CHAPTER 21: The Preparation

35 1 0
                                    


WEDNESDAY. SEPTEMBER 02, 2015.

5:30 AM. Nakasakay si Jelly sa kaniyang black motorbike. Naka all black siya mula ulo hanggang paa. Blazer, t-shirt, skinny jeans, at rubber shoes. All black. Naka-ponytail din ang buhok niya.

Papunta siya sa bahay ng kaniyang boss. Sa Lisbo's Residence.

Malayo pa lang ay natanaw na niya ang malaking bahay nito. Mas maganda kung tatawagin itong "mansion". Huminto siya nang nasa tapat na siya ng napakalaking gate nito. May dalawang gatekeepers na nakatayo sa gilid nito. Lumapit ang isa sa kaniya. Ngumiti si Jelly at pinakita ang exclusive 5 Guardians necklace niya.

May gold pendant iyon na hugis bilog na may pakpak at sa loob ng bilog ay may revolver.

Tumango naman ang gatekeeper at sumenyas sa kasama niya para buksan ang gate. Nang mabuksan ang gate, pinaandar ni Jelly ang motorbike niya papunta sa loob.

Puro magagandang bulaklak at mga palm trees ang nadadaanan niya papunta sa parking lot ng mansion. Nang makapunta na siya roon, limang magagarang mga kotse at apat na black motorbike ang nakita niya. Pinarada niya ang kaniyang motorbike, kahilera ng apat na motorbikes na nandudoon. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa loob ng mansion.

Pagkapasok niya, nakita niya agad ang magarang hagdan ng mansion. Nakuha rin ng magarang chandelier na nasa kisame ang kaniyang atensyon. Ang mga katulong naman ay abala sa paglilinis ng bahay. 'Yung isa ay pinapalitan ang mga bulaklak sa plorera at 'yung iba ay pinapalitan ang mga kurtina sa bintana.

"Good morning!" Masayang bati ni Jelly sa isang katulong na nasa gilid niya. Ngumiti iyon pabalik. "Nasa kusina po sila." Sabi nito.

Tumango si Jelly. "Salamat." Sabi niya at naglakad papunta sa kusina. Nang makapunta siya roon, naabutan niya ang mga iyon na kumakain.

Tumayo naman si Axcel Chris nang makita siya. "Jelly Maylabs!" Masayang bati nito sa kaniya.

"Tigilan mo ako, Axcel!" Natatawang sabi ni Jelly at umupo sa tabi ni Reign. Tahimik lang iyon na kumakain. Nasa harapan ni Jelly si Axcel Chris na katabi si Marco. Nasa harapan naman ni Marco ay si Reign na katabi si Jelly. Si Mr. Maximo naman ay walang katapat.

Ipinako naman ni Jelly ang atensyon sa pinggan na nasa harap niya. Nagulat siya nang biglang nilagyan ni Axcel Chris ng fried rice iyon. "Jelly Maylabs. Kumain ka nang marami ah." Sabi nito. Tinignan naman niya iyon nang masama. Napailing naman si Reign habang pinapanuod silang dalawa.

Napatingin naman si Axcel Chris kay Reign. "Ikaw naman, Reign Maylabs. Kumain ka rin nang marami." Sabi niya at nilagyan ng bacon ang pinggan nito. Tinignan naman siya ni Reign nang masama.

"Hehe." Ang tanging nasabi ni Axcel Chris. Napalingon naman siya sa katabi niyang si Marco. Masama rin ang tingin nito sa kaniya. Inakbayan niya ito. "Bebe Marco, 'wag ka nang magselos." Sabi pa niya.

"Gross, p're!" Nandidiring sabi ni Marco at inalis ang pagkakaakbay sa kaniya ni Axcel Chris. Natawa na lang sila sa naging reaksyon nito. Napangiti naman si Marco nang makita si Reign na mahinang tumatawa.

"ACY!" Masayang bati ni Miley kay Amanda Claire nang makapasok ito sa 5 Masquerades Room.

"Ingay." Inis na sabi ni Jenifer. Napatingin naman sa kaniya si Miley. Halos lahat sila ay nandodoon maliban kay Reign at Lauren.

Hindi na sumabat si Miley at tumabi na kay Amanda Claire. "Ano'ng isusuot mo sa party mamaya?" Tanong niya. "Pink or black?"

"Pink na long back." Sagot ni Amanda Claire. "Sayo ba?"

"Black sa'kin. Ankle length." Sagot ni Miley. Lumingon naman siya kay Jenifer. "Jen! Pupunta ka?"

"Siguro." Matipid na sagot nito. Lumingon naman si Miley sa mga lalakeng nanduduon. "Pupunta ba kayo?" Tanong niya sa kanila.

"Oo naman. Sigurado akong may mga seksing babae roon." Nakangising sabi ni Bowen.

"L*bog!" Natatawang sabi ni Miley.

"Mana sa'yo." Natatawa ring sabi ni Bowen.

"Hindi kami maka-relate, guys." Sabi ni Cedric. "Mabait kasi kami ni Dwayne." Sabi pa nito at natawa silang dalawa ni Dwayne.

"Guys, mabait din ako." Natatawang sabi ni Enzo.

"Sige na. Kayo na ang mabait." Sabi ni Miley. Natawa na lang sila.

"Yes! Ayos na!" Masayang sabi ni Axcel Chris nang natapos niyang i-set up ang dagdag na dalawang computer monitors. Nagdagdag pa kasi sila ng mga CCTV cameras sa parking lot, swimming area, at sa paligid ng Lisbo's Residence para masiguradong walang magbabalak na sirain ang party. Nasa loob sila ngayon ng control room sa bahay ni Mr. Maximo. Nakatingin lang naman sa kaniya sina Jelly, Reign at Marco na nasa likuran niya habang siya ay naka-upo at kaharap ang mga monitors.

"Guardians." Tawag ni Mr. Maximo sa kanila. May kasama itong tatlong katulong na may hawak na mga damit. Humarap naman sila Jelly sa kaniya. Pati si Axcel Chris ay tumayo at humarap din kay Mr. Maximo.

"Wear these." Sabi nito at binigyan sila Jelly, Axcel Chris, at Marco ng tig-isang black suit, isang pares ng black leather shoes at white full face mask.

"Para saan 'to?" Tanong ni Axcel Chris. Patungkol sa maskara.

"Para hindi kayo makilala." Sagot ni Mr. Maximo.

"Hindi naman ako lalabas dito." Sabi pa ni Axcel Chris at ngumuso.

"Gan'yan ang susuotin ng mga security guards ngayong gabi. Naka-mask din sila." Sabi ni Mr. Maximo. Tumango na lang 'yung tatlo.

"Pupuntahan ko lang si Lauren." Sabi ni Reign. Tumango lang si Mr. Maximo. Lalabas na sana si Reign doon nang biglang nagsalita si Marco. "Samahan na kita." Tumango lang si Reign at naglakad na.

Naglalakad na silang dalawa papunta sa kwarto ni Lauren para tignan kung gising na ito. Kumatok muna si Reign bago buksan ang pinto. Nang mabuksan niya ang pinto, nakita niya si Lauren na nakahiga at may pipino sa mga mata. Pumasok siya sa loob samantalang si Marco ay nasa labas lang at nakasandal sa gilid ng pinto.

"Lauren. It's 1:30 PM. You should have your lunch." Sabi ni Reign. Tinanggal naman ni Lauren ang pipino sa mga mata niya at saka tumayo. "Tita Reign. I'm nervous."

"That's normal." Sabi ni Reign. Ngumuso naman na si Lauren at naglakad palabas. Sinundan lang siya nila Marco at Reign.

6:35 PM. Nakaharap naman si Darren sa kanilang salamin at inaayos ang kaniyang black necktie. Nakasuot siya ng pink formal shirt at single-breasted notched lapel black suit. Nang matapos siya sa ginagawa niya, napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Nathan.

"Hello." Sabi ni Nathan sa kabilang linya.

"Kinakabahan ako." Sabi ni Darren.

"'Wag kang kabahan. Pupunta rin naman doon si Carl." Sabi ni Nathan.

"Paano ako lalapit kay Carl? Baka makita kami ni Reign."

"Hayaan mo lang siya."

"Papa!" Napalingon naman si Darren sa anak niya nang pumasok iyon sa kwarto. Halos magkapareho sila ng suot maliban sa bow tie ni Sheed. "Susunduin na raw po tayo." Sabi nito.

"Sige. Aalis na kami." Sabi ni Darren at binaba na ang tawag. Nilapitan niya si Sheed at binuhat hanggang sa makapasok sila sa kotse ni Lauren.

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon