Chapter 13

925 32 0
                                        

*•*

ENYA POV

Habang kumakain ako ng apple ay tumabi sa akin si Kai. Kaming dalawa lang dito sa kwarto ko dito sa hospital dahil si Aiden ay may pinuntahan. May meeting daw kasi siya with the important client so kaylangan niya muna kaming iwan ni Kai dito sa hospital. Sina Luke, Oliver, Kayden, Noah, at Liam naman ay mamayang gabi pa daw pupunta dito para bisitahin ako.

“My dad was courting you. So what should I call to you now? Yaya parin ba? Tita or mom?” Tanong ni Kai sa akin.

Napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanya. “Yaya parin ang itawag mo sa akin syempre.” Inabutan ko siya ng isang hiwa ng apple na nabalatan na, tinaggap niya naman iyon.

“Pero nililigawan ka ng papa ko.” Saad niya habang ngumunguya.

“Pero yaya mo parin ako.” Wika ko naman saka umayos sa pagkakaupo.

“Mommy nalang kaya itawag ko sayo. Total magiging mama din naman kita soon, kung sakaling sasagutin mo nga si papa sa panliligaw niya sayo tapos papakasalan ka niya.” Ngumuso ang bata.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Si Kai naman ay nag-angat ng tingin sa akin at inosente akong tiningnan.

“Alam mo kung sakaling magiging anak kita. Magiging super proud ako sayo kasi ang talitalino.” Puri ko sa kanya, pero siya umiling lang.

“If I will be your son you will feel disappoint because of my bad behavior ang attitude.”  Malungkot niyang sabi. “And also I'm not matalino. Hindi ko nga alam kung pa'no isulat ang pangalan ko.”

“Natural lang din naman na hindi ka pa marunong magsulat kasi ang bata mo pa.” Usal ko.

“I'm not at child anymore tita... I'm a big boy.” Angal niya sa sinabi ko.

“Anong tita? Yun ba ang itatawag mo sa akin?” Tanong ko.

Tumango siya. “Yeah... Ayaw mo? I can call you with your name. Enya!”

“Okay na yun, tita nalang.” Natawa ako. “Asan na nga tayo sa topic natin kanina?” Tanong ko, nawala sa isipan ang pinag-usapan namin.

“Na natural lang na hindi pa ako marunong magsulat kasi bata pa lang ako.” Pag paalala niya saka kumuha ng isang slice ng apple na nasa platito.

“Ahh oo... 4 years old ka pa lang naman Kai. Dapat sa edad mong yan ay sa paglalaro pa lang ang atensyon mo. Maglaro ng patintero, bahay kubo, o ano pang larong pang kalye.” Kumakagat ako sa slice ng apple na hawak ko.

“Pero tuturuan mo naman akong magsulat diba?” Tanong niya.

“Oum... HAHAHA hindi mo talaga nakalimutan 'no?” Medyo natawa ko. “Ang lawak ng memorya mo.”

“Syempre!!! Pangako mo 'yun e kaya kailangan mong tuparin.” Aniya, tanging iling nalang ang nagawa ko at inilapag sa side table ang platito na naglalaman ng apple na kinakain namin.

“Tita Enya. Alam mo ba kahapon nong hindi ka pa nagigising may mga sinasabi sa akin si daddy. Umiyak kasi ako noon dahil hindi ka pa gumigising—”

“Ay wee? Umiyak ka nong hindi pa ako nagising?” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ko.

Para namang nahiya si Kai ay mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang napakacute kiyang mga kamay.

“Ay sus nahihiya pa!!! Aminin mona na namiss mo ako.” Usal ko.

“Oo na!!! Huwag ka ngang ngumiti,  naiilang ako.” Aniya. “Itutuloy ko yung ikwekwento ko huh.”

“Oum, sige ituloy mo. Makikinig lang ako.” Saad ko.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon