay mabibihag sa iyong dugong kumakalat sa paligid.At matagal-tagal naring may naliligaw sa aming teritoryo kaya'y aming lubos-lubusin ang pagkakataon na ito."
Nagsilapitan sila sa amin habang ipinakita ang kanilang mga matutulis na pangil.Sa aking pag-atras ay ramdam kong may nakatutok at nakapalibot na matutulis na sandata sa akin.
"A-Ate.."takot na bigkas ng bata,hinila ko siya sa aking likuran at pinatabi sa aking gilid,pinoprotektahan gamit ang aking mga bisig.
Hindi ba ito alam ng nakakataas na may taga ibang Kontinenteng umangkin sa kanilang lupa?O wala lang talaga silang paki sa kanilang sinasakupan at mamamayan?Ganyan ba silang pinuno at hinayaang mangyari ito o hinayaan lamang na mangyari ito?Hindi ba sila takot na baka sila'y sakupin at angkinin ang kanilang Kontinente?Ganito ba ang kabuhayan sa kabilang Kontinente o hindi?Walang may paki,walang may damdamin,walang may nagmamalasakit at walang kahit nilalang ang siyang nagpabalik sa kanilang tunay na tahanan.
BINABASA MO ANG
Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)
Fantasy[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of lies and betrayal. ---- Started:09-21-19 End: 12- 20- 2022 Photo reference from Pinterest