Picture ni Carl. ⬆😍
***
Magkasama namang kumakain ng tanghalian sina Reign at Lauren sa 5 Masquerades' Room. Silang dalawa lang ang nandoroon. Nakasanayan na nilang dalawa na kumain doon dahil masyado nang marami ang kumakain sa cafeteria at ayaw ni Reign sa maraming tao pero takot siyang maiwang mag-isa kaya kadalasan ay may kasama siya. Kung hindi si Lauren, maaaring isa sa 5 Guardians ang kasama niya.
Hindi naman siya makakain ng maayos dahil napansin niyang kanina pa patingin-tingin sa kaniya si Lauren. Hindi mo malaman kung kinakabahan ba ito o ano dahil hindi ito mapakali. Nang muling tumama ang tingin ni Lauren sa kaniya ay kaagad niya itong tinanong. "Problem?"
Ibinaba muna ni Lauren ang hawak niyang kobyertos bago magsalita. "Nothing, Tita Reign." Sabi nito. "I'm just full kaya wala akong ganang kumain." Napatango na lang si Reign sa sagot nito.
"Tita Reign, sasabay ka ba sa'kin later? When I go home?" Tanong ni Lauren.
"Maybe." Sagot ni Reign. "Why?"
"Nothing. Gusto ko lang malaman." Sagot ni Lauren. Napatango na lang si Reign. Kinuha naman niya ang phone niya nang maramdaman niya iyong mag-vibrate. Nakita niya ang pangalan ni Mr. Jori Bernardo, kaibigan ng kaniyang yumaong tatay, na tumatawag. Sinagot niya ang tawag at itinapat niya ang cellphone sa kaniyang tainga.
"Hello, Reign!" Masayang bati ni Mr. Bernardo sa kaniya.
"Tito Jo? Bakit po kayo napatawag?" Tanong niya habang nakatingin kay Lauren na pinapanuod siya.
"I just want to ask you something. Naabala ba kita?"
"No, Tito Jo."
"Pwede ka ba mamaya? Dinnertime?" Tanong nito sa kaniya. "I just want to see you. It's been many years since the last time I saw you. Walong taon ka pa lang yata noong huli kitang nakita."
"Itatanong ko po muna sa secretary ko kung empty po ang schedule ko mamaya."
"Don't worry. I already asked your secretary if your available later and yes, your available."
Napangiti naman si Reign. "Okay, Tito Jo. What time po?"
"7:00 PM. I'll message you the name of the restaurant when I find one."
"Okay po."
"So, see you later." Sabi ni Mr. Bernardo. "Bye."
"Okay, Tito Jo. Bye." Sabi ni Reign. Ibinaba na niya ang cellphone niya nang ibaba ni Mr. Bernardo ang tawag.
"Are you meeting someone?" Tanong sa kaniya ni Lauren. Tinignan naman niya ito bago magsalita. "Yeah."
"So hindi ka na sasabay sa akin umuwi?"
"Sasabay pa rin. I'll change my clothes." Sabi ni Reign. "Why do you keep on asking kung sasabay ako sayo?" Tanong ni Reign habang nakatingin sa mga mata ni Lauren.
Ngumuso naman ito at umiwas ng tingin. "I'm just worried about you, Tita Reign."
"Don't worry about me. Worry about yourself." Sabi ni Reign at kinain na ang kaniyang tanghalian.
Tinitignan ni Reign ang repleksyon niya sa salamin. Nakaayos na siya para sa pagkikita nila ni Mr. Bernardo. Naglagay lang siya ng powder sa kaniyang mukha at eyeliner at pulang lipstick. Naka fitted black dress siya at nakakulot din ang kaniyang mahaba at itim na buhok. Naglakad na siya papunta sa pintuan ng kaniyang kwarto para umalis.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
AcciónIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...