*•*
AIDEN POV
“Mga dre... Tingnan niyo si boss. Kanina niya pa pinapatay sindi yung hawak niyang sigarilyo. Nauupos na nga e.” Rinig kong sabi ni Oliver sa apat na gunggong.
“Oo nga dre 'no! Sa tingin niyo anong iniisip ni boss ngayon?” Si Liam ang nagsalita.
“Edi si Miss Enya. Sino pa ba? Alangan naman ikaw 'no. Sa tingin niyo bakla si boss?” Matalim ko na tiningnan si Noah dahil sa sinabi niya. “Boss—”
“Tsk!” Tumayo ako galing sa pagkakaupo, saka naglakad paakyat ng hagdan.
Mas mabuti pang doon nalang ako sa kwarto ni Eunice umistambay, kaisa dito sa baba kasama ang nga gunggong na tao.
“Sir Aiden si Miss Enya po!” Napahinto ako sa paglalakad nong salubungin ako nong doctor na nagbabantay kay Enya or should I call her Eunice. My long lost fiance.
Salubong ang kilay ko na tumingin doon sa doctor. Hingal na hingal siya at animo'y nagmamadali.
“Si Miss Enya po ay gising na.”
Napatitig ako sa doctor. Hindi alam ang magiging reaction dahil sa sinabi niya.
“Where is she?” Tanong ko saka nilagpasan ang doctor.
“In her room po. Hinahanap ka po niya Sir Aiden.” Sumunod yung doctor sa akin.
Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa kwarto ni Eunice. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Sa loob ng 1 year na pagkatulog niya, ngayon ay gising na siya at sana— Sana naalala niya na ang lahat. Naalala niya nasa kami ni Kai— ang anak naming dalawa.
“Enya!” Tawag ko sa nakasanayan kong pangalan niya nong nakapasok na ako sa kwarto na kinaroroonan niya.
“Aiden... B-bakit nasa bahay tayo? Diba dapat nasa hospital tayo, kasi ipinapanganak ko ang anak natin? Asan ang anak natin, Aiden?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Sinenyasan ko yung doctor na lumabas sa kwarto at iwan muna kaming dalawa ni Enya.
Humakbang ako papalapit sa kama niya, umupo ako sa gilid nito saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.
“B-bakit ka umiiyak? A-anong nangyari sa baby natin? K-kinuha ba siya nina tito? W-wala na ba ang anak natin?” Tanging pag-iling nalang ang naisagot ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “Aiden b-bakit ayaw mo kung sagutin? Ba-bakit ka umiiyak Aiden?! Asan ang anak natin? Ang baby ko?” Rinig kong humihikbi na din siya, ramdam ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.
“Our son was completely safe. He was in his school now.” Bulong ko sa tenga niya.
“Anong school? Ba-bakit sa school? A-anong g-ginawa ng anak natin sa sa-school? Da-dapat nasa nursery room pa siya. Aiden bawal pa sa school ang anak natin.” Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi saka hinarap sa mukha ko ang mukha niya.
“Shhh!!! Our son was already 5 years old. Kaya nag-aaral na siya.” Sinubukan ko siyang paintindihin.
Nagtataka lang ang mga mata niyang tumingin sa akin. Sigurado akong hindi siya niniwala sinabi ko. Alam kong nakarehistro pa sa isipan niya ang mga huling nangyari bago siya nagkaroon ng amnesia.
”Anong 5 years old? Aiden kakasilang ko lang sa kanya kanina.” Patuloy na umaagos ang luha niya palabas sa kanyang mga mata. “Aiden... Hindi kita maintindihin.”
“Eunice... Nagkaroon ka ng amnesia sa loob ng apat na taon, na coma ka din sa loob ng isang taon.” Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
БоевикSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...