CHAPTER 1: Allen Green

299 10 0
                                    

Picture ni Allen Green. ⬆😍

***

THURSDAY. AUGUST 13, 2015.

Padabog niyang sinara ang pinto ng kotse. Bakas sa mukha niya ang galit.

He is Allen Green, 22 years old. The son of the leader of Green Mafia, Aris Green.

Nagmamadali siyang naglakad patungo sa isang mapunong lugar hanggang sa natanaw niya ang isang bahay, ang hideout nilang magkakaibigan. Tinatawag nila itong "Secret Place" dahil dito sila palihim na nagkikita. Walang nakakaalam ng lugar na iyon kundi sila lamang.

Nang papalapit na siya roon, nakita niya ang isa niyang kaibigan na naninigarilyo sa gilid, si Carl. Tinignan niya si Allen at sinundan ito papasok  sa loob ng hideout nila.

Bumungad sa kaniya ang apat niya pang kaibigan. Hininto nila ang mga ginagawa nila at napatingin silang lahat kay Allen. Nagderetso lang siya papunta sa kusina at hindi sila pinansin. Kinuha niya ang isang itim na bag na nasa gilid ng refrigerator. Laman nito ang mga kailangan niya para sa kaniyang plano.

Binuksan niya iyon at tumambad sa kan'ya ang mga baril at patalim na itinakas niya noon mula sa kanilang bahay.

Nagsilapitan naman ang mga kaibigan niya. Tumingin si Allen sa kanila at bago pa siya tanungin ay nagsalita na siya.

"I need to kill her as soon as possible." Sabi ni Allen.

"Bakit hindi mo na lang s'ya ipapatay sa mga kasamahan mo?" Tanong ni Nathan.

"Hindi nila s'ya papatayin."

"Bakit?" Tanong ni BJ.

"Dahil ang gusto nila ay sumali si RSP sa Mafia nila."

"Kaya ba nila tinutugis si RSP para mapasama sa grupo nila?" Tanong ni Carl.

"Oo. Para sa kanila, magiging malakas ang Mafia nila kung mapapasakanila si RSP."

"Paano kung ikaw pala ang mapatay n'ya?" Nag-aalalang tanong ni Darren. Kinuha naman ni Allen ang patalim na gagamitin niya at tinignang mabuti ang talim nito.

"Kapag napatay ako ni RSP, malalaman nilang sa Oculus University ito nagtatago dahil doon ko gagawin ang plano ko. Para mapalabas nila si RSP, gagambalain nila ang mga taong malapit sakin. Gagamitin nila ang buhay ng iba para mapapayag na sumali sa kanila si RSP. Kaya kung maaari, gusto kong kayo na lang ang pumatay sa kan'ya."

"Dude! Hindi kami mamamatay tao. Hindi namin kaya 'yun" sabi ni Niccolo. Binalot ni Allen sa panyo ang patalim at nilagay sa bag niya.

"Sino ba kasi 'yung RSP na 'yan?" Tanong ni Nathan.

"Malalaman n'yo rin balang araw." Tumayo si Allen pagkasabi niya n'un. Tinignan niya ang relo niya, 6:01 PM na. Kailangan niyang pumunta sa Oculus University ngayong gabi para ipuslit sa loob ang kutsilyong gagamitin niya.

"Bakit kailangang ikaw pa ang gumawa niyan?" Tanong ni Niccolo.

"Kung hindi ako, sino?" Tanong ni Allen at tinignan isa-isa ang kaniyang mga kaibigan. Sandaling natahimik ang paligid. "Kung mapapatay ako, gusto kong protektahan n'yo 'yung mga taong madadamay dahil sa'kin."

Nagkatinginan sila. "Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?" Tanong ni Darren.

"Hindi."

"Kung ganoon..." Nagkatinginan sila at nagbuntong-hininga sabay sabi ng...

"Good luck, Allen."

5 Masquerades: Allen Green's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon