"Binabati kita Lumay. Hangad ko ang walang hanggan mong kaligayahan." Bungad ni Sari nang makalabas siya mula sa silid. Nakangiti ito pero kitang kita sa mga mata nito ang halong paghanga at inggit sa kaniya nang makita siya.Nginitian niya ito ng matamis. Masaya na maganda pa, ano ka ngayon Sari.
"Maraming salamat, Sari. Ikaw din, hangad ko ang kasiyahan mo kasama ang lalaking iyong iniibig." Namula ang itim na pisngi nito at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
"Kapag hindi ka trinato ng maayos sa tribo ng mga Subanin, maluwang ka naming tatanggapin muli Lumay. " Muntik na niyang mapawi ang matamis na ngiti sa sinabi ng kausap. Maganda man itong pakinggan pero kung iaanalisa nang mabuti may mali sa sinabi nito. Kasasabi lang nito na hangad niya ang kaligayahan niya pero parang sinusumpa siya nitong hindi itatrato ng maayos sa tribo ng mga Subanin.
"Salamat Sari, ikaw lamang ang tanging kaibigan na mayroon ako at ngayon ay malalayo na ako sayo. Sana'y maging mabuti ang kalagayan mo. " Ginawaran na naman niya ito ng ngiti. "Sangnay, lumakad na tayo." Hindi na niya nilingon pa si Sari at nagpatuloy sa paglalakad.
Sapat na ang inggit sa mga mata ng babae para hindi na niya suklian ang sinabi nito.
Ilang sandali pa ay isang asungot na naman ang lumitaw sa harap niya. The male lead and his shining bangkaw. Anong kamalasan naman ang napulot niya at lahat ng ayaw niya ay bigla-bigla na nalamang sumusulpot sa harapan niya.Tinignan niya si Makasim at tila nagulat ito nang makita siya.
MAKASIM was really shock when he saw Princess Lumay dressed flamboyantly. This is very different from his dream. Lumay was not supposed to get dressed and agreed to the marriage. She's supposed to lock herself and embarrassed the Subanin tribe.
Tiningnan siya ng babae na may pagtataka. He could feel that the woman in front of her is running out of patience. Iba ang tingin nito sa kaniya kumpara sa malumanay at kumikislap na tingin nito sa kaniya sa panaginip. He felt very confuse and uncomfortable.
The dream felt surreal that he believed all of it is true. Rationally, hindi dapat siya naniniwala sa panaginip lang pero kakaiba ang panaginip niyang iyon.
He also strongly believe that Bathala is giving him a sign of his true destiny. Hindi pwedeng wala lamang kahulugan ang napanaginipan niya. Ang ipinagtataka niya lang ay ang mga pangyayaring hindi tumutugma. Princess Lumay is very attached to Sari na kahit sa pagkikita nila ng kaniyang nobya noon ay nandoon ito. At isa pa itong ngayon, pumayag siyang makasal sa isang Subanin kabaliktaran ng nasa panaginip niya! Hindi siya makakapayag na ibahin ng dalaga ang tadhana na ipinagkaloob sa kaniya ng Bathala!
Parang may nagsasabi sa kaniyang may mali sa mga nangyayari. Something must be wrong with this Lumay in front of him.
"Lapastangan, sino ka para harap-harapang titigan ang prinsesa!" Si Sangnay. Agad namang napaluhod si Makasim. Mukhang nagising na ito.
Pakiramdam niya ay kakaiba ang kinikilos at tingin ng lalaki sa kaniya. Parang may ginawa siyang labag sa expectations nito.
Madaling basahin ang reaksyon nito kaya alam niyang may mali. Kahit sa totoong kwento ay hindi kailanman siya nilapitan ng binata kahit noong palagi siyang dumidikit kay Sari. Ngayon na hindi na siya sumasama kay Sari ay saka siya nito lalapitan.
"Paumanhin." Tumayo na ito at yumuko sa kaniya bago mabilis na umalis. Nababagabag parin siya ikinilos ng lalaki.
𝘏𝘰𝘴𝘵, 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘭𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘥 𝘳𝘦𝘨𝘢𝘪𝘯𝘦𝘥 𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘳𝘦𝘷𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴.
'What! How?'
𝘛𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮.
Napatanga siya. Ibig sabihin dito palang magsisimula ang totoong plot twist ng mundong ito.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...