Picture ni BJ. ⬆😍
***
Nakakabinging tugtugan at mga nagsasayawang tao naman ang nakapaligid kay Miley. Nagsasaya ang mga taong nasa paligid niya habang siya ay nag-iisang umiinom sa counter. Pinapanuod niya si Bowen na nakikipagsayawan sa isang babae. Kanina lang ay kasama niya iyon.
"Isa pa ngang margarita." Utos ni Miley sa bartender habang nakatingin pa rin kay Bowen. Nakita niya iyon na nagpaalam sa kasayaw niya at tumingin kay Miley. Lumapit ito sa kaniya. "Miles, 8:30 PM na. Hindi ka pa uuwi?"
"Hindi pa. Ikaw ba?"
"Uuwi na ako."
"Maaga pa ah. Wala ka yatang iuuwing babae ngayon?" Pabirong tanong ni Miley.
"Nasa bahay ngayon 'yung parents ko eh." Sabi ni Bowen. "Hindi ka ba sasabay? Ihahatid na kita sa inyo."
"Hindi na. Magta-taxi na lang ako."
"Sige. Mag-ingat ka na lang pag-uwi. Mauuna na ako"
"Sige lang." Sabi ni Miley. Sinundan lang niya ng tingin si Bowen hanggang sa makalabas ng bar. Ipinako niya ang atensyon niya sa margaritang nasa harapan niya at ininom iyon.
Nawala ang atensyon niya roon nang naramdaman niyang may umupo sa gilid niya.
"One shandy." Sabi nung tumabi sa kaniya. Napatingin siya d'un sa lalake at namukhaan iyon.
"Miguel?" Tawag niya sa lalake. Lumingon naman iyon at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Siya 'yung ex-boyfriend ni Miley, 10 days ago, na pagkatapos niyang halikan sa gymnasium ay agad siyang nakipag-break. (Chapter 2: The Crime.)
"Miles?" Hindi makapaniwalang sabi ni Miguel. "Kamusta ka na?"
"Ayos lang. Ikaw ba?"
"Ayos lang din." Sagot ni Miguel at ngumiti. Nang ibinigay ng bartender ang shandy niya, tumungga agad siya ng marami at mabilis iyong naubos. "Isa pa." Utos niya. Nang bigyan ulit siya ng bartender, agad-agad niya iyong inubos.
"May problema ka ba?" Tanong ni Miley habang pinapanuod si Miguel na humingi ulit ng isa pang shandy.
"Oo." Sagot nito at inubos agad ang bagong bigay na inumin ng bartender. Padabog nitong ibinaba ang baso at sinabing, "bakit ba kasi madali lang sayong tapusin ang relasyon natin? Isang linggo palang tayo."
"Sa lahat ng naging ex-boyfriend ko, ikaw lang ang ganyan ang reaksyon. Alam mo namang hindi ako seryoso pero niligawan mo pa rin ako."
"Eh kaya nga kita niligawan kasi seryoso ako sayo!"
Hindi nakakibo si Miley sa sinabi ni Miguel. Nakatingin lang sila sa mata ng isa't isa. Iniwas ni Miley ang tingin niya at kinuha ang bag niya at kumuha ng pera para bayaran ang ininom niya. Pagkatapos ay agad-agad na siyang umalis doon. Nang makalabas siya, may humawak sa kaniyang braso at hinila siya palayo. Nang harapin niya ito, nakita niya ang galit na mukha ni Miguel. Itinulak siya nito sa pader at hinalikan. Nagpumiglas si Miley. Mahigpit na hinawakan ni Miguel ang mga braso niya at bumaba ang mga halik nito sa leeg.
"Ano ba?! Bitawan mo ako! Miguel!" Sabi ni Miley habang nagpupumiglas. "Bitawan mo ako! Ano ba?! Nasasaktan na ako!" Naluluha niyang sabi.
Nagulat naman si Miley nang biglang may nanghatak kay Miguel at sinuntok ito. Natumba siya ngunit tumayo rin agad at sinuntok 'yung lalake sa mukha. Sinuntok din nito pabalik si Miguel kaya napaurong ito.
"Huminto na kayo! Ano ba?!" Kinakabahang sigaw ni Miley. Hindi niya maawat 'yung dalawa dahil baka masuntok siya. Nakita naman niyang hinawakan nung lalaki si Miguel sa kuwelyo at tinuhuran ito sa tiyan. Napahiga naman si Miguel dahil sa sakit.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
ActionIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...