*•*
NARRATOR POV
Flashback
“Uncle Eduardo! Anong ginagawa mo dito?” Nanginginig ang labi at tuhod ng isang dalaga, hindi makapaniwala na bumungad sa kanya ang tito niya nong buksan niya ang pintuan ng kwarto kinaroroonan niya.
“Binibisita ang pinakamamahal kong pamangkin.” Sagot ng lalaki saka matamis na ngumiti sa dalaga.
Napalunok ang babae at pilit na ngumiti, tinatago ang nararamdaman niyang takot sa kanyang uncle.
Nakakapagtaka lang kasi na binisita siya nito sa unang pagkakataon. Isa pa kalaban ito ng papa niya, kalaban sa negosyo at pati na din sa organization na kinabibilangan ng pamilya nila.
“Ano Eunice? 'Di mo nalang ba ako papasukin? Mag usap naman tayo kahit sandali lang, gusto ko lang malaman ang kalagayan ng pamangkin ko.” Nagdadalawang isip ang dalaga kung papasukin niya ba sa loob ng kwarto ang kanyang uncle.
Ilang sigundo din siya nag-isip bago tumango at pinapasok ang uncle niya sa loob. Pina-upo niya ito sa sofa na nakapwesto sa loob ng kwatro.
“Buntis ka daw sa anak niyo ni Leonardi. Alam na ba ito ng papa mo?” Biglang tanong ng uncle ni Eunice.
Natigilan naman ang babae. “Ah, o-opo.” Nauutal nitong sagot. Hindi niya inaasahan na alam nito ang tungkol sa pagdadalang tao niya.
Hindi maitago ng babae ang takot niya sa lalaki na nasa harapan niya. Takot kasi siya sa posibleng gawin nito sa kanya— sa kanila ng anak niya na nasa sinapupunan niya.
“Saka engage na daw kayo ni Leonardi? Kailan ang kasal niyo?” Muling tanong ng lalaki.
“Ah ikakasal po kami pag naipanganak ko na ang anak namin.” Magalang na sagot nang dalaga, nakangiti parin siya ng pilit.
“Imbitado ba ako? Kami ni tito Felipe mo?” Tanong nito.
Natigilan uli si Eunice nong banggitin nito si Felipe. Ang half brother ng papa niya. Kumbaga si Eduardo, Felipe, at ang papa ni Eunice ay magkakapatid, si Felipe at ang papa lang ni Eunice ang magkapatid sa ama. Habang si Eduardo naman at ang papa ni Eunice ay magkapatid ng buo.
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
ActionSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...