CHAPTER 11: Marco Tyler

49 2 0
                                    

Picture ni Marco Tyler. ⬆😍❤
***

Ang Oculus University ay may limang buildings. Bawat buliding ay may apat na palapag. Bawat palapag ay may sampong kwarto. Lahat ng building sa Oculus University ay flat roofed. At isa sa mga building doon ay may isang taong laging nakatambay sa rooftop.

His name is Marco Tyler, 23 years old. He is part of the secret group in Oculus University named "5 Guardians".

Abala siya sa paglilinis ng kaniyang medium machine gun. Napahinto siya sa ginagawa niya nang naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyun mula sa bulsa niya at binasa ang natanggap na mensahe.

Axcel Chris:
P're, kabit mo 'yung headset mo. Tatawagan kita.

Nilagay ni Marco ang wireless headset niya at sinagot ang tawag ni Axcel Chris.

"Problema mo?" May inis na tanong ni Marco.

"Tumawag si Reign. Nagpapasundo." Bigla naman siyang tumayo nang sinabi iyan ni Axcel Chris.

"Nasaan ba?" Tanong niya habang naglalakad papaalis.

"Sasabihin ko na lang sayo 'yung daan."

Nang nakarating si Marco sa parking lot, agad-agad niyang sinuot ang helmet at sinakyan ang motorbike. Pinaharurot niya ito.

"Kaliwa." Niliko naman niya ang manibela nang sabihin ni Axcel Chris ang direksyon. Sinunod lang niya ang sinabi nito hanggang sa makita niya ang gate ng isang sementeryo.

Tumingin si Marco sa paligid para hanapin si Reign.

"Ano bang mayroon sa sementeryo?" Tanong niya.

"Bangkay, p're."

"G*go!" Natawa naman si Axcel Chris dahil sa malutong na mura ni Marco.

Nakita naman niya si Reign na nakatayo sa isang puno. Kapansin-pansin ang namumugto nitong mata dahil sa pag-iyak. Agad-agad namang inabot ni Marco ang isa pang helmet nang makalapit siya sa kaniya. Kinuha ito ni Reign at isinuot. Umangkas na siya sa motorbike.

"Dalhin mo ako kay Sir Maximo." Sabi ni Reign. Sinunod naman ito ni Marco.

Nang makarating sila sa Oculus University, agad-agad na bumaba si Reign at naglakad paalis. Sinusundan lang ni Marco si Reign hanggang sa makapunta sila sa opisina ni Maximo ngunit wala ito roon. Lumapit si Reign sa kaliwang pader ng opisina, at tinulak iyon. Mapapansin namang lumubog ang malaking parte ng pader. Pinadalausdos ito ni Reign pakaliwa at bumukas iyon.

Napalingon naman sina Maximo at Jelly sa kanila nang makapasok sila. Nasa sulok naman si Axcel Chris na tahimik na nakatingin sa laptop niya.

"Sir Maximo." Sabi ni Reign. Nakatingin lang sa kaniya si Maximo. "Alam mo ba kung nasaan si Ate Mae Shin?"

Hindi sumagot si Maximo at iniwas ang tingin kay Reign.

"Haha! You know!" May inis na sabi nito. "Kailan pa?"

"5 years ago." Sagot ni Maximo.

"5 years ago and you didn't even tell me? F*ck!" Biglang lumabas si Reign nang sabihin niya iyan. Tinignan naman ni Maximo si Marco. Tila ba'y sinasabi ng mata nito na 'sundan mo siya'. Tumango lang siya at mabilis na naglakad para sundan si Reign. Nang makita niya ito, agad agad niya itong iniharap sa kaniya at niyakap.

"F*ck off, Marco! Bitawan mo ako!" Sabi ni Reign at nagpupumiglas para makawala sa yakap nito. Nang makawala siya, agad-agad na dumapo ang kamay nito sa pisngi ni Marco. Pinanuod na lang niya si Reign habang tumatakbo papalayo.

"Ouch, p're." Sabi ni Axcel Chris sa kabilang linya.

"Shut up, dude!" Inis na sinabi ni Marco at tinanggal ang headset.

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon