*•*
ENYA POV
Ikalawang araw namin ngayon dito sa beach resort ni Aiden. Kung kahapon ay nag banana boat at nag scuba diving kami. Ngayon naman ay tuturuan kong lumangoy si Kai. Kahapon kasi ay hindi din siya nakasali sa mga water activities, bawal kasi ang hindi marunong lumangoy para iwas disgrasya. Kaya si Kai, pinilit agad akong turuan siyang lumangoy para makasali na daw siya sa mga water activities.
“Tita why you didn't wear a swimsuit?” Tanong ni Kai sa akin nong nakalabas na ako sa banyo na tanging suot ko na T-shirt at maikling maong short lamang.
“Wala akong swimsuit.” Usal ko saka naglakad patungo sa kama ko at doon umupo.
“Pero binilhan ka ni papa ng swimsuit. Hindi niya ibinigay sa'yo?”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nong bata.
“Anong swimsuit? Wala naman siyang ibinigay sa akin.” Wika ko, kita ko naman na bumangon siya galing sa pagkakahiga saka naglakad patungo sa kama ng papa niya na katabi lang ng kama ko.
May kinuha siya na paper bag sa loob nong maliin na cabinet na nakapwesto sa gilid ng kama. Matapos niya iyong kunin ay umupo siya sa tabi ko at inilapag sa pagitan namin yung paper bag.
“Sabi ni dad sa'yo daw yan. Baka nalimutan niyang ibigay sayo.”
Kahit nagtataka ay binuksan ko nalang yung paper, tiningnan ko yung laman. Bumungad naman sa akin ang tatlong iba't-ibang klase ng swimsuit. May color black, red, at dark blue. Sinuri ko isa-isa yung mga swimsuit at sa tingin ko tama lang lahat iyon sa katawan ko, hindi din siya gaano ka sexy kaya hindi siya malaswang tingnan kung sakaling suotin.
“Baka hindi 'to para sa akin, Kai.” Sabi ko saka ibinalik sa loob nung paper bag yung mga swimsuit.
“Sinabi ni dad sa akin na sayo daw yan. Sinadya niyang bilhin para sayo, kasi wala ka raw swimsuit kaya binilhan ka nalang niya.” Aniya.
Napabaling naman kami sa pintuan nang kwarto nong bumukas iyon. Iniluwal non si Aiden na napabaling agad ang paningin sa paper bag na hawak ko.
“Tanungin mo pa si daddy.” Wika ni Kai. “Diba dad! Kay tita Enya yung mga swimsuit na binili mo?”
Seryusong tumingin sa amin si Aiden saka tumango. Naglakad din siya palapit sa maliit na cabinet sa gilid ng kama niya saka kumuha siya doon ng masusuot niya pandagat. White polo lang at beach short iyon.
“Bakit mo parin ako binilhan, e diba sabi ko ayaw ko ng swimsuit.” Saad ko.
“Gusto lang kitang makita na magsuot ng swimsuit.” Aniya.
Napaismid naman ako. “E, pareho lang din naman dito sa suot kong maiikling short saka t-shirt.”
“Basta sundin mo nalang ang gusto ko. Bihisan mo yang sarili mo pagkatapos kong magbihis.” Naglakad siya patungo sa banyo saka pumasok na doon.
Napabuntong hininga nalang ako, muling inilabas yung tatlong swimsuit sa paper bag na pinaglagyan nito. Pinili ko yung kulay red na swimsuit kasi iyon ang pinaka simple sa tatlo.
“Bakit ayaw mo mag-swimsuit?” Tanong ni Kai sa akin.
“Wala lang. Nahihiya kasi ako. Okay lang sa akin yung maiikling damit pero pag swimsuit na ang usapan nahihiya na akong sumuot.” Sagot ko, tumayo ako saka lumapit sa sarili ko ring maliit na cabinet na nasa gilid lang ng kama ko at doon ipinasok ang paper bag.
“Makinis ka naman, maputi, sexy, maganda, at sa tingin ko po tita ay bagay na bagay sayo ang magsuot ng swimsuit. Para ka nga sigurong model kung tingnan.” Kinurot ko agad ang magkabilang pisnge ni Kai gamit ang dalawa kong kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/329860127-288-k16496.jpg)
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
AksiyonSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...