CHAPTER 8: Remembered

45 3 0
                                    


TUESDAY. AUGUST 18, 2015.

9:35 AM nang makadating si PO1 Maia Topaz sa Oculus University. Mag-isa siyang naglalakad papunta sa 5 Masquerades' room. Nasa tapat na siya ng pintuan at kumatok.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya si Lauren Marie, 4th Muse. "Good Morning, Ms. Topaz. Come in."

"Good morning. Hindi na ako papasok. Gusto ko lang makausap si RS-- Reign."

"Sorry but wala rito si Tita Reign eh. She's in her accounting class sa Room 203." Napatango na lang si Maia sa sinabi ni Lauren Marie. Umalis na siya para puntahan si Reign.

Pagkarating niya roon, nakita niyang nagkaklase pa sila kaya hinintay na lang niya si Reign sa labas. Nang natapos na ang klase, nakita ni Maia si Reign na papalabas ng room nila. Nilapitan niya ito. "RSP." Tumingin sa kaniya si Reign nang sabihin niya iyon. "May klase ka pa ba?"

"Meron mamayang 11:00 AM. Why?"

"Let's talk." Tumango naman si Reign at pumunta sila sa parking lot.

"Bakit ikaw lang? Where's Julius?" Tanong ni Reign. Nasa loob sila ng kotse ni Maia. "Nasa police station siya. Tumakas lang ako."

Saglit na natahimik ang paligid.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Reign. Pagkasabi niya n'un, inabot ni Maia sa kaniya ang isang papel na itim na may nakasulat na...

'We already know you, RSP.  -Green'

Ang bawat letra nito ay nakaimprenta sa kulay na puti kaya mababasa mo iyon.

"Nakuha ko 'yan sa bulsa ni Agate. Naka plastic sealed 'yan kaya hindi nabasa." Sabi ni Maia.

One day ago...

"Anyway, you're now not part of your mafia so I'll spare your life." Sabi ni Reign. Bumaba siya sa sasakyan. "And anyway, I think, you must go to the swimming area. It's your job." Sabi pa niya at umalis na.

Noong una ay naguluhan si Maia sa sinabi ni Reign. Hanggang sa naintindihan na niya ang gusto nitong ipahiwatig. Bumaba siya sa sasakyan at umalis. Tinawagan niya si Julius. "Kailangan nating pumunta sa swimming area."

Nang malapit na siya sa swimming area ay may narinig siyang dalawang putok ng baril. Pagkadating niya roon, napasin niya ang isang babae at lalaki na nakabulakta sa sahig. May tama ng baril sa dibdib yung lalaki at may nakapulupot na sinturon sa leeg 'yung babae. Nakita niya si Julius. Dala-dala nito si Enzo papunta sa gilid ng swimming pool. Agad-agad niya itong nilapitan at tinulungan si Julius na iangat si Enzo para maihiga ito. Ni-CPR ni Maia si Enzo. Umubo si Enzo na may kasamang tubig. Palatandaan na may malay na ito.

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon