She's pacing back and forth.
Calm down, host.
'Fuck you! Why the hell Sari appeared in that God damned river!"
Bad words, host you are aware that I am an angel right? Stop exposing me to evil.
'Stop avoiding my question!' nanggigil na ani niya sa isipan.
It's your fault. You overlook the whole situation. But the good thing is you appeared on time before the Second male lead love the female lead at first sight. *Clap hands
'shut up.'
She sat on the bamboo bed and thought deeply. She'll quit to be lazy dumpy and plan her next move in case Rakum will still persist to love the female lead. Wala siyang confidence sa mga nangyari kanina. Iba ang kamandag ni Sari.
Napapabuntong hininga nalang siya dahil mababaw nga ata ang emotional IQ niya. Wala siyang alam sa pang-aakit!
Lumingon siya sa may bintana. Umaabot dito ang mga iilang ilaw ng apoy at tunog ng tambol. Masigla ang gabi. Kasalukuyang nagsasaya ang lahat para sa mga bisita nilang Subanin. Bilang isang prinsesa ay hindi siya maaaring basta-basta na lamang na maki-sali sa kasiyahan.Tanging mga babaeng mananayaw, mga alipin iilang karaniwang babae lang ang pwede. Well, she's not the true princess Lumay.
Yumuko siya at kinuha sa ilalim ng kama ang karaniwang saya na wala man lang gaanong disenyo kumpara sa mga sinusuot niya. Hinubad niya ang saya pati na ang ginawang panty na nilagyan niya ng Gapas kanina pero hindi man lang nabahiran ng dugo. Two days lang pala ang itinatagal ng period ng katawang ito. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi tulad ng sa orihinal niyang katawan ay umaabot ng 6 days with cramps ang period niya.
Napa-igtad siya nang bigla nalang may tumunog sa may bintana. Dali-dali siyang nagsuot ng saya at inayos ang buhok na nahawi. Pagtingin niya ay wala namang tao. Kahit nasisinagan nang kaunti ang kaniyang bintana ay may kadiliman parin ito. Dahan-dahan niyang itinaas ang paa habang ang isang kamay ay nakahawak sa itaas na parte ng bintana.
Palinga-linga siya habang bumababa at maingat na naglakad papunta sa lilim ng puno kung saan di naabot ng liwanag ng apoy. Pinagmasdan niya ang kalalakihan at babaeng mananayaw dancing while raising their heel and only their toes touched the ground. It's very traditional and native.
She glance at Lumay's father hitting the gong while dancing too. She felt overwhelmed, from the start napaka babaw ng tingin niya sa lugar na unang pinagdalhan sa kaniya. Who would want to transmigrate to a place that only fresh fruits is considered delicious and fresh air na kahit saang province sa pinanggalingan niya ay hindi ma-i-kokompara dito, but that's all. Pero habang tumatagal, napapamahal narin pala siya sa lugar na ito. Unti-unti, nakikilala niya ang totoong pinagmulan ng bansa. Mga tradisyon na sana'y mas pinapahalagahan sa kasalukuyan imbis na ang mga kulturang ipinalit ng mga dayuhan.
Watching intently, she didn't notice the man beside her.
"Mas magandang pagmasdan ang dilag na nasa tabi ko."
"Shit!"She jump in horror. Hindi na niya napansin ang panandaliang pagtalon din ng buhok niya na naging sanhi para ma-expose ang dibdib niya!
"Shet?" Ulit ng lalaki sa binanggit niyang ingles na mura. Habang ang tingin ay nagmula sa kaniyang dibdib at lumipat sa kaniyang mukha.
"Shit hindi shet."
"Sheyt?"
"..." Wala siyang pag-asa mas lalo atang lumambot ang bigkas nito.
"Kalimutan mo na, nasabi ko lang yun dahil sa aking pagkagulat." Pasimple niyang inayos ang buhok niya. Kahit madilim ay hindi siya komportabling nagugulo ang buhok niya sa dibdib. Binalik niya ang tingin sa mga nagsasayawan.
"Kung ganoon anong ginagawa ng isang dilag dito sa dilim? Hindi kaya't may hinihintay kang katagpuan sa lugar na ito?" Ramdam niya ang tingin nito sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya.
"Mali ka ng inaakala, nais ko lang panoorin ang kasiyahan sa malayo."
"Kung ganoon, bakit hindi ka dumalo?"
"Hindi ako maaaring makisali sa ganoong pagtitipon." Sinadya niyang ipahiwatig sa lalaki ang dahilan ng hindi niya pagdalo. Dalawa lang ang posibleng rason para hindi dumalo ang babae sa isang kasiyahan. Una ay kung may asawa na ito. Pangalawa ay kung may mataas na posisyon ang ama nito sa kanilang tribo o isa siyang prinsesa.
Nakita na siya ng lalaki kanina. Hindi siya naniniwalang ang Datu ng Subanin ay may mahinang utak.
Kung magkakagusto man ang lalaki sa kaniya. Alam na nito ang dapat na gawin para mapakasalan siya.If only she could see through the dark she would rather stare at the man beside her.Ramdam niyang nananayo ang nipples niya dahil sa lamig at dahil narin sa lalaking katabi niya. Matanda siyang namatay at tigang siya at mahalay rin.
Tahimik nilang pinagmasdan ang gabi at kalaunan ay bumalik na siya sa kaniyang silid.
Kontento na siya sa mga nangyayari at tiyak na makakatulog na siya nang mahimbing.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...