CHAPTER 3: His Fiancée

147 6 0
                                    


2:25 PM nang natapos ang klase sa Oculus University dahil sa kumalat na balita tungkol sa isang estudyante na pinatay umano sa loob ng janitor's room. Marami namang mga estudyante ang nagkukumpulan sa labas ng kwarto para makita ang bangkay at may mga estudyanteng pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari.

Nakatulala naman si Amanda Claire, 1st Muse. Hindi niya parin matanggap ang nangyari sa fiancée niya. Kay Allen, 3rd Escort.

"Grabe! Pati ba naman sa school?"

"Sino kaya ang gumawa nito?"

"Sh*t! Patay na si Allen!"

Kung titignan ang paligid... may mga umiiyak, may mga gustong makalagpas sa dilaw na harang para makita ang bangkay ni Allen, at may mga nag-uusap tungkol sa nangyari.

Nakatingin naman si Amanda Claire sa nilalabas na bakay ni Allen na may nakabalot na tela mula sa kwartong iyon. Nilabas niya ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang papalayong bangkay ni Allen. Napatulala na lang siya sa picture na kinuha niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kanina lang ay hinahanap niya si Allen. Hindi niya alam na bangkay na lang pala nito ang mahahanap niya.

Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya. Kung magagalit, maiinis, o malulungkot dahil sa nangyari sa kan'ya.

"Akala ko, nagbibiro ka lang." Bulong ni Amanda Claire sa sarili.

Naalala niya 'yung araw na sinabi sa kaniya ni Allen na papatayin niya si RSP.

2 years ago...

"You already caught her? Where?... Okay. I wan't RSP to be in my group... Kung nanlalaban s'ya, give her injuries... Just don't kill her! Pilitin n'yo s'ya! I wan't her to be mine alone!... Okay. I want to see her...I'll go."

Kasama niya si Allen habang pinapanuod nila si Mr. Christopher, tatay ni Amanda Claire, na pabalik-balik ang lakad habang may kausap sa cellphone. Ibinaba ng tatay niya ang tawag at umalis. Hindi man lang sila tinignan o nginitian nito. Sanay na sila sa kan'ya. Hindi kasi siya tanggap ng tatay niya dahil ayaw niyang maging parte sa mafia nito.

"Mukhang nahuli na nila si RSP." Sabi ni Allen. Hindi na siya kumibo dahil mukhang tama naman ang sinabi nito.

Nagulat na lang siya nang bigla siyang hilahin ni Allen papunta sa labas ng bahay. Sumakay sila sa kotse at palihim na sinundan si Mr. Christopher.

Nakarating sila sa isang bakanteng lote na napapaligiran ng mga puno. Hininto ni Allen ang kotse kung saan walang makakakita nito. Umakyat sila sa isa sa mga puno kung saan hindi sila makikita at kung saan matatanaw nila kung ano ang ginagawa ng tatay niya. Nakita nila na mukhang galit na galit si Mr. Christopher. Nagulat na lang sila nang barilin ng tatay niya yung dalawang inutusan n'ya para tugisin si RSP. Napatingin na lang si Amanda Claire kay Allen. Seryoso lang itong nakatingin sa tatay niya na papaalis na sa bakanteng lote.

"Mukhang nakatakas si RSP." Sabi ni Allen. Nakatingin lang si Amanda Claire sa kan'ya. "Magandang pagkakataon 'to 'di ba?" Sabi nito at tumingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Amanda Claire. Nalilito siya sa mga sinasabi nito.

"Dapat na nilang ihinto ang kahibangan nila."

"Kahibangan?"

"Sino ba ang kinahihibangan nila?"

Napaisip siya sa sinabi nito. "Si RSP?"

"Tama!" Masayang sabi ni Allen. Nakatingin lang si Amanda Claire sa kan'ya.

"Sa tingin mo, kapag ba nawala si RSP, titigil na sila sa kahibangan nila?" Tanong nito.

"Siguro." Napatingin siya kay Allen. "Hindi mo naman siguro iniisip na patayin si RSP."

"Actually, iniisip ko na... Ako na lang kaya ang pumatay sa kan'ya? Look. Nakatakas s'ya. Habang hindi pa s'ya nahuhuli ulit, mas maganda kung mawala na s'ya para walang makinabang sa kan'ya. 'Di ba maganda 'yon?" Nakatingin lang si Allen sa kaniya habang hinihintay ang kaniyang sagot. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Hindi ka naman siguro seryoso, 'di ba?" Tanong ni Amanda Claire. Natahimik si Allen sandali. Ngumiti ito sa kaniya at ginulo ang buhok niya sabay sabi ng...

"Syempre! Bakit ko naman gagawin 'yun. Ayaw kong mapahamak ka dahil sa'kin."

Napapikit na lang si Amanda Claire dahil sa naalala niya.

Umalis na siya roon at naglakad palayo. Naglalakad siya palabas ng building nang may napansin siya.

Sa gilid ng quadrangle, may malaking puno at sa gilid n'un, may taong nakatayo na naka all black. Tinitignan nito ang mga estudyanteng naglalakad. Lumapit si Amanda Claire ng kaunti para mas makita niya ito. Napatingin 'yung lalake sa kaniya at bigla na lang tumakbo palayo.

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon