Picture ni Nathan. ⬆😍
***
TUESDAY. AUGUST 25, 2015.Kakatapos lang ni Jenifer sa pagkain ng kaniyang tanghalian. Naglalakad siya ngayon papunta sa 5 Masquerades' Room. Nang makarating siya roon, nakita niya sina Lauren at Cedric na parehong nakapako ang mga mata sa kanilang mga libro.
Nakatayo lang siya sa pintuan at nakataas ang isang kilay habang pinapanuod sila. "Baka tumalino kayo n'yan. Ah."
Sabay naman na nag-angat ng tingin 'yung dalawa sa kaniya. "We study hard kasi. Not like you." Mataray na sabi ni Lauren at inirapan siya. Inirapan niya rin ito pabalik. Mainit talaga ang dugo nila sa isa't isa.
"Jen." Napatingin naman siya nang tawagin siya ni Cedric, 5th Escort. "Pwede mo bang tignan 'yung isang estudyante sa detention room?"
"Bakit ako? Diba si Miles ang nakatalaga roon?"
"Absent si Miles." Sabat ni Lauren.
"Hindi kita kinakausap." Sabi ni Jenifer at umirap. Umirap din si Lauren. Napabuntong-hininga naman si Cedric bago magsalita. "Please, Jen. Wala ka namang ginagawa eh. Titignan mo lang naman kung nanduduon pa 'yun. Baka kasi tumakas na 'yun sa detention room."
Inirapan muna niya si Cedric bago pumayag. "Fine! Ano ba'ng pangalan?"
"Nathan?" Hindi siguradong sagot ni Cedric. "Nathan kasi ang tawag nila sa kaniya."
"Tsk! Titignan ko na nga lang d'un." Sabi ni Jenifer. Tumalikod na siya at umalis.
Nasa harap na siya ng detention room. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, tumambad sa kaniya ang maraming estudyanteng lalake. Napalingon ang mga ito nang nabuksan niya ang pinto. Napataas siya ng kilay at tinignan sila isa-isa. Narinig naman niya ang sunod-sunod na bulong ng mga iyon.
"Nasaan si Miles?"
"Oo nga, bakit nandito si Jen?"
"Wala ba si Miles?"
"Si Miles ang kailangan ko."
Pumikit naman si Jenifer at nagbuntong-hininga. Pagkatapos ay dumilat siya at tinignan sila nang masama bago sumigaw. "WALA SI MILES! KAYA KUNG PWEDE LANG, LUMABAS NA 'YUNG HINDI DAPAT NANDITO!" Mabilis naman na nag-unahan ang mga iyon sa paglabas.
"Ano ba ang ginagawa ni Miles dito sa detention room at mukhang mas gusto pa ng mga kalalakihan dito kesa sa class room?" Tanong ni Jenifer sa isip niya. Napatingin naman siya sa isang lalake na nakaupo mag-isa. May binabasa iyong libro habang may suot na headphones. Nilapitan niya iyon at nakitang mabuti ang mukha nito.
Maputi ang kulay ng balat. May kakapalan ang kilay at singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at mapula ang labi.
Biglang tinanggal ni Jenifer ang headphones nito kaya tinignan siya ng masama nung lalake. "Hoy! Hindi mo ba alam na bawal gumamit ng gadget sa kwartong ito?" Sabi niya. "Akin na 'yang headphones at cellphone mo." Sabi niya habang nakalahad ang kamay.
Ibinigay naman sa kaniya nung lalake ang mga iyon. Pagkaabot sa kaniya ng cellphone, nag-vibrate iyon at nakita niya sa screen na may tumatawag.
"Niccolo?" Tanong ni Jenifer habang nakatingin sa screen. Biglang inagaw ng lalake ang cellphone at kinansela ang tawag. Binigay niya iyon pabalik kay Jenifer.
"Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ni Jenifer. "Malay mo, emergency."
"Wala ka na r'un." Sabi nung lalake. Nagtaas ng isang kilay si Jenifer bago magsalita. "Diba ikaw si Nathan?"
Hindi sumagot 'yung lalake at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng kaniyang libro. Nainis si Jenifer kaya inagaw niya ang binabasa nito.
"Ano ba?!" Galit na sabi nung lalake. Lumayo si Jenifer at binasa 'yung title ng libro. "Algorithm?"
Bigla namang may humablot ng libro mula sa likod. Hinarap iyon ni Jenifer at nakita ang galit na mukha nung lalake. Bumaba naman ang tingin niya sa soot nitong ID at binasa ang nakalagay roon. "Jonathan S. Dominguez, BSIT."
"Tsk!" binaligtad nito ang ID niya at umupo ulit sa silya.
"Computer geek." Bulong ni Jenifer habang tinitignan itong magbasa ng libro. Hindi na nakasuot ang headphones nito. "So, bakit ka napunta rito?" Tanong niya.
"Nahuli ako ng professor namin na naglalagay ng virus sa computer." Sagot nito nang hindi nakatingin sa kaniya. Natawa naman si Jenifer. "G*go ka pala eh. Dapat i-kick out ka na."
Tinignan naman siya ni Nathan ng masama. Inirapan naman siya ni Jenifer. Ibinalik naman ni Nathan ang tingin sa kaniyang libro at hindi na pinansin si Jenifer.
"Ano ba ang meron ngayong araw at panay pagbabasa ng libro ang ginagawa ng mga tao ngayon?" Inis na sabi ni Jenifer. "Makaalis na nga! Wala akong mapapala rito. Ibabalik ko na lang 'yung cellphone mo mamaya." Sabi pa niya at iniwan na si Nathan sa detention room. Pagkalabas niya roon, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone ni Nathan. Kinuha niya iyon at nakitang tumatawag si Niccolo. Sinagot niya 'yung tawag at tinapat sa kaniyang tainga.
"Hoy, Nathan! Buti naman at sinagot mo na 'yung tawag ko! Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa amin!" Sigaw ni Niccolo sa kabilang linya.
"Hindi si Nathan 'to! Nasa detention room siya kaya 'wag ka nang tumawag." Mataray na sabi ni Jenifer at binaba ang tawag. Pinatay niya ang cellphone at naglakad na paalis.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
ActionIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...