*•*
ENYA POV
“Saan mo gustong mamasyal, son?” Tanong ni Aiden sa anak niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mansion kumakain ng meryenda. Bigla nalang kasing nag-aya si Aiden.
Hindi din kasi siya pumasok sa office niya at dito niya sa mansion ginagawa ang mga papers na kailangang para kumpanya niya. Tatlong araw na din ang lumipas simula nang makalabas ako sa hospital. Bago kami umalis ay binisita ko si Violet sa kwarto niya, pero nagalit lang siya sa akin kaya iniwan ko nalang siya.
“Beach!” Magiliw na sagot ni Kai sa ama. Nakangiti pa ito habang ngumunguya ng chocolate cake na binili din ng papa niya.
“Okay... Ayusin mo mga gamit mo at didiretso tayo sa beach na gusto mo.” Kunot noo ko naman na tiningnan si Aiden.
“Yess dad! I'll be back after 60 seconds.” Si Kai naman ay mabilis na tumayo galing sa pagkakaupo at agad na pumasok sa mansion.
“Ngayon na?” Tanong ko kay Aiden.
“Yeah so prepare your things. We're go to vacation in 3 days.” Sagot niya.
“E, hindi ba yan pwedeng ipagbukas?” Tanong ko.
“Nahh... Tara na sa kwarto mo tutulungan kitang ayusin ang mga damit mo.” Tumayo siya saka hinintay ako na tumayo.
Napabuntong hininga naman ako bago tumayo. “Hapon na kasi at ilang oras nalang at mag-gagabi na.” Usal ko.
“Hindi naman 'yun problema.” Aniya.
“Ikaw bahala. Inaya mo nga si Kai ng bakasyon pero hapon naman. Pa'no maeenjoy nong bata?” Naglakad kami pagpasok sa mansion patungo sa bago kong kwarto.
Tama may bago na akong kwarto. Inilipat niya ang kwarto ko sa pintuan na katabi lang din ng kwarto niya doon sa 2nd floor. Hindi na din akong naiilang na lagi kaming magkasama, alam na kasi ng lahat na nakatira dito sa loob ng mansion na naliligaw ako ni Aiden.
Puro kantiyawan nga ang sumalubong sa amin nong nakauwi ako galing sa hospital. Pa'no ba naman iyong si Oliver at Liam ay ipinagkalat na nililigawan daw ako ni Aiden. Hindi naman ako nagalit kasi totoo naman.
“Tama na itong mga dala kong damit. 3 days lang naman tayo doon.” Usal ko at isinarado ang bag na pinaglagyan ko sa mga damit at gamit na kailangan ko.
“How about your two piece swimsuit? Hindi ka magdadala?” Tanong niya.
Napakamot ulo naman ako. “May short naman ako e, pwede na yun. Saka wala akong two piece o swimsuit. Hindi kasi ako mahilig diyan.”
Tumango lang siya at binitbit ang bag na dadalhin ko saka lumabas na kami sa kwarto ko. Sumalubong naman sa amin si Kai sa labas ng kwarto ko, nakaupo sa sahig habang nakapangalumbaba. Nasa tabi niya ang dalawang—
“Bakit bagahe ang dala mo Kai?” Gulantang kong tanong, gulat na gulat dahil sa dalawang malalaking bagahe na nasa tabi niya.
Ngumuso naman siya at tumayo. “We will go on a vacation with dad. So nagdala ako ng napakaraming damit para marami akong damit doon na pagbibihisan sa bakasyon natin.”
Narinig ko naman ang pagbuga ng hangin ni Aiden. Halatang gulat din sa dalawang bagahe ng anak niya.
“Ibalik mo sa loob ng kwarto yang mga damit mo, son.” Mahinahon na saad ni Aiden dito.
“But dad—”
“No buts, son. Just do what I said. Parang inilabas mo na sa closet mo ang lahat ng damit mo.” Naglakad si Aiden patungo sa isang bagahe saka itinulak iyon pabalik sa kwarto ni Kai. Ako naman ang nagtulak doon sa isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/329860127-288-k16496.jpg)
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
AzioneSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...