WEDNESDAY. AUGUST 26, 2015.Mahigpit na hinahawakan ni Lauren ang isang maliit na kahon na kulay pula. Laman n'un ang kuwintas na kinuha niya sa isang estudyante 12 days ago (CHAPTER 2: The Crime). Napagpasyahan niyang ibalik iyon. Naglalakad siya ngayon papalapit sa dalawang estudyante na naka-upo sa isang bench sa quadrangle. Natahimik ang mga ito nang napansing papalapit siya. Nang nakalapit siya, inabot niya agad iyon sa may-ari. Napatingin naman 'yung babae sa kahong nasa harapan niya.
Bumuntong hininga muna si Lauren bago magsalita. "Sorry." Dahan-dahang inabot iyon nung babae. Pinapanuod lang niya 'yung babae habang binubuksan 'yung kahon. Umangat 'yung tingin nung babae sa kaniya at ngumiti. "Thank you sa pagbalik. Mahalaga sa'kin 'tong kuwintas." Ngumiti lang si Lauren at umalis.
Habang naglalakad papunta sa opisina ng kaniyang lolo, hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mukha. Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ginawa niya. Nang papalapit na siya roon, napansin niyang medyo nakabukas ang pinto ng opisina ng lolo niya. Lumapit siya roon at sumilip. Nakatalikod sa kaniya si Reign na nasa harapan ni Mr. Maximo. Narinig niya ang pinag-uusapan nila.
"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo." Sabi ni Mr. Maximo. Hindi nagsalita si Reign. "Kaya ko lang naman hindi sinabi sa iyo dahil ayaw kong malaman mo na wala na ang kapatid mo."
Bakas naman sa mukha ni Lauren ang pagtataka nang narinig iyon. Hindi niya alam na may kapatid pala si Reign.
"Dapat sinabi n'yo pa rin sa'kin para hindi na ako umasa na makikita ko pa siya." May galit na sabi ni Reign. May inabot naman si Mr. Maximo sa kaniya na brown envelope. Kinuha iyon ni Reign.
"Laman niyan ang lahat ng impormasyon tungkol sa kapatid mo noong nawala siya ikaw na ang bahala diyan." Sabi ni Mr. Maximo. Naramdaman naman ni Reign na nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng natanggap.
AXCEL CHRIS:
Nasa labas ng opisina ni Sir Maximo si Lauren. Nakasilip siya sa pinto.Nakita naman ni Lauren na lumingon si Reign sa gawi niya. Nakita siya nito. Mabilis na naglakad si Lauren paalis. Naramdaman naman niyang may humawak sa braso niya. Nilingon niya iyon at nakita ang matalim na titig ni Reign sa kaniya. "Anu-ano ang narinig mo?" Tanong nito.
"N-nothing. I heard nothing." Kinakabahang sagot ni Lauren habang sinusubukang tanggalin ang mahigpit na hawak ni Reign sa braso niya.
"Liar." Sabi ni Reign sa kaniya. Lumunok si Lauren bago magsalita. "I heard lolo na may kapatid ka." Nang sabihin niya iyan, naramdaman niyang lumuwag ang hawak nito sa braso niya. Nawala rin ang matalim na titig nito sa kaniya.
"Yes. I have." Sabi ni Reign at nag lakad palayo. Huminto siya sa paglalakad nang narinig ang tanong ni Lauren. "What's the name?"
"No need to know her name. She's gone." Sabi ni Reign at naglakad palayo. Pinanuod lang siya ni Lauren. Natapos ang klase nang hindi mapakali si Lauren hanggang sa kanilang bahay. Hindi siya makatulog. Gusto niyang kausapin si Reign tungkol sa kapatid nito. Gusto rin niyang malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit pinatay ang mga magulang nito dahil sa tuwing tinatanong niya si Reign tungkol doon ay hindi siya sinasagot nito.
THURSDAY. AUGUST 27, 2015.
Kinatok ni Lauren ang pinto ng kwarto ni Reign. "Tita Reign! We're going na sa school. Are you done?" Walang sumagot. Hinawakan niya ang doorknob. Hindi naka-lock ang pinto kaya binuksan niya iyon. Narinig naman niya ang pagtulo ng tubig mula sa bathroom ng kwarto ni Reign.
"Tita Reign!" Sigaw ni Lauren.
"Wait! Naliligo pa ako!" Sigaw ni Reign pabalik. Napa-irap na lang si Lauren. Lumibot naman ang tingin niya sa buong kwarto ni Reign. Malinis at maayos ang mga gamit maliban sa kama ni Reign na gulo-gulo. Napansin naman niya ang envelope sa ilalim ng unan. Nilapitan niya iyon. Tinanggal ni Lauren ang unan sa ibabaw at tumambad sa kaniya ang isang baril, isang family picture, at ang envelope na binigay ni Mr. Maximo kay Reign.
Hindi na siya nanibago sa baril dahil ilang beses na niyang nakita ang Tita Reign niya na may hawak na gan'un tanging 'yung family picture at 'yung brown envelope lang ang nakakuha ng kaniyang interes. Binuksan niya 'yung brown envelope at sari-saring documents ang nakita niya.
Tinignan niya iyon isa-isa. May nakita siyang profile ng isang lalake. Binasa niya ang mga nakalagay roon.
NAME: PRINCE DARREN M. LEE
INFO: The only child of DELILAH MARQUEZ and PELTON LEE. He was born on June 05, 1993. He became a father at the age of 17. His son's name is SHIN DARREN LEE...Nang may nabasa si Lauren na address, agad niyang kinuha ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato 'yung address. Hindi tinapos ni Lauren ang profile ni Darren at hinanap naman ang profile ng anak nito. Binasa niya agad iyon nang mahanap niya.
NAME: SHIN DARREN P. LEE.
INFO: He was born on December 27, 2010. He is the only child of PRINCE DARREN LEE AND MAE SHIN PALACIO..."Mae Shin Palacio?" Bulong niya sa sarili niya. Agad naman niyang tinignan kung may profile ba iyon na kasama roon at hindi siya nagkamali dahil may nakita siya.
NAME: MAE SHIN V. PALACIO
INFO: The daughter of MELANIE REI VERSOZA and SHIRO PALACIO. She was born on April 11, 1994. She has a younger sister named REIGN SHIN PALACIO. She died at the age of 16 after gaving birth to his son named SHIN DARREN LEE...Hindi natapos ni Lauren ang pagbabasa. Nang narinig niya ang paghinto ng mga patak ng tubig sa bathroom ni Reign ay agad-agad niyang ibinalik ang mga binabasa niya sa brown envelope at nilagay sa ilalim ng unan. Agad-agad siyang umupo sa kama na parang walang nanyari. Nakita niyang lumabas si Reign na nakatapis ng tuwalya.
"Magbibihis ako." Sabi ni Reign. Tumango naman si Lauren at lumabas sa kwarto ni Reign. Nilabas ni Lauren ang cellphone niya at tinignang mabuti 'yung address na kinuhanan niya ng litrato. "I will find out your secret, Tita Reign." Bulong niya sa sarili niya.

BINABASA MO ANG
5 Masquerades: Allen Green's Death
AcciónIn Oculus University, there is a unique group that ruling there that based on popularity rank, the "5 Masquerades". It's divided into 2 groups, the "5 Muses" and the "5 Escorts". The story starts when the news about "The 3rd Escort", Allen Green's...