"When you realize that you're changing the way you don't want yourself to be. Would you still not accept the bitter truth that the world is both the true captain and the waves that will turn your ship upside down?" -arvie
Surprisingly, pagkatapos ng naging pag-atake ng mga assassins ay hindi man lang nila ito pinag-usapan. Kahit si Eric ay nanahimik din at walang sinabi.
Tiningnan ni Ruan ang kamay na malinis na ngayon at wala ng bahid ng dugo. Marami ng dugong dumanak sa kamay na ito. Kahit si Ruan ay hindi niya kayang bilangin kung ilang tao na ang napaslang ni Aleria. Ngayon na siya na ang nagmamay-ari ng katawang ito ay dinugtungan niya naman ang bilang ng mga nasawing buhay sa kamay niya. Kahit siya ay hindi makapaniwalang nagagawa niyang pumaslang ng walang pag-aalinlangan kapalit ng pera.
Minsan narin niyang naitanong kung kailan siya nagsimulang maging ganito pero sa tuwing naaalala niyang nakataya ang buhay at kaligayahan niya sa loob ng mundong ito ay mabilis ding napapawi ang lahat. Deserve rin naman niya ang totoong happy ending diba?
Wala naman siyang choice dito. To kill or to be killed yan lang ang choice na mayroon siya!
At isa pa, isa lang naman itong mundo na gawa lamang sa imahinasyon. Kailangan lang niyang gawin ang lahat ng makakaya upang matapos niya ang nag-iisang misyon. Kahit pa, ilagay niya sa kaniyang palad ang buhay ng iba.
Kailangan lang niyang harapin ang second male lead at pakasalan ito matatapos na lahat ng paghihirap niya sa nakakatakot na mundong ito. Oo, natatakot siya sa mundong ito. Kung hindi lang sana malakas ang katawang ipinasok sa kaniya ay baka mamamatay siya sa takot. Takot na baka mapaslang siya ng mga malalakas na cultivators.
Sinulyapan ni Ruan ang kahong nababalutan ng barriers. Sa tingin niya ay malakas naman ang barriers na nilagay nila bilang proteksyon sa ano mang pwedeng umatake at nakawin ito. Hindi kailan man pumasok sa isipan ni Ruan kung ano ang laman ng cargo na pinakaiingatan nila ngunit ngayon ay nabuhay na ang kuryusidad sa kaniyang systema. Ano nga ba ang laman nito?
Ayshh! Hindi na dapat niya pinapakialaman ang gamit ng iba.
Ilang kilometro pa ang nilakbay nila hanggang sa marating na nila ang pinakamalapit na village sa ghost valley. Nakahanda na pala ang inn na tutuluyan nila kaya't mabilis silang nakapagpahinga. At dahil nga injured ang mga soldiers na kasama nila napagkasunduan na salitan ang gagawin nilang pagbabantay. Mabuti na lamang at susunod na shift pa si Ruan kasama si Rose kaya't makapagpahinga pa sila.
Kahit na ramdam na ramdam ni Ruan ang pagod sa buong katawan niya ay hindi niya parin maiwasang mag-aalala. Hindi parin nagpapakita si Arry gayong sinabi nitong ligtas ito. Wala sa usapan nila na mauna siyang maglakbay sa ghost valley gayong wala naman itong alam dito.
Umihip ang malamig na hangin mula sa nakabukas na balkonahe dahilan para mapalingon siya dito. Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas. Napakaliwanag ng asul na buwan sa gabing ito na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa buong paligid. Mula sa kinatatayuan ni Ruan ay kitang-kita niya ang mga iba't-ibang halaman na umiilaw sa gabi. Dumako naman ang tingin niya sa malawak na ghost valley. Nababalutan ang buong paligid nito ng makapal na fog. Walang kahit na anong halamang umiilaw ang makikita sa buong paligid at tanging kadiliman lamang. Naririnig din niya ang mga nakakakilabot na tunog na nagmumula rito. It must be the ghost?
"Yohoo, Miss!" Nangunot ang noo ni Ruan. Hindi niya inaasahan ang pagpaparamdam ngayon ni Little bear.
"What? Nagparamdam kaba ulit para tulungan ako or magiging walang kwenta ka nalang habang buhay?"
"Grabe, you're harsh! Nangangamusta lang ehh." Natahimik itong bigla habang nakaharap ang kyut nitong pwet sa kaniya. It sounds crazy but her mind turns like a small dimension everytime he appears. Sarap kurutin!
BINABASA MO ANG
Marry The Second Male Lead
MaceraDESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company at entertainment company sa Pilipinas. Kahit pa malayo sa negosyo ng pamilya niya ang natayong kompa...