Chapter 1

3.9K 69 3
                                    

AN: Sorry for the wrong grammar and wrong spelling written in each chapter of the story. I hope you will support my story until the end.

NOTE: This is work a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or use in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*•*

ENYA POV

“Oh, Enya nandito ka na pala. Sige pasok ka.” Nakangiting salubong sa akin ni Manang Paseng matapos niya akong pagbuksan ng gate.

“Dala mo ba lahat ng gamit mo, ija?” Tanong niya pa sa akin habang naglalakad kami papasok sa mismong main door nitong mansion kung saan ako magtratrabaho kasama si Manang Paseng.

“Yung mga importanteng gamit ko lang po ang dinala ko Manang. Para sa ganon po'y isang maleta lang ang magagamit ko.” Sagot ko.

Napahinto sa paglalakad si Manang Paseng saka ako hinarap. “Pero kailangan mong dalhin dito sa mansion lahat ng gamit mo. Tandaan mo Enya, dito ka na titira simula ngayong araw.” Aniya.

Napakamot ulo ako. “Pero kung uubusin ko po lahat ng mga gamit ko doon sa apartment ko. Sigurado po akong mahihirapan lang po ako. Sa dami pa naman po ng mga gamit ko doon sa apartment ko. Saka po wala din namang tutulong sa akin na ayusin ang mga gamit ko.”

Narinig kong napabuntong hininga si Manang Paseng. “Sige bukas... Uutusan ko nalang ang mga kasamahan kong katulong na samahan kang bumalik sa apartment mo para sa gano'n ay matulongan ka nilang mag-ayos sa mga gamit mo.” Aniya.

Tumango naman ako saka ngumiti ng kaunti kay Manang. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng mansion.

“Wow!” Bulong ko nalang sa sarili ko nong makita ko ang loob ng mansion.

Ang ganda tapos ang laki-laki pa. Halatang subrang yaman ng may-ari nitong mansion.

“Enya. Tatayo ka lang ba diyan? Ayaw mo ba akong sundan patungo sa magiging kwarto mo?” Mabilis akong napatingin kay Manang nong magsalita na naman siya.

“May sarili po akong kwarto?” Medyo gulat kong tanong.

“Oo Ija. Kaya tara na at mamaya ka na mamangha sa ganda nitong mansion.” Kita kung natawa si Manang.

Napangiti naman ako saka sinundan ko siya patungo sa isang hallway. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid.

Grabe talaga! Subrang laki ng mansion na 'to aakalain mo talagang palasyo sa laki. Tapos subrang linis pa ng paligid. Marami ding katulong ang nagkalat sa paligid at lahat sila ay may mga ginagawa. Yung iba napatingin sa aming dalawa ni Manang. Halata din sa mga mata nila na sinusuri nila ang kabuuan ko.

“Ito ang kwarto mo, Enya. Lahat ng mga gamit na nandito ay sa'yo na. Karapatan mo na din na linisan ang kwarto mo. Yung mga uniform mo din ay naka lagay sa closet mo dito sa kwarto mo. May sarili ka ding bathroom at CR dito sa kwarto mo. May maliit ka ding ref dito na pwede mong pag-punduhan ng mga pagkain mo. May maliit ding sala dahil kapag may bisita ka, may mauupuan sila. Queen size din ang kama mo. Katabi nito ang study table mo na may isang lampshade din.”

Halos malaglag sa sahig ang panga ko matapos naming makapasok ni Manang sa sarili ko raw na kwarto.

Diyosme ang laki-laki. Parang triple yung laki nito sa apartment ko.

“Manang sigurado po ba kayo? Kwarto ko po ba talaga ito o baka naman sa amo natin 'to. Nako manang kung sa boss lang din natin ito, lumabas na po tayo. Baka unang araw ko pa lang dito ay automatic talsik ako sa trabaho ko.” Sabi ko at akmang lalabas na doon sa kwarto.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon