Mabagal na naglalakad sila PO1 Julius Garnet at PO1 Maia Topaz papunta sa parking lot ng Oculus University. Nakatulala lang si Maia at mukhang may iniisip. Iniisip niya kung tama ang hinala niya. Ang hinala niyang si Reign Shin Palacio ay si RSP."Hey! Are you okay?" Tanong ni Julius kay Maia. "Ayos lang ako." Sagot nito.
"Sige. Wait lang. Pupunta lang ako sa washroom." Pagpapaalam ni Julius. "Sige lang" tugon ni Maia at pumasok na sa kanilang sasakyan. Pagka-upo niya, naramdaman niyang may matalim na bagay na nakatutok sa batok niya. Alam niyang kutsilyo iyon.
Napangisi siya at sinabing, "RSP." Naramdaman niyang inalis nito ang kutsilyong nakatutok sa kanya. "Tsk".
Lumingon si Maia sa likuran niya at nakita niya si Reign na nakaupo at masama ang tingin sa kaniya. "Are you really a policewoman or that's just a costume?"
"I am a policewoman. Any problem?"
"Nothing." Sabi nito. "I didn't expect that a badass before, cathches some badass now."
Napangiti si Maia. "Is it wrong to leave my own mafia for a policeman?"
Napangisi si Reign. "For Julius Garnet?"
Napangiti na lang si Maia at hindi na kumibo.
"Anyway, you're now not part of your mafia so I'll spare your life." Sabi ni Reign. Bumaba siya sa sasakyan. "And anyway, I think, you must go to the swimming area. It's your job." Sabi pa niya at umalis na.
Noong una ay naguluhan si Maia sa sinabi ni Reign. Hanggang sa naintindihan na niya ang gusto nitong ipahiwatig. Bumaba siya sa sasakyan at umalis. Tinawagan niya si Julius. "Kailangan nating pumunta sa swimming area."
Sa isang banda naman...
"Reign! Bakit mo ginawa 'yun?! Bakit hindi na lang ikaw 'yung pumunta sa swimming area? Malapit na si Enzo d'un." Tanong ni Axcel Chris sa kabilang linya.
"Kung ako ang pumunta roon, malalaman nila na involved ako sa pagkamatay ni Allen." Sabi ni Reign habang naglalakad pabalik sa 5 Masquerade's room
Mabagal namang naglalakad papunta sa swimming area si Enzo, 2nd Escort. Ka-text niya si Agate.
ENZO:
Bakit mo ba kasi ako pinapapunta d'un?AGATE:
Basta!Ginulo niya ang kaniyang buhok. Nag-aalala siya. Kinakabahan din. Nag-away kasi sila ni Agate kahapon. Nawawalan na kasi si Enzo ng oras sa kaniya. Busy siya sa 5 Masquerades.
Pagkadating ni Enzo roon, walang tao. Wala si Agate.
"Nas'an na s'ya?" Tanong niya sa sarili niya.
Tumingin siya sa paligid. Nahagip ng mata niya ang bandang gitna ng pool at may nakita siyang lumulutang na bagay. Nilapitan niya iyon. At nagulat siya sa nakita niya.
Isang babae.
Tumalon siya sa pool para sagipin 'yung babae. Nagsimula na siyang kabahan. Nang maabot niya ito, agad-agad niya itong dinala sa gilid ng pool kahit na malamig at may kabigatan na ang katawan ng babae. tinignan niya ang mukha nito. Nagulat siya nang makita niya kung sino iyon.
Si Agate.
May sinturon ang leeg nito. Putlang-putla na rin ang kulay niya.
Naninikip na ang dibdib ni Enzo. Gusto niyang umiyak. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang pisngi ni Agate.
Nakita naman niya sa peripheral vision niya na may lalaking nakatayo sa gilid niya. Mga tatlong metro ang layo mula sa kaniya. Paglingon ni Enzo sa lalake, may baril na nakatutok sa kaniya. Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagtalon ni Enzo pabalik sa swimming pool. Lumangoy siya pailalim at nanatili doon kahit na may nararamdaman siyang kirot sa kaliwang balikat niya. Nahihirapan na rin siyang pigilin ang paghinga niya. Nakakainom na rin siya ng tubig mula pool. Bago siya mawalan ng malay ay may narinig siyang dalawang putok ng baril.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
ActionIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...