Chapter 36- Ang Simula ng Paglalakbay

890 43 5
                                    

Tulad ng sinabi ng aming punong maestrado kaming apat ay naghintay sa kanya sa malaking tarangkahan. Hindi pa nagpapakita ang dilaw na araw subalit ang pilak na buwan ang siyang nagpapakita. Ibig sabihin ay madaling araw pa. Sa sobrang aga namin ay gusto ko pang matulog sa ibabaw ng punong kahoy masyadong nagagalak si Cynthia sa mangyayari sa amin ngayon.

Napaayos ako ng tayo nang mahagilap ng aking mga mata ang punong maestrado mula sa malayo kasama ang isang guro. Napayuko kaming huminto sila sa harap namin habang tumango lamang sila.

"Okay. You're all complete. Students, this mission is dangerous and I hope you will do your best to avoid harm and bad injured." Sambit ng aming punong maestrado gamit ang kanyang malamig na boses. Sa tabi niya kung saan ay isang guro, nagsimula itong magbigkas ng isa sa mga makapangyarihan na ritwal. Matapos niya itong bigkasin ay doon lamang lumabas ang isang dilaw na bilog. Maihahalintulad ito ng isang portal na gawa ng mga maharlika.

"May the Almighty empire guide you in your journey. Good luck, students." Huling habilin ng punong maestrado bago kami pumasok sa isang portal. Ako ay nasa hulihan at kasabay ng aking pagpasok ang siyang naramdaman ko ang kakaibang bagay na bumalot sa aking katawan. Nagdadala ito ng mainit at malamig dahilan upang ako'y mahilo.

Pagmulat ng aking mga mata ay siyang pagharap sakin ni Nestle. Nakakunot ang mga noo nito habang nakatitig sakin.

"Ayos ka lang?" Puno ng pag-alala ang tanong niya. Ngumiti ako ng tipid upang maibsan ang pag-alala niya sakin.

"Ayos lang. May kaunting pagkahilo lamang ang aking naramdaman." Sagot ko.

Napasinghap si Tamara nang marinig ang sagot ko habang si Cynthia ay napangiwi ang kanyang labi. Muli akong napatingin kay Nestle na ngayon ay di ko mawari kong bakit hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Ayan ka na naman sa makata mong salita." Sabi niya at pinaikot ang kaniyang mga mata. Ako'y napakamot nalang sa batok at binigyan ng ngiti sa labi.

"Osha! Osha! Taralets na. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin." Sabat samin ni Cynthia na ngayon ay inaayos ang dala niyang pana at palaso. Isang tingin mo lang sa kanya ay malalaman mong isa siyang elf dahil sa ayos ng suot niya. Nagsimula kaming maglakad at paminsan-minsan ay napapatingin sa paligid. Ngayon ko lang din napagtantong malalaking kahoy ang nasa paligid namin. Pati na rin ang mga ibat-ibang klase ng halaman o bulaklak ay malalaki din. May umiilaw, kumikislap o tila humihinga.

"Nasa Gaunt Widãru pala tayo. Medyo malayo pa tayo sa destination natin. " Sambit ni Tamara na nasa unahan at siya rin ang may hawak ng mapa. Nakasunod lang kami sa kanya habang si Nestle ay nasa tabi ko lamang habang napalingon rin sa paligid.

"Ah kaya pala. Ang lalaki kasi ng mga puno tapos ganun din ang mga bulaklak. Tatawid ba tayo ng ilog?" Tanong niya.

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid habang may mga ilang hayop ang sumisilip sa amin mula sa halamanan o sa malalaking puno.

"Yes meron. But mamaya na natin yun poproblemahin dahil medyo delikado ang dulo ng gubat na ito."

"Anong ibig mong sabihin, Tamara?"

"Isang tulay ang tatawirin natin."

"Ah tulay lang pa—."

"Na may malalaking di-ordinaryong ahas sa ilalim ng tulay ang nag-aabang kung sino man ang dadaan nito."

Kami lang ni Nestle ang napahinto sa kanyang sinabi habang silang dalawa ay patuloy parin sa paglalakad. Kaming dalawa ay nagkatinginan at sabay na bumuntong hininga.

Nagsimula ulit kaming naglakad habang iniisip kung anong tradehiya ang magaganap sa dulo ng kagubatan na ito.

"Ah! Naalala ko tuloy yung tanong mo sakin kahapon." Biglang sambit ni Nestle dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Ako'y napakunot habang inaalala kung ano ang katanungan ang aking binigkas kahapon. Bukod sa tinanong ko kung ano ang dahilan kung bakit magkaiba ang kulay ng mga mata ng kamahalan ay wala na akong maisip na iba. Iyon ba ang tinutukoy niya?

"Hindi bat alam mo na yun? Sabi nga nila dahil sumpa ito o di kaya soulmate niya. Cynthia, may tanong ako." Tawag pa niya kay Cynthia na sumulyap lang samin at maikling lakad ang ginawa upang magkasabay kami.

"What is it?"

Habang kami ay nakasunod kay Tamara, isang paksa lamang ang pinag-uusapan namin.

Kung bakit magkaiba ang kulay ng mga mata ng kamahalan.

"....Di ko alam kong ano ang paniniwalaan ko but as what I feel lang, I think because of his mate? If ever it is mate, I hope we will mate her soon. At tsaka, sobrang tagal na and until now di pa rin siya nagparamdam. Still hoping na makita na natin siya. Pero imposible rin kung sila ang magkatuluyan ng kamahalan dahil bukod sa gusto ng emperor at empress ang makipagsunduan sa malakas na isang prinsesa isabay mo pang may status sa mundo natin, nothing will happen pa rin. Lalo na if that girl is from lower class. Tsk! Tsk!" Mahabang linya ni Cynthia. Kumunot ang aking noo. Iniisip ko ang mga prinsesa at pilit na inaalala kung sino ang makapangyarihan sa kanila.

"So ibig sabihin ba, ang prinsesa ng kalawakan ang ipinagkasundo nila? Siya lang naman ang mapangyarihan sa lahat ng prinsesa." Sabi ni Nestle habang kumapit sakin.

Ako'y napakurap-kurap habang iniisip ko yun. Bukod kay Prinsesa Celestine malakas din naman ang prinsesa ng dagat at hindi lang prinsesa ang malakas kundi may anak ng isang heneral din. Si Orla. Si Lady Orla na akala ko isang simpleng nilalang lamang ngunit isang maharlika din pala.

Sumikip ang dibdib ko habang iniisip ang una kong kaibigan sa labas ng akademya. Masyadong masakit parin sakin tanggapin na nauto ako.

Nauto ako ng isang nilalang lamang. Ngunit ako naman ay halos lahat ng nilalang ay nauto ko. Wala pa rin kaming pinagkaiba.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon