Lumay 8

1.3K 40 0
                                    

Napaka dilim ng paligid lalo na sa loob ng kagubatan. Walang liwanag na nagmumula sa buwan. Ngunit wala itong epekto sa mga mandirigma na mabibilis ang paa na tumatakbo sa iisang direksyon.

Ang bawat isa sa kanila ay may dalang bangkaw. Mababangis ang tingin nila sa dinaraanan na animo'y sanay na sila sa dilim. Ang iba ay may hawak na pana at ang palaso nila ay nakalagay sa isang basket, nakasabit ito sa kanilang balikat.

Kung titingnan ay tila sasabak sila sa isang digmaan.

A day before

"Hindi parin ba sila tumitigil?" Marahang tanong niya sa asawa habang hinihilod ang ulo nito. Nakapikit naman si Rakum at dinadama ang malambot na kamay ng asawa. Kung pwede lang sana na tahimik nalang palagi ang mundo at wala ng maghasik pa ng kaguluhan.

Gusto niya ng mas mahaba pang oras para makapiling ang irog. Kung malaki na sana ang anak niya'y baka ipinasa na niya agad ang mga responsibilidad niya dito. Siguro'y kapag nasa limang taon na ito'y unti-unti na niyang tuturuan itong pamunuan ang nasasakupan. Kapag tumuntong ng dyes ay bababa na siya sa pwesto at manatili nalang sa tabi ng asawa.

"Mas lumalala pa ang ginagawa nila sa lupain ko. Masyado ng naapektuhan ang aking nasasakupan " Kaswal ang kaniyang pagkakasabi nito ngunit may bahid na lungkot. Mawawalan ng saysay ang pinaghirapan ng kaniyang asawang si Lumay kung patuloy na manggugulo ang mga Mangyan sa kanilang lupain. Tila ba hindi na sila makapaghintay na mapasakamay ang pinaghirapan nilang pundasyon ng kanilang tribo.

"Kung ganoon ano ang pumipigil sa iyo?"

"Kalahati sa mga mandirigma ng Higaunon ay pumanig kay Makasim..." Alinlangan nitong ani sa asawa.

" Pumanig sila sa kalaban at ipinag walang bahala ang kapakanan ng mga Higaunon sa tingin mo hindi sila handang mamatay sa kanilang pagtataksil?" Marahas man ang mga salitang binitiwan ng asawa ay may punto naman ito. Ang ginawang pagta-traydor ng mga ito ay walang kapatawaran.

Matagal na niyang alam na may kakaiba sa babaeng pinakasalan niya ngunit ni minsan ay hindi siya nagsisisi sa naging desisyon. Maswerte siya dahil nakapag-asawa siya ng babaeng kayang pumantay at lumamang sa husay niya. Ipinagmamalaki niya ito. Hinihiling niya kay Bathala na kung sakaling may pangalawang buhay ay ang babaeng ito sana ang muli niyang makatagpo.

Hinawakan niya ang kamay ng babae sa kaniyang noo at marahang hinila ito. Pinaupo niya ang babae sa hita at hinimas ang malaki nitong tiyan.

"Pangakong pagkatapos nito ay hindi na muling luluha ang dalawang tribo natin dahil sa mga Mangyan." Hinalikan niya ang noo ng babae at nilandas ang kanang kamay sa pisngi nito. Muli niya itong ginawaran ng halik sa noo hanggang sa mapunta ang halik sa mapupulang labi ng babae.

-----

Present time

Tanaw ng mga mandirigma ang tahimik na tribo ng mga Subanin. Tanging mga sulo na lamang sa labas ang nagbibigay liwanag. Patay na ang mga sulo sa loob ng mga kubo.

Pumwesto na sa mga punong nakapaligid ang mga mamamana. Mahigpit narin ang kapit ng mga mandirigma sa frontliners sa kanilang mga bangkaw na sinadya pa nilang patulisin nang maigi. Nakahanda na silang pumatay para sa ikauunlad ng kanilang tribo.

Kung mapapasakamay nila ang lugar na ito, siguradong uunlad ang kanilang tribo at lalawak ang kanilang lupain. Sila naman ang titingalain ng iba pang mga tribo. Higit sa lahat, magiging pagmamay-ari na nila ang malawak na palayan ng mga Subanin na palaging basa ang lupa. Hindi nila alam kong paano ito nagawa ng mga Subanin ngunit nagpapasalamat sila sa biyayang makukuha. Tiyak na wala ng magugutom pa sa tribo nila. Namuo ang masidhing inggit sa kanilang mga puso.

Marry The Second Male LeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon