MONDAY. AUGUST 31, 2015.
7:01 PM. Pinarada ni Reign ang kaniyang motorbike sa gilid ng gate ng isang magarang bahay. Naglakad siya malapit sa doorbell at pinindot iyon. Ilang sandali lang ay lumabas ang isang katulong.
"Ano po'ng kailangan n'yo?" Tanong nito nang makalapit sa kaniya.
"Is Mr. Bernardo there?"
"Ano po ba'ng pangalan n'yo?"
"Reign." Matipid na sagot niya.
"Sandali lang po." Sabi ng katulong. Tumango lang si Reign at pinanuod ang katulong na bumalik sa loob. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas 'yung katulong. "Pasok po kayo." Sabi nito at binuksan ang gate. Sinundan niya 'yung katulong hanggang sa makapunta sila sa isang malawak na living room. Nakita niya si Mr. Bernardo na naka-upo sa sofa at umiinom ng kape. Lumingon ito sa kaniya.
"Reign!" Nakangiting bati nito at tumayo para salubungin siya. Ngumiti lang si Reign at nagmano.
"Napadalaw ka." Sabi nito at tinuro ang sofa. Umupo naman si Reign. "I came here to invite you, Tito Jo." Sabi niya.
"Dapat nag-text ka na lang, Reign." Pabirong sabi ni Mr. Bernardo. Napahagikgik na lang siya at kinuha ang dalawang maliit na pale pink envelopes sa shoulder bag niya at inabot kay Mr. Bernardo. "Hindi na po ako magtatagal, Tito. May gagawin pa po kasi ako." Sabi pa niya.
Tumango naman si Mr. Bernardo. "Okay. Ihahatid na kita sa labas." Tumango lang si Reign bilang tugon.
Nang nasa harap na sila ng pintuan, saktong bumukas ang pinto at pumasok si Carl na may hawak na isang bote ng beer. Huminto ito nang makita si Reign.
"Where did you go, Carl?" Tanong ni Mr. Bernardo sa anak. Umiwas ng tingin si Carl. "Sa mga kaibigan ko." Sagot nito at nilagpasan sila.
"Reign." Sabi ni Mr. Bernardo habang nakatingin sa kaniya. Bakas ang pangamba sa mukha nito.
Tumango lang si Reign. "Mauuna na po ako." Sabi niya. Tumango si Mr. Bernardo bilang tugon kaya naglakad na siya paalis.
Nakadapa naman si Amanda Claire sa kaniyang kama habang nakaharap sa kaniyang laptop. Ini-stalk niya ang social media accounts ni Niccolo.
"Niccolo John. Katunog ng Nickelodeon." Natatawang sabi niya. Habang tinitignan ang profile nito.
"Ma'am Acy." Tawag sa kaniya ng kanilang katulong habang kumakatok sa kaniyang kwarto. Napalingon naman siya sa pintuan. Tumayo siya at lumapit doon.
"Ano po 'yon?" Tanong niya nang mabuksan ang pinto.
"May nagpapabigay po." Sabi ng katulong at iniabot kay Amanda Claire ang isang maliit na pale pink envelope. Kinuha iyon ni Amanda. "Thanks." Sabi niya at sinara na ang pinto. Tinignan niya ang likod ng envelope. May nakasulat doong...
'To: Amanda Claire Hernandez'
Binuksan niya ang envelope. Naglalaman iyon ng isang pale pink card. Ang mga letrang nakasulat at designs doon ay kulay black.
'Lauren Marie Lisbo
Will celebrate her 20th birthday.
Formal birthday party
September 02
7:00 PM
at
Lisbo's Residence'"Malapit na pala ang birthday ni Lauren." Sabi niya sa isip niya. Napalingon naman ulit siya sa pintuan nang may kumatok doon.
"Ma'am Acy! Umuwi na po ang kuya mo!" Sigaw ng isa nilang katulong na nasa labas ng kaniyang kwarto.
Sumigaw siya pabalik. "Hayaan n'yo lang po siya!"
Nag-uurong naman ng pinagkainan si Miley habang nagha-hum. Wala silang katulong. Hindi sila mayaman, may kaya lang. Ang kaniyang nanay naman ay mag-isang nagtatrabaho. At ang kaniyang tatay? Hindi niya alam kung nasaan.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
AksiIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...