MONDAY. AUGUST 17, 2015.
Lumipas na ang tatlong araw mula nang mapatay si Allen Green.
Marami na ring mga estudyante ang nakalimot na sa pangyayari ngunit mas marami pa ring estudyante ang hindi nakakalimot sa pagkawala ng 3rd Escort ng paaralan. Natapos na ang pagsisiyasat sa crime scene. Sinabi na ng mga eksperto na "suicide" ang nangyari dahil walang ibang ebidensya na nagpapatunay na may pumatay kay Allen at ang tanging finger prints na nakita nila sa kutsilyo ay ang finger prints nito. Burado rin ang mga recorded files mula sa CCTV cameras.
Ngunit may dalawang pulis ang hindi naniniwala sa mga eksperto. Alam nilang hindi suicide ang nangyari kaya hanggang ngayon ay Ipinagpapatuloy pa rin nila ang pag-iimbestiga.
7:54 AM, sa 5 Masquerades' Room, busy ang 5 Masquerades sa pag-aasikaso ng sari-sarili nilang trabaho.
Si Miley, 2nd Muse, ay tinitignan ang mga papel na naglalaman ng mga pangalan ng taong nadadala sa detention room at tinitignan ang profile nila para malaman kung sinu-sino ba ang mga hahanapin niya mamaya para bigyan ng warning.
Napahikab siya dahil sa antok. Hindi siya masyadong nakatulog kagabi dahil pumunta siya sa isang bar para maghanap ng kasiyahan.
Tumingin siya sa paligid. Nakita niya si Amanda Claire, 1st Muse, na nakatulala lang at mukhang may iniisip. Si Jenifer, 3rd Muse, ay ginugulo si Lauren, 4th Muse, at si Reign, 5th Muse, na parehas abala sa pagbabasa ng mga plano para sa mga activities ng school.
Si Dwayne, 1st Escort, at si Cedric, 5th Escort, ay parehas ding may binabasa.
Ang katabi naman ni Miley na si Bowen, 4th Escort, ay natutulog. Kagaya ni Miley, pumunta rin si Bowen sa bar para magsaya.
Si Enzo, 2nd Escort, may ka-text at mukhang bad trip dahil nagkagalit sila ng girlfriend n'yang si Agate.
"So ano na 'yung plano?" Tanong ni Miley sa kanila.
"Here." Sabi ni Reign sabay abot sa kaniya ng mga papel. Nakalagay doon ang schedule ng mga activities.
Lahat sila ay napahinto sa kanilang mga ginagawa nang may narinig silang kumakatok. Napatingin sila sa pintuan. May kumatok ulit. Nagkatinginan naman silang lahat. Si Bowen na natutulog kanina lang ay nagising na.
Tumayo si Dwayne at pumunta sa pintuan. Binuksan n'ya 'yun at nagulat sila sa mga dumating. May dalawang police officers. "Good Morning."
"Good Morning." Bati nila pabalik.
"Anong kailangan nila sa'tin? Sa pagkakaalam ko, tapos na ang kaso ni Allen." Bulong ni Bowen kay Miley. Hindi na lang siya kumibo.
"I'm PO1 Maia Topaz and he's PO1 Julius Garnet." Pagpapakilala ng babaeng pulis na si Maia at pinakita sa kanila ang badge niya. Gan'un din ang ginawa ng kasama n'yang gwapo at matangkad na pulis. Napakagat labi naman si Miley habang bumababa ang tingin niya kay Julius mula ulo hanggang paa.
"We're here to investigate about the death of Mr. Allen Green. We just like to ask you some question."Nagkatinginan silang lahat. "Okay." Sagot ni Cedric, 5th Escort.
"Nalaman naming kasama si Mr. Allen Green sa grupo n'yo. 5 Masquerades, right?" Pagsisiyasat ni Maia sa kanila. Tumango sila bilang sagot.
Nakatayo si Maia at si Julius naman ay nakaupo sa upuan na nasa gilid ni Maia. May hawak itong maliit na notebook at pen para mag takedown ng notes. .
BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
ActionIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...