"Lumayy!" Malambing ang boses ng tumatawag sa kaniya habang papalapit ang yapak nito sa kaniyang silid. Napabuntong hininga na lamang siya dahil tiyak na aayain na naman siya ni Sari na lumabas para makita si Makasim. Tsk.
Ilang araw na niyang sinusubukang iwasan ito para hindi siya maaya nitong makipagkita sa male lead. Ayaw niyang maging dakilang third wheel. Kung pagbabasehan ang orihinal na kwento, sa unang kita palang ay nahulog na si Lumay kay Makasim. Sa pangalawa at pangatlong kita nila ay sinubukan na niyang kausapin ang ama tungkol sa binata.
Pero siya, si Ruan Mari, ayaw niya sa maaasim na tao. Hindi niya maintindihan kung bakit sa panahong ito siya unang binagsak. Hindi masarap ang mga pagkain nila maliban sa mga preskong prutas. Ang mga inihaw na hayop ay napagtitiisan niya pa pero nakakasawa ito. She misses her old days where she eat desserts in the afternoon with a tea and eat package lunch from a famous restaurant in Quezon and then in the evening her personal chef will cook her any delicacies.
Ngayong na transmigrate siya sa ganitong panahon ay halos manlumo siya sa hirap. She can't cope at all! She knows how to cook pero it will sound weird dahil ang totoong Lumay ay buhay prinsesa baka bigla siyang ialay sa bato kapag na-weirdohan sila nang tuluyan sa kaniya! At isa pa, walang ingredients sa panahong ito kahit asin wala! Kailngan niyang pagtiisang kainin ang papaya na paborito ata ng mga tao dito.
Tuluyan na ngang bumukas ang pinto.
"Lumay, magmadali ka. Tumayo kana riyan at may i-k-kwento ako sa'yong importante. Nagkita kaming muli ni Makasim! At sa tuwing nakikita ko siya tila ba siya nalang ang aking nakikita at may kiliti akong nararamdaman sa aking tiyan." Butterfly in my stomach ang tawag don.Napangiwi ako sa walang habas na pagsasalita ni Sari. Kung hindi lamang mahinhin ang personalidad ng babaing ito ay baka kanina pa ito gumulong sa sahig sa sobrang kilig. Importante pala ang sasabihin pero puro tungkol kay Makasim ang kaniyang naririnig.
Buti pa itong si Sari puro kalandian lang ang nasa isip. Psh.
"Lumay. Baka, baka ikakasal na ako kay Makasim dahil binigyan niya ako nito." Good for you! Go on, get married para di kana makadistorbo.
Pinakita nito ang kamay na may suot na bracelet na gawa sa ginto. Maganda ang pagkakagawa dito bagay sa kamay ni Sari. Umangat ang labi nito at nagkunwaring natutuwa para rito.
"Kung ganoon nasabihan mo na ba si tiya?" Tumango ito at ngumisi. Ede wow.
"Salamat sa iyong payo Lumay, mahinahon ang naging pag-uusap namin ni Ina."
Nagkwento pa si Sari ng mga pagkikita nila ni Makasim at paanong binigyan siya nito ng pulseras. Umuwi din naman agad ito nang maisalaysay na niya nang paulit-ulit ang mga pangyayari. Napabuga siya nang hangin, badbreath si Sari polusyon ang binubuga niya sa tuwing nagsasalita ito.
Okay na ang male at female lead kasal nalang. Kailangan niya lang talagang umiwas para hindi maging cannon fodder sa huli. Hindi naman na mamamatay si Makasim kung walang sasalo ng palaso para sa kaniya dahil magpapakasal siya at walang digmaang mangyayari.
Right, she will marry into the Subanin Tribe. Ang kailangan niya lang gawin ay pigilang magkita ang second male lead at ang female lead. Dahil sa orihinal na kwento hindi lamang dahil sa truce ng lupa ang dahilan ng kasunduan ng dalawang tribo kundi dahil din sa aksidenteng pagkikita ng second male lead at ni Sari. Walang kaalam-alam ang ama nito sa pagkikita ng dalawa kung kaya't siya ang naging bride.
Mangyayari ang pagkikita ng dalawa, bukas. Pero dahil sa kagagawan niya mas napabilis ang daloy ng love life ni Sari kumpara sa orihinal na kwento na naging balakid pa sa pagmamahalan ng dalawa ang ina nito matapos malamang may gusto sa anak ang lider ng kabilang tribo. Wala nang dahilan para may humadlang sa kaniyang mission ngayon but she needs to be well prepared too.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...