Picture ni Darren. ⬆😍
***
SATURDAY. AUGUST 29, 2015.
9:30 AM nang nagising si Lauren. Humihikab siya habang bumababa sa kanilang magarang hagdan na ang bawat baitang ay nababalutan ng ceramic. Papunta siya sa kanilang kusina para kumain ng agahan.
Nang makapunta siya sa kanilang kusina, agad siyang umupo sa harap ng kanilang dining table na kasiya ang doseng katao.
"Ma'am Lauren. Ano po ang gusto ninyo?" Tanong ng isang yaya nila nang makalapit ito sa kaniya.
"I want bacon and ham sandwich." Sabi ni Lauren habang nakapahinga ang ulo sa kanilang dining table. "And also, give me some hot chocolate."
Tumango naman ang kaniyang yaya at umalis. Lumipas ang tatlong minuto, dumating ang yaya nila na dala ang pagkain niya. Inangat niya ang tingin sa kanilang yaya nang ilapag nito ang pagkain niya. "Where's Tita Reign?" Tanong niya.
"Umalis na po. Bibisitahin raw po niya 'yung factory nila." Tumango na lang siya sa sinabi ng yaya nila at pinahinga ulit ang ulo sa lamesa. Bigla niya ulit inangat ang ulo niya at tumingin sa yaya niya. "So you mean, wala si Tita Reign?"
"Ah... Opo."
"What time s'ya uuwi?"
"Baka mamayang gabi pa po."
Ngumiti nang malapad si Lauren. May na-iisip itong gagawin niya. "You can go now." Nakangiting sabi niya at ininom ang hot chocolate. Tumango naman ang yaya niya at umalis na.
Lumabas si Lauren sa kaniyang kwarto. May dala siyang black leather sling bag. Nakakulot ang mahaba at brown nitong buhok. Naglagay rin siya ng face powder at manipis na pink lipstick. Nakasuot siya ng denim long-sleeved shirt at white skinny jeans. Nakasuot rin siya ng black sandals. Handang-handa siya para sa pupuntahan niya.
Naglakad siya pababa ng hagdan. Sinalubong naman siya ng dalawa niyang bodyguards. "Saan po tayo pupunta, Ma'am?" Tanong nung isang bodyguard.
Nilabas ni Lauren ang cellphone niya mula sa sling bag niya at pinakita sa mga bodyguards ang address na kinuhanan niya ng litrato mula sa mga impormasyong nakita niya sa brown envelope ni Reign. "Let's go to this address."
Huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang bahay na bato. Simple lang ang bahay na iyon. Walang pintura ang bahay at katamtaman ang laki.
"Nandirito na po tayo, Ma'am." Sabi ng bodyguard niya na nasa driver's seat. Tumango lang si Lauren habang nakatingin sa labas. Tinitignan niya 'yung bahay. Nilibot niya ang tingin niya. Mapapansing may kalayuan ang pagitan ng mga bahay sa lugar na iyon. Hindi rin simentado ang daan at medyo mapuno ang paligid.
Tinignan niya ang mga bodyguards niya bago nagsalita. "Bababa na ako. Fetch me up later."
"Ma'am, sasamahan na po namin kayo." Sabi naman nung isang bodyguard na nasa bucket seat.
"No. Sunduin n'yo na lang ako mamaya. Tell them that I'm at my classmate's house. Okay?"
"Ma'am Lauren. Mahigpit na bilin po sa amin ni Sir na 'wag ka naming iiwan."
"Nah. Diyan lang naman ako eh. I'm not going somewhere."
Nagkatinginan naman 'yung dalawang bodyguards. "Ano po bang pangalan ng kaklase n'yo?" Tanong nung isa.
"Raymart. Classmate ko sa Calculus 101." Sagot niya at ngumiti para hindi mahalatang nag-iimbento lang siya. "Fetch me up na lang later ah." Sabi ni Lauren at bumaba sa sasakyan. Naglakad siya papunta doon sa bahay at huminto sa pintuan.
BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
ActionIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...