Chapter 27

658 15 0
                                    

*•*

ENYA POV

"Madam Enya! Wala na po kayong dapat ipagalala tungkol sa mga kamag-anak ng mga namatay at nasugatan mong employee. Natanggap na po nila ang pera kanina lang po. Yung mga kamag-anak po nong namatay ay pumayag din po na ilibing nalang ang mga labi ng pamilya nila sa sementeryong pagmamay-ari niyo." Napatingin ako sa labas ng kotse at inayo ang pagkakahawak sa cellphone ko.

"How about our private architect and engineer? Kailangan nila nasisimulan gawin ang pag-aayos sa nasunog na parte ng building?" Tanong ko, naramdaman kong napalingon sa akin si Aiden habang nag mamaneho siya kaya nilingon ko din siya at nginitian.

"Nagpaset po sila ng meeting sayo bukas madam." Sagot ni Hazel. "Gusto ka din pong makausap ni Chairman Chua, madam."

"Sige, magpapatawag nalang ako bukas ng board meeting." May mga pinag-usapan pa kami nang sekretarya kong si Hazel at naputol lang ito nong nakarating na kami sa bahay ng designer ko.

"Hello Eunice- Oh my god Enya pala! I'm super excited na makita ka kung ano ang hitsura mo pag naisuot mo na ang wedding gown mo! I'm pretty sure na babagay yun sa'yo at mas lalo lang gaganda." Bungad ng designer kong si Ronel nong makita niyang kami pala ang bisita niya. "Come, come! Pasok kayo, welcome kayo sa house ko. By the way, yung gown mo po Miss Enya nasa office ko na, ready na pong sukatin mo." Nakangiti niyang malawag na sabi. "Umupo muna kayo Ms. Enya and Mr. Aiden." Umupo kaming dalawa ni Aiden sa sofa at agad naman kaming inasikaso ng katulong ni Ronel.

"Actually, Ronel. Hmmm... Hindi ko gustong sukatin yung gown, gusto ko lang makita." Sabi ko. Nagsalubong naman agad ang dalawang kilay ni Ronel na tumingin sa akin. Nagtataka.

"Why naman po, Miss Enya? Don't tell me na dahil 'yan sa mga sabi-sabi ng mga matatanda." Nagbuntong hininga ako.

"Gusto ko ng makita yung gown," Pag-iiba ko sa topic. "May pupuntahan pa kaming dalawa ni Aiden." Palusot ko pero totoo naman 'yon. Pupunta kami ngayon sa bahay ng mama at papa niya. Gusto ko lang silang bisitahin.

"Oh... Okay Miss Enya, let's go. Just follow me." Tumayo din si Ronel.

"Sasama ka?" Tanong ko kay Aiden.

Tumango siya saka tumayo, inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko saka sumunod na kami kay Ronel patungo sa second floor ng bahay niya.

"This is your gown, Miss Enya. Katulad ng gusto ni Mr. Aiden. Gumamit ako ng mamahaling tela, at sinulid dito." Napatingin kaming dalawa ni Aiden sa isang napakagandang gown na nakapwesto sa gitnang bahagi ng office ni Ronel.

Suot ito ngayon ng isang mannequin na kulay itim. Hindi masyadong mahaba yung gown. Pero napaka arogante nitong tingnan animo'y isang reyna ang ikakasal. Hindi talaga ako magsisisi na si Ronel ang pinagawa ko.

"The gown is perfect for you. I can't wait to see you wearing that as you walk down to the altar." Bulong ni Aiden sa akin habang nakatitig pa duon sa gwon na may ngiti sa labi.

Napangiti naman ako at bumaling ng tingin kay Ronel na nakatingin din pala sa amin.

"Ang sweet naman nitong future Mr and Mrs. Leonardi natin." Panunukso niyo. "Oh sige! Ayaw mo ba talagang sukatin yung gown, Miss Enya?" Umiling ako.

"Hindi na," Tumingin ako sa relo na suot ko. "Aalis na kami. By the way Ronel, ang ganda ng gawa mo. Salamat."

"Your always always welcome, Miss Enya! Laking karangalan din sa akin na ako yung gumawa ng gown mo 'no! Ikaw kaya yung queen ko."

Hinatid pa kami ni Ronel sa labas ng bahay niya, kumaway ako sa kanya bago pinaandar ni Aiden ang kotse niya.

"Ninerbyos ako." Pabulong kong sabi kay Aiden. Alam kung ilang minuto nalang at mararating na namin ang mansion ng mga magulang niya.

Salubong ang kilay niya akong nilingon. "Why? I think they'll be glad to see you again, Enya."

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon