Nagising si Ruan sa madilim at makipot na...kahon? Kinapa-kapa niya ang paligid at mas lalong tumibay ang nasa isip niya. Nasa loob nga siya ng isang kahon.
Aishh!
Napamura siya ng ilang ulit dahil sa iilang beses na nauuntog ang ulo niya sa kahoy. Kung sino mang walanghiya ang nagpasok sa kaniya ay sisiguraduhin niya talagang hindi na ito masisikatan pa ng araw.
Kahit na mahina pa ang katawan ay sinubukan niyang gamitin ang enerhiyang nakapaloob sa core niya.
Isa, dalawa at tatlong beses pa ay hindi niya parin magamit ang enerhiya. Pinakiramdaman niya ang katawan. Naroroon parin naman ang core niya pero mayroong tila ba humaharang dito upang hindi makalabas at machannel ito. At isa pa, pakiramdam niya ay isa siyang lantang gulay.Napakunot siya. Bumalik na naman ba siya sa umpisa?!
Hindi pwede!
She worked very fucking hard for years. Tapos ito lang ang mapapala niya?
"Little bear!" Sigaw niya sa isipan.
Silence
Silence
"Yes Miss?"
"Quick! Check my body."
"The spell that is done to diminish the bad energy in your body last month caused your core to temporarily close. Idagdag pa ang spell na bumabalot sa kahon na kinalalagyan mo ngayon na may nullifying effect sayo."
Hindi pa man siya nakapagpasalamat ay bigla na lamang umikot ang paningin niya.
Fucking cage.
"ARRIANE, nakabalik na ang scout." Binawi ni Arry ang tingin niya sa magandang tanawin na natatanaw niya mula sa tuktok ng puno. Mula sa tuktok ay makikita ang napakalawak na lupain sa malayo. Humaplos sa kaniyang mukha ang mainit na hangin na nagmumula doon. Nararamdaman na niya ang hirap na dadaranasin nila sa paglalakbay.
Tumalon siya pababa at pinuntahan ang scout na kasalukuyang nasa isang tent at pinagpapahinga. Kasalukuyang nakatigil ang grupo nila dahil sa mahabang paglalakbay. Kailangan munang pagpahingahin ang mga kabayong dala nila.
Nadaanan din niya ang mga kasamahan na kasalukuyang nag-iihaw ng mga nahuli nilang hayop. Walang ni isa sa mga ito ang makikitaan ng saya sa mukha, malamang ay dahil alam nila ang kahaharapin nila sa paglalakbay.
Nang makita niya ang tent ay inilang hakbang niya ito. Hinawi niya ang telang nagtatakip sa entrance ng tent.
"Spill." Maikling ani niya at umupo sa harap ng lamesang inuupuan ng scout habang sarap na sarap sa pagkain. Malamang ay ilang araw din itong halos walang matinong makain sa paglalakbay nito.
Uminom muna ito ng dalawang baso ng tubig bago nagsimulang magsalita.
"Dalawang daang kilometro mula rito ay nagsisimula nang matuyo ang mga balon. At mula roon ay mas grabe pa ang epekto ng tagtuyot sa kalapit na mga sapa."
"Ilang kilometro ang dadaanan natin para malampasan iyon?"
"Isang libong kilometro mahigit."
Tumango siya at iniwan na ito sa tent.
Isang libong kilometro na walang tubig. Maaaring ikamatay ng mga kabayo ang labis na init at uhaw sa paglalakbay. Hindi lamang ang mga kabayo kundi pati narin ang mga kasamahan nila.Kung mananatili naman sila at hihintayin na lamang ang tag-ulan. Aabot ng higit pa sa isang taon ang magiging paglalakbay nila. At maaari ring abutan din sila ng tagtuyot sa lugar na ito.
Dali-dali siyang naglakad at pinuntahan ang tent ni Master Vynx na siyang naatasan ng kanilang hari na pamunuan muna sila habang busy ito sa pamumuno sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...