CHAPTER 9: Lauren's Aunt

52 3 0
                                    


SATURDAY. AUGUST 22, 2015.

Lumipas ang 4 na araw...

Nag-aayos si Lauren Marie, 4th Muse, ng kaniyang sarili dahil pupunta sila sa burol ni Agate. Ililibing ito bandang 8:00 AM. Balak nila na sa cemetery na sila dumiretso.

Kinuha niya ang susuutin niyang kuwintas sa kaniyang jewelry box. Iyun ang kuwintas na kinuha niya mula sa isang estudyante 8 days ago (CHAPTER 2: The Crime).

"Yay! Beautiful!" Sabi niya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Lumabas na siya sa kaniyang kwarto at pumunta sa kwarto ni Reign.

Kumatok siya ng tatlong beses. "Come in!" Sigaw ni Reign mula sa loob. Pumasok na si Lauren sa kwarto ni Reign at nakita itong nag-aayos ng buhok.

Maximo adopted Reign 11 years ago. So it means, Reign is Lauren's father's adopted sister that's why, Reign is Lauren's Aunt.

"Let's go." Sabi ni Reign at umalis na sila papunta sa sementeryo.

Pinapanuod naman ni Lauren si Enzo. Umiiyak ito habang may hawak-hawak na puting rosas. Pinapanuod ni Enzo ang kabaong ni Agate habang unti-unti itong binababa.

"I feel sad for him." Bulong ni Lauren kay Reign. Hindi naman kumibo si Reign.

Isa-isa namang lumapit ang mga kamag-anak ni Agate sa libingan niya at isa-isa nilang hinulog ang mga rosas sa libingan niya. Ang huling lumapit doon ay si Enzo. Tinitignan siya ni Lauren habang hinuhulog niya 'yung rosas. Umiiyak lang si Enzo hanggang sa tabunan nila ng lupa ang libingan ni Agate.

"Mauuna na ako." Sabi ni Reign kay Lauren.  "Always turn your phone on."

Tumango lang si Lauren bilang sagot. "Tita Reign, what's your sasakyan pag-alis?" Tanong ni Lauren.

"My motorbike's here with Marco." Sagot ni Reign at tinuro ang lalaking nasa gilid ng puno.

"Okay. Be careful." Sabi ni Lauren.

"No. You're the one who must be careful." Sabi ni Reign at umalis na.

Tumingin si Lauren sa paligid. Hinahanap niya ang driver nila. Huminto naman ang mata niya kay Enzo na naglalakad palayo. Hindi na ito umiiyak ngunit walang bakas ng emosyon ang mukha nito.

Naglakad si Lauren palapit sa kaniya. "Enzo." Tawag niya kay Enzo. Lumingon ito sa kaniya. Walang emosyon.

"I'm sorry about what happened." Sabi ni Lauren. "I'm saying this as the granddaughter of the school's owner because I feel sorry about the securit--"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang niyakap ni Enzo. Umiyak ito habang nakayakap sa kaniya. Hindi inaasahan ni Lauren ang ginawa ni Enzo. Tinapik na lang niya ang balikat nito.

"Bakit si Agate pa?" Sabi ni Enzo sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. "Alam mo ba na ang dami pa naming mga pangarap na gustong gawin nang magkasama?" Nakikinig lang si Lauren sa mga sinasabi nito.

"Gusto namin na sabay kaming magtatapos ng pag-aaral. Sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin. Magkasama naming pupuntahan 'yung mga lugar na gusto naming puntahan. Tapos... Masaya kaming bubuo ng pamilya. Gusto nga n'ya, dalawang lalaki at isang babae 'yung anak namin eh." Humiwalay si Enzo sa pagkakayakap kay Lauren at sinabing, "Pero mukhang hindi na iyon matutupad."

Pinunasan niya ang kaniyang luha. "Pasensya na kung nagdrama pa ako sa'yo. Aalis na ako." Sabi ni Enzo at umalis na.

"Ma'am!" Napatingin naman si Lauren sa driver nila nang tawagin siya nito. "Hinahanap n'yo raw po ako."

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon