She didn't know exactly how long Rakum tossed her up and down, left or right. Ang alam lang niya ay hindi na siya makakilos sa sobrang pagod. Hindi niya inaakalang ang isang tulad niyang laki sa bukirin ay parang povnstar kumilos! How did that happen! Kahit siya ay hindi makapaniwala.
Nagising siya na madilim na ang paligid at tanging mga sulo na lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Wala na si Rakum sa tabi niya. Namumula na naman ang mga pisngi niya sa tuwing naaalala ang mga paulit-ulit na pagtawag at minsa'y pagbulong nito sa kaniya ng 'asawa ko.'
Kaya naman pala walang habas ang paglalakbay nila dahil gusto na nitong makaisa sa kaniya. Kapag naiisip niya na posibleng umabot sa labas ang tunog ng pagsisiping nila ay mas lalo siyang nahihiya. Sinisisi niya ang walang hiyang lalaking nasobrahan sa kakapalan ng mukha. At mas lalong sinisisi niya ang dingding na kawayan pati na ang matigas na hinihigaan niya.
Nakatulala lamang siya sa kawayang bobong. Damang-dama niya ang katawang tila nabugbog sa sobrang manhid.
Sinulyapan niya ang mga hita na kapag ginagalaw niya ay tila ba nanginginig. She smiled. It was very tiring but satisfying. Mahilig din pala ang mga lalaki kahit sa ganitong panahon.
Pinilit niya ang sarili na umupo para abutin ang pagkain na nasa paanan niya.
'little bear, you'
'No host, I didn't look or heard anything!'
'weh?
'Yes Host, may automatic na nagb-block sa screen ko kapag may intimate scenes na nagaganap. Para protektahan ang privacy mo.'
Napabuga siya ng hangin. Hindi niya kayang isipin na may nanonood sa kaniya while doing those things.
'Thanks, by the way did you take picture before the intimate scenes?'
'yes according to your request."
'Itong isa maganda. Thanks.'
Picture niya ito at ni Rakum bago mangyari ang intimate scene nila g dalawa. Sobrang hot nitong tignan habang nakatutok ang mata sa kaniya. Who would have thought na kikiligin siya sa isang lalaking kamakailan lang niya nakilala.
Pagkatapos niyang kumain ay nahiga na uli siya at mahimbing na nakatulog. Sa kalagitnaan ng gabi ay naramdaman pa niya ang yapos ng lalaki. Dahan-dahan niyang iniba niya ang pwesto at humarap dito saka tahimik na yumakap pabalik. She fell asleep, comfortably. Comfort na hindi niya nadama sa malaki at malambot niyang kama sa unang buhay.
Panay naman ang kuha ng picture ng angel na lagi niyang kasa-kasama.
-----
Isang buwan sa tribo ng mga Higaunon at dalawang taon naman sa tribo ng mga Subanin, ganoon na siya katagal na namamalagi sa mundong ito. Sa mga lumipas na taon ay tila naging parte na siya ng mundong ito. Nasanay na siya sa klima at paraan ng pamumuhay ng lahat. Marami siyang natutunan at naipamahaging kaalaman na ang naging paliwanag niya ay galing sa mga panaginip na mula kay Bathala.
Walang naghinala dahil ito ang unang beses na may isang Higaunong ikinasal sa kanilang tribo. Marahil kaya nagpapakita ang Bathala sa kaniyang panaginip ay dahil natuwa ito sa pag-iisang dibdib ng isang Higaunon at isang Subanin. Sinang-ayunan naman ang paliwanag niya ng punong babaylan.
Sa dalawang taon niya sa Tribo ng mga Subanin ay marami siyang nagawa. Pinag-aralan niya ang buong lupain ng Subanin sa tulong ng asawang si Datu Rakum. Tinuruan niya ito ng maayos na paraan para sa irrigasyon sa tubig at siya na ang bahala para i-implementa ito.
Hindi narin sa pangangaso namumuhay ang mga Subanin kundi sa pag-aalaga narin sa mga hayop katulad ng wild chicken, wild pig at iba pa. Natuto narin ang mga ito ng simpleng mga putahi gamit lamang ang asin, luya at lemon grass na siya rin ang 'nagdiskobre'.
Malimit lamang ang mga sangkap na nakalap niya dahil sa malimit rin ang kaniyang lugar na pwedeng puntahan lalo pa't ipinagbuntis niya ang panganay nila ni Rakum anim na buwan pagkatapos nilang maikasal. Natakot pa siya nang malaman na buntis siya dahil ito ang kauna-unahang pagbubuntis niya. Hindi nga pala uso ang scx protection sa panahong ito.
"m-ama..." Tawag sabay kalabit sa kaniya ng walong buwan na gulang niyang anak na si Hakob. Kasalukuyan itong nasa loob ng crib. Nakataas ang dalawang kamay na parang gustong magpabuhat sa kaniya.
"Wait, baby." Bulong niya dito. Di bale na kung mag English siya wala naman ang ama nito. Nagpahid muna siya sa sariling pawis, katatapos lang kasi niyang magluto ng pananghalian. At saka baka mainitan ang bata sa kaniya kaya't minabuti niyang wag itong kargahin agad.
Hinaplos niya ang may kabilugan na tiyan. Apat na buwan na siyang buntis sa ikalawa niya. Ang Rakum na mahilig ay balak ata siyang gawing baboy.
Bago pa niya tuluyang makarga ang bata ay may malambot na bagay ang dumampi sa kaniyang pisngi sabay marahang pagyakap mula sa kaniyang likod.
"Mahal kita, Lumay." Bulong nito bago inalis ang pagkakayakap sa kaniya at binuhat ang kanilang panganay. Pangiti-ngiti siyang pinagmasdan ang mag-ama. When Rakum glance at her, she mouthed "Mahal din kita."
Ngiti naman sabay kindat ang sukli nito sa kaniya.
Habang karga-karga ang bata sa kaliwang braso nito ay ang kanang kamay naman ang nag-aasikaso sa mga pinggan. Lumapit siya sa lalaki at dahan-dahang hinubad ang headdress nito. These days, maraming inaasikaso ang lalaki at tuwing kainan nalamang nakakauwi, minsan naman ay sa gabi na.
Sunod-sunod ang mga nangyayaring trahedya sa borders ng Subanin. May roon ding nagtatapon ng lason sa ilog dahilan para mangamatay ang iilang isda. May hinala na siya sa mga nangyayari, kung ganoon kumikilos na pala siya.
-----
"Lumay!" Hingal na napabalikwas ng gising si Makasim habang kuyom-kuyom ang mga kamao nito. Tagaktak ang mga butil ng pawis sa noo. Isang bangungot. Hindi. Isang alaalang binago't pinalitan ang totoong daloy nito.
Madilim at katakot-takot ang mga mata nito. Gabi-gabi siyang dinadalaw ng bangungot at nababaliw na siya. Kinakain siya ng masidhing pag-aasam sa kapangyarihan.
'Bakit. Bakit Lumay? Bakit ka nagpakasal sa isang Subanin?
'Bakit hindi mo ako iniibig tulad ng nasa panaginip ko?
'Lumay! Lumay!
'Dapat hindi ka pumayag na magpakasal! Dapat nanatili ka nalang sa tabi ko na handang saluhin ang kahit na anong sandata para sakin. Dapat ganoon ka Lumay. Dapat nandito ka!
Hindi matigil ang boses na sumisigaw sa kaniyang isipan. Puno ito ng galit at sakim sa realidad. Kung sana hindi lamang nag-iba si Lumay sana ay isa na siyang Datu ngayon.
Binalingan niya ang asawang katabi nito sa pagtulog. Gusto niya itong sakalin para bumalik na sa kaniya si Lumay. Naalala na niya ang karugtong ng panaginip. Sa ilalim ng pamumuno niya, makalipas ang ilang dekada ay ang mga Subanin naman ang nagtangkang sakupin ang kanilang lupain. Naaalala niyang namatay siya dahil sa palasong tumama direkta sa kaniyang puso habang ang asawa ay nasa kaniyang tabi. Naaalala niyang hindi man lang ito gumalaw sa pwesto para protektahan siya! Pero si Lumay, si Lumay lang ang totoong nagmamahal sa kaniya pero nagbago ito at nagpakasal sa iba!
Ang asawa naman nitong si Sari na ngayon ay pitong buwang ng buntis ay nagising sa pagsigaw ng lalaki. Malinaw na narinig niya ang pangalang Lumay. Nagdilim ang dating inosente nitong mga mata. Ilang beses na niyang naririnig ang lalaki na sinasambit ang pangalan ng babaeng matagal ng ikinasal sa Subanin at marahil naghihirap ito ngayon.
"Makasim, anong nangyari?" Natakot siya sa tingin na ipinukol ng lalaki. Winaksi nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito na ikinagulat niya. Lumabas ito sa kanilang silid at hindi na bumalik pa hanggang sa mag umaga.
Wala na ang lalaking pinangakuan siyang mamahalin habang buhay. Nagbago na ito. Kasalanan itong lahat ni Lumay!
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...