Ruan woke up in a daze. Masakit ang likod niya dahil sa matigas na batong hinigaan. Bumuntong hininga siya. Mabuti na lamang ay hindi siya nagkasakit pagkatapos ng nangyari kahapon at tanging itong likod lang niya at batok ang masakit.
'gurrr'
Napahawak siya sa tiyan. Gutom na siya. Dahan-dahan siyang lumabas ng kweba at alertong tiningnan ang paligid. Maaliwalas na ang buong paligid at unti-unti naring natutuyo ang mga puno't halaman. Kulay asul nadin ang kalangitan at mukhang hindi na nagbabadyang umulan ulit.
Kung pagbabasehan ang posisyon ng araw kung saan ito'y nasa pinaka tuktok ay ibig sabihin lamang na tanghaling tapat na.
Bumalik siyang muli sa kweba at tiningnan ang upper armour ni Aleria. She could use it as plate for fruits later.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga bitag na ginawa niya kahapon ngunit sa kasamaang palad ay wala pang nahuhuling hayop iyon. Napahawak siya sa sentido. Malamang, dahil sa sobrang pagod kahapon ay hindi na niya inintindi pa nang mabuti ang bitag basta't may mailagay lang siya.
She destroyed most of her traps. She should have considered first kung saan madalas dumaan ang mga maliliit na hayop. Nang makakita siya ng mga maliliit na bakas ay dali-dali siyang gumawa ng bitag. She smiled a little remembering how Rakum taught her to do this.
Nang matapos siya sa paglalagay ng bitag ay binalikan niya ang punong may maraming bunga kahapon. She didn't dare to pick anything on that tree because she doesn't know if it was edible or not. But according to the memories that she received last night, it was actually a fruit called Everlasting Fruit.
Tumingala siya sa matayog na puno. Maraming mga nahulog na mga bunga mula rito sanhi ng malakas na ulan kahapon. Mabuti na lamang at hindi na niya kailangang umakyat pa at baka mahulog lang siya dahil sa basa pa nitong katawan na kung titingnan ay kasing kinis ng sa bayabas.
Everlasting Fruit, it is colour red with a circular shape but a curly surface. Yumuko si Ruan at pumulot ng isa. Nang makita niyang may kaunting dumi ito ay ipapahid na sana niya ito sa damit pero mas marumi pa pala siya kaysa sa prutas. Pati ang mga kuko niya ay napasukan pa ng mga dumi. Napangiwi siya sa nakita.
'gurr' pero gutom na talaga siya.
Pikit matang kinagatan niya ang prutas. Taliwas sa inaasahan niyang lasa ng prutas, para lang pala itong apple sa loob nito. Iba lang ang shape at may kaunti siyang nalalasahang tamis na katulad ng isang gatas.
Isa lang ang naisip niya. Ang sarap ng prutas na ito!
Pumulot siya ng marami at nilagay sa upper armour ni aleria. She could wash it in the stream 50 meters away from her position right now. Habang tinatahak niya ang daan papuntang sapa ay nakakita siya ng walnuts na pinagpipistahan ng mga squarells. Sa ibaba naman ay ang isang matabang rabbit na pumupulot ng mga nuts na nahuhulog ng mga squarells sa itaas.
Maingat na ibinaba ni Aleria ang hawak na armour at kinuha ang maliit na dagger. The only weapon she has. Gamit ang senses ni Aleria ay inobserbahan niya ang galaw ng rabbit. Walang kamalay-malay ang inosenteng rabbit na siya ang ang magiging tanghalian ni Ruan. With all her might, she throw the daggers towards the rabbit but it didn't even reach its position. Dahilan para tumakbo ito. Napangiwi siya at napahawak sa braso na mukhang nabugbog ng matigas na higaan niya kagabi.
Nanghihinayang man ay naisip niya nalang na hindi rin naman niya ito maluluto agad dahil basa pa ang mga panggatong dahil sa ulan. Pinulot niyang muli ang armour at lumapit sa walnuts na kaunti nalang ang natitira. Pinulot niya ang mga nahulog at nilagay sa plates.
After washing the fruits, Ruan wash herself too. Mababaw lang ang sapa at hanggang tuhod lang ang pinaka malalim nito. The water is very clear and freshly looking. Sumikop siya ng tubig gamit ang kamay at uminom.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
Phiêu lưuDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...