Kamangha-mangha na ilang kilometro lang mula sa kanilang kinatitirikan noon ay mga malalabong na mga puno't halaman. Gayon paman, walang sino mang mga refugee ang napadpad sa lugar. Kung mga hamak na mortal lamang ang mga ito ay hindi sila magtatagal at magiging hapunan lamang ng mga mystical beast.
Bagaman mayayabong pa ang mga halaman at kulay berde pa ang karamihan, may iilang halaman na ang naapektuhan ng matinding init dahil kapansin-pansin ang naninilaw na nitong mga dahon. Malamang ay hindi na kinakaya ng enerhiya na nagmumula sa puno na panatilihing buhay ang mga ito.
Maingat ngunit mabilis ang kanilang mga kilos nang pasukin nila ang kagubatan ng Aesus. Si Ruan ang nangunguna sa kanila sapagkat siya ang nagbigay ng ideyang ito.
Wala pang kalahating oras ay nakarating na sila sa bangin na nakapalibot sa malaking puno. Kung titingnan ay para itong isla. Sa ibaba ay napaka kapal ng hamog na bumabalot sa bangin kung kaya't hindi gaanong makita ni Ruan ang ilalim nito.
Lumapit sa kaniya si Arry na agad niyang inikutan ng mata. Nanatili naman ang malamig na ekspresyon nito sa gwapo nitong mukha sa kabila ng kaniyang ginawang pag-irap.
He has a coppery brown eyes that compliment his thick bushy lashes. Thick eyebrows and luscious lips. Overall she didn't regret taking him in as a disciple. If he wasn't even too good-looking even when he was just young, Ruan wouldn't even let him in. Though it was what she thought at the moment, she also knows that she held more deeper reason why she chose him.
"You know it's uncomfortable being stared at." He suddenly said, lips a little bit arc up as if she disgusts him.
"I'm quite the opposite. " Ruan smirk at him.
"Tsk."
Umiling-iling na inilipat ni Ruan ang atensyon sa bangin na halos isang kilometro din ang layo. Ni wala man lang tulay sa lugar na ito.
"Anong plano mo?" He inquired.
Alam naman nila na hindi basta-bastang makakatawid sa bangin na iyan. Maliban sa mahaba ito ay mayroon ding misteryosong halimaw sa ibaba nito na hindi pwedeng maalarma. Sa madaling salita, tanging mga cultivators lamang na may sapat na kakayahan ang makakatawid sa mahabang bangin.
"You can all rest from here. Ako na ang tutuloy." She said nonchalantly.
"Alam mong hindi kami papayag. Bakit naman namin hahayaan ang bitag na makatakas?" Ani ni Arry kahit pa alam niya na wala naman talaga itong intensyong tumakas. Kilala niya ang master niya, kung talagang ayaw nitong sumama sa kanila ay matagal na niya silang natakasan.
Hindi ito pinansin ni Ruan at bagkos ay iniwan ito para kausapin si Master Vynx na sa ngayon ay kausap ang isa sa mga assasin mage. Nang mapansin siya nito ay may sinabi ito sa assassin bago tuluyang umalis.
"Ipadala mo agad sa hari ang sulat. " Tumango ang assassin, at umalis.
"Master Vynx," Tawag ni Arry sa kaniyang likod.
Tinaas ni Arry ang isang kamay at sinenyasan itong manahimik. Sinabi niya kay Master Vynx ang kaniyang planong pagtawid mag-isa sa mahabang bangin. Nanatiling tahimik si Master Vynx at nang matapos siya sa pagsasalita ay saka ito sumagot.
"Hindi na kailangan, mayroong sekretong daan patungo sa puno ng Aesus..."
"It's not even a secret." Bara ni Ruan. Totoong ang daanang ito ay hindi na talaga sekreto sa mga cultivators na mahilig maglakbay. Iyon nga lang ay kung isa kang mahinang cultivators ay hindi mo kakayanin ang mataas na temperatura sa ilalim.
"Ano ba talaga ang kailangan niyo sa mga Aesus?" Nagkatinginan sina Ruan at Master Vynx. Bagaman matalino si Arry ay kulang parin ang mga karanasan na natamo nito sa buhay kompara kay Ruan na dala ang alaala ni Aleria at ni Master Vynx na matagal na ring nabubuhay sa mundo. Masasabing hindi pa sapat ang mga kaalaman niya sa Heograpiya ng mundo.
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
AdventureDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...