*•*
ENYA POV
“Miss Eunice? D-diba p-patay k-ka na?” Nauutal na tanong sa akin nong isang lalaki. Humakbang pa ito palapit sa stage para tingnan akong mabuti. Sinisiguro kung ako ba talaga ang nasa harapan nilang lahat ngayon.
Ngumiti lang ako. “Sa tingin mo? Wala naman siguro akong kambal, para magkaroon ako ng kamukha.”
“A-anak Eunice? I thought you were dead. Pa'no nangyari ito?” Hawak ang tungkod ay naglakad si papa patungo sa kinaroroonan ko. “Are you really Eunice? Are you really my daughter? Or you just imitated my daughter face.”
“Sa tingin mo po? Sino ako?” Tanong ko.
Hindi nakasagot ang ama ko, kaya bumaling uli ang paningin ko kina tito Eduardo at Felipe na kasama ang mga asawa nila. Gulat na gulat parin ang mukha nila, halata ang takot na makita ako.
Alam kong alam nila na buhay ako. Pero hindi nila inaasahan na bumalik na ang mga ala-ala ko.
“Uncle Eduardo and uncle Felipe? Didn't you miss me? Don't you want to congratulate me because I'm getting married? Your beloved niece is engaged.” Ngumiti ako ng napakatamis.
Napakurap-kurap sina Eduardo at Felipe. Natataranta din sila pareho na naglakad palapit sa kinaroroonan ko dala ang kanya-kanyang baso ng champagne.
“Sorry Eunice for our behavior. We were a little surprised because you are alive. We really thought you were dead as everyone knows.” Si tito Felipe ang nagsalita. Pansin ko ang namumuong pawis sa noo niya.
“Ganon ba? Did I surprise you? Actually, I'm not really dead. I only had amnesia for five years and I lived as a different person. Fortunately, I met Aiden again so my memories that I had lost came back.” Sumeryoso ang mukha ko. “Sa tingin niyo uncle Felipe and uncle Eduardo. Ano kaya ang dahilan kung bakit nawala ang mga ala-ala ko. Saka alam niyo ba kung sino ang may pakana sa akin nito?”
“Ano ang nais mong ipahiwatig, pamangkin namin?” Tanong ni Eduardo.
“Wala lang... I'm just asking.” Tumingin ako kay papa. “By the way dad. Where is mom? Why isn't mom here? Are she busy?” Sinadya kong itanong iyon kay papa, kahit na alam ko ng matagal ng patay si mama. Kahit alam ko ng pinatay si mama nong dalawang pekeng kapatid ni papa.
Matalim ang tingin ni papa sa dalawang kapatid bago bumaling sa akin ng tingin. “Don't you know that your mom has been dead for a long time? She was killed by people who had an interest in my throne.”
Inabot ko sa MC ang microphone saka naglakad pababa sa stage. Ramdam ko naman na sumunod si Aiden at Kai sa akin.
Tumayo ako sa harap ni daddy, kaya sina Felipe at Eduardo ay nasa tabi ko naman.
“Totoo ba ang narinig ko, pa?” Sumulyap ako kina Eduardo na mabilis naman nag-iwas tingin.
Tumango lang ang aking ama. Nag-umipas na naman ang bulong-bulongan sa paligid.
“Nandito ba ang gumawa non kay mama—”
(BANG!!!)
(BANG!!!)
(BANG!!!)
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung may sunod-sunod na pagputok ng baril ang narinig ko. Agarang naalarma ang lahat dahil doon. Ramdam ko naman ay mahigpit na paghawak ni Aiden sa pulsuhan ko.
“You and Kai need to leave the venue.” Aniya saka may inilagay siya sa tenga ko. “Naka connect sa earpiece na 'yan ang boong team.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Kita ko nalang na tumatakbo na siya palayo sa akin. Nagkagulo na din ang mga bisita namin, napabaling din ako ng tingin sa kinakatayuan nina papa, tito Eduardo at tito Felipe kanina pero wala na sila doon.
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
AcciónSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...