Chapter 24: Poussierè De Fée

1.2K 59 0
                                    


Maraming pangyayari na hindi natin alam kung ito ba'y pawang kathang isip o ito'y hamak na kinalimutan na ng kasalukuyan.Ito ba'y kuro-kuro o alamat na nilikha upang tayo'y malito kung ano ang dapat paniwalaan o kung ano ang dapat bigyan ng pansin.

Heto na naman ako,ganito nalang ba palagi?Ang magbabalik tanaw?Inilibot ko ang aking paningin sa kapaligiran na kung saan puno ng naglalakihan at nagtataasang mga punong kahoy.Daplis mula sa hangin ang siyang nagpapatigil sa akin at ito'y aking dinama habang unti-unting pumipikit ang aking mga mata.Gumihit ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang mabining awit mula sa ibong malayang lumilipad sa himpapawid.

"Ano ba naman to,ba't kailangan pa natin tong gawin?Nakakainis hah."Boses ni Nestle ang siyang nagpadilat sakin.Mariin ko siyang tinitigan sa bandang unahan na kung saan siya'y nakatayo habang may hawak na mapa at ito'y kanyang tinitigan habang itinaas gamit ang kanyang dalawang kamay.

Hawak ang laylayan ng aking saya,tinungo ko siya at tumabi sa kanya.Parehas naming tinitigan ng maigi ang kanyang hawak na mapa.Matiim namin itong pinagmasdan habang ito'y itinapat sa liwanag mula sa buwan.Sa paghalik nito'y siyang unti-unting lumalabas ang kumikinang at kumikislap na gintong buhangin mula sa mapa.Namamangha ako itong tinitigan habang unti-unti din itong gumawa ng anyo.

"Ito ba ang Faerydae Continent?Ang Ganda."

Doon ko lamang napagtantong isang kontinente ang nilikha ng buhangin.Biglang itinaas ang isang hintuturo ni Nestle at ito'y kanyang inilapit sa gintong kumikislap ngunit tumagos lamang ito.

"Sa tingin mo,saan tayo ngayon?"Tanong niya sa akin.Napa arko ang aking kilay sa kanyang tanong ngunit hindi ko nalang siya pinansin subalit nakatuon lamang ang aking atensiyon sa mapa.

Isang napakalaking palasyo ang nasa gitna habang may mga bahay ng mamamayan sa paligid nito.Di kalayuan ay may apat na tulay.Isa sa timog,silangan,hilaga at kanluran.Sa dulo ng mga tulay ay ang kagubatan ng Faerydae.Ang buong mamamayan at palasyo ay pinalibutan ng malaking tarangkahan.

"Nasa bahaging katimogan tayo sa isa nilang kagubatan.At ako'y natitiyak na tayo'y nasa ikaapat."Itinaas ko ang aking kaliwang kamay kasabay ng paggalaw nito'y kusa ding nag-iba ng hugis ang buhangin.Ang kumpletong kontinente ay napalitan ng isang kagubatan.Ang lugar na kung na saan kami.

"Ganun pala yun?" Hindi ko ito pinansin bagkos ay itinuon ko lamang ang aking atensiyon sa mapa.

Mapunong kahoy at mabulaklak,may talon sa ibat-ibang bahagi ng kagubatan at lawa.Sa gitna ng kagubatan ay may pinakamalaking punong kahoy habang may kung ano-anong maliit na nilalang ang pumapalibot.Makikitang may naninirahan dito.

__

"Ang sakit na ng paa ko,darling."Rinig kong reklamo sa kanya mula sa aking likuran.Ako'y huminto at siya'y aking nilingon na ngayon ay naka busangot na ang mukha.

"Bilisan mo nalang dyan."Sabi ko nalang sa kanya.Napabuntong hininga nalang siya at mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Pagdating niya sa aking tabi ay inayos ang kanyang sombrero at kapa.

"Bat ba kasi kailangan nating hanapin yun?Talaga tong si Tanda.hhhmmp."Ako'y napabuntong hininga na lamang at nagsimulang maglakad.

May pinapahanap sa amin si Alice at sa ngayon ang bagay na iyon ay nasa Faerydae Continent.Ang bagay na iyon ay isang dyamanteng may kulay pilak at may kulay lila sa gitna.Nasa bahaging silangan ito ng Faerydae at yan lang ang aming alam tungkol sa aming pakay dito sa Faerydae.

Ako'y napatingin-tingin sa paligid.Marami ng alitap-tap at fairies ang nagsiliparan sa kapaligiran.May dala-dala silang maliliit na supot at ang laman nito'y pinakalat sa paligid lalong-lalo na sa mga bulaklak at mga puno.Nakita ko ding may fairies sa mga bulaklak habang ang mga ito ay bagong gising,kumakaway sa amin at ang iba naman ay sumasayaw sa ibabaw nito.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon