Chapter 12

877 27 0
                                    

*•*

SI ‘ENYA’ ANG YAYA NG NAG-IISANG ANAK NG ‘MAFIA BOSS’

CHAPTER 23
ENYA POV

Halos dalawang araw din akong nakalubog sa kwarto ko, pinagagaling ang sprain ng ankle ko. Mabuti nalang ngayon at hindi na ito masyadong namamaga at kaya ko ng galawin para ilakad.

“Hinay-hinay lang sa paghakbang. Baka malisa yang paa mo.” Ngumiti lang ako kay Aiden dahil sa sinabi niya. Nasa tabi ko siya at sinasabayan niya akong maglakad patungo kusina.

Galing kasi siya sa kwarto ko para daw kumustahin ako sa kalagayan ko. Nais niya lang din mag-paalam sa akin na aalis na daw siya patungo sa trabaho niya.

“Hinay-hinay naman akong naglalakad a. Huwag kang masyadong mag-alala sa akin baka masanay akong may nag-aalala sa kalagayan ko.” Natatawa kong sabi.

“Idi mas mabuti yun.” Dinig kong wika niya.

Napailing-iling nalang ako dahil doon. Pagkarating namin sa kusina ay tinulungan niya pa akong ayusin ang mga pagkain na dadalhin ko kay Kai.

Dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Ramdam ko ang mga tingin sa amin ng ibang katulong, naririnig ko rin ang boses nila na nagbubulungan. Halatang nagtataka kung bakit ko kasama si Aiden dito sa kusina. Gumagawa pa nga siguro yung iba ng issue.

“Huwag mo silang pansinin.” Pabulong na sabi ni Aiden sa akin, siguro ay napansin niya ang pagkailang ko.

Napabuntong-hininga naman ako saka pasimpleng tumango. “Ayaw ni Kai sa gatas, mas gusto niya ang hot chocolate.” Inilagay ko sa harap niya ang isang garapon ng powder choco nung akmang yung powder milk ang titimplahin niya.

“Oww... Hindi ko yun alam.” Aniya.

“Bigyan mo din kasi ng oras ang anak mo.” Saad ko. “Alam mo bang nagtatampo yang anak mo sa'yo? Sabi niya, hindi niya pa nga daw nakilala ang mama niya tapos para lang din daw siyang walang papa kasi busy ka daw sa mga business mo.”

Napakunot noo naman si Kai dahil sa sinabi ko. “Hindi ko naman napansin na nagtatampo siya sa akin.”

“Kasi hindi mo pinapansin... Alam mo ba na ultemo pagalitan mo yung bata ay masaya siya. Pakiramdam niya daw ay nakuha niya daw ang atensyon mo. Gusto nong bata ang atensiyon mo, Aiden.” Saad ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya. Hindi na umimik dahil sa sinabi ko at nanahimik nalang habang tinitimpla ang hot choco para sa anak niya.

“Magiging masaya yun si Kai pag nalaman niyang ikaw mismo ang nagtimpla niya.” Basag ko sa katahimikan.

“Are you sure about that?” Biglang bumaba ang tuno ng boses niya saka tumingin sa akin ng diretso.

Ngumiti naman ako sa kanya. “Oo, sure ako.”

“Enya... Sa tingin mo, sa anong paraan ako makakabawi sa anak ko. Gusto ko lang makabawi sa mga panahon, araw, oras at minutong hindi ko naibigay sa kanya.” Bigla niyang tanong.

“Babawi ka ba?” Nakangiti kong tanong. Hindi siya sumagot at ibinaling uli ang paningin sa baso ng hot choco na tinimpla niya. “Kung gusto mong bumawi sa bata. Siguro, mas maganda kung ayain mo siyang mamasyal, yung kayong dalawa lang. Sure akong papayag yun dahil sabik yun sayo e.” Panimula ko. “Teka... Naranasan naba ni Kai na mamasyal kasama ka?” Tanong ko.

Kita ko siyang umiling. “Pinapaubaya ko siya sa grandparents niya.”

“Yung mama niya din ay hindi niya nakilala diba? Kasi namatay nong kakapanganak niya pa lang kay Kai.” Usal ko.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon