*•*
ENYA POV
”Hindi namin alam. Pero dahil may nalaman ka na tungkol sa amin siguradong nanganganib na din ang buhay mo dahil pagdidiskitahan ka talaga ng kalaban namin.” Sagot ni Luke.
“Ilan ba lahat ng kaaway niyo?” Tanong ko.
“Lahat nang nasa loob ng organization... Lahat sila kaaway namin.” Sagot niya uli.
“Idi marami din ang magdidiskita sa akin?” Pag-uusisa ko.
Kita ko naman na sabay-sabay silang nag tanguan. Napalunok naman ako.
“Pero huwag kang mag-aalala proprotektahan ka namin... Kami bahala sa'yo Miss Enya. Sus yung mga kalaban namin, wala lang 'yon sa kalingkingan namin. Mas malakas kami kaysa sa kanila.” Hambog na saad ni Oliver, bigla naman siyang binatukan ni Liam kaya sinaaman niya ito ng tingin. “Bakit ka nambabatok? Ano ba ginawa ko sa'yo?!”
“Umandar na naman kasi ang pagkahambog mo... E ikaw naman yung mahilig tumakbo sa mga kalaban.” Saad ni Liam.
“Tsss... E, dapat naman talaga akong tumakbo, alangan naman na magpahuli ako. Baka sirain pa nila ang gwapo kong mukha.” Depensa ni Oliver sa sarili.
“Yuck kadiri. Gwapo daw, mukha namang pwet ng arinola.” Rinig kong bulong ni Kayden kaya sinamaan din siya ng tingin ni Oliver.
“Tama na 'yan mga pre. Ginugulo niyo lang ang usapan natin e.” Singit ni Noah.
“Wow, nagsalita ang mabait.” Sabi ni Oliver dito.
Pero hindi lang siya pinansin ni Noah saka binalingan ako nito ng tingin. “Basta Enya huwag kang mag-alala sa mga kalaban namin. Kaya ka naman namin protektahan, saka tuturuan ka din ngayon ni pareng Luke kung pa'no gumamit ng bar!l at protektahan ang sarili mo pati na din si pareng Kai. Ang amin lang ngayon ay mag-ingat ka nalang, kasi yung mga kalaban namin nasa tabi-tabi lang nakamasid sa amin.” Aniya.
Kabado naman aking tumango. Pero kahit sa mga sinabi niya, hindi ko parin ibibigay ang 100% na kumpyansa ko sa kanila. Dahil baka isang araw ay ako naman ang maituring nilang kalaban.
Kailangan kong matuto na depensahan ang sarili ko para naman sa gano'n ay hindi na ako aasa sa kanila. Hindi nalang si Kai ang dapat kong depensahan kung 'di ay pati ang sarili ko.
”Hindi ganyan ang paghawak ng bar!l, Enya. Higpitan mo pa ng kaunti. Saka mali din ang pwesto ng hintuturo mo, dapat nasa gatilyo yan dahil 'yan ang gagamitin mo para kalabitin ang gatilyo.” Sabi ni Luke sa akin ng pansin niya na mali ang ginagawa ko.
Andito na kami ngayon sa training area nila. Napakalaki ng training area na ito. Sa tingin ko ay nasa dalawang hektarya ang lapad at lawak nito.
Tahimik ang paligid at napapaligiran ng malalaking puno ng Pine Tree ang gilid ng lugar. Naka pwesto itong napakalawak na training area sa likod ng bahay na pinasukan namin kanina.
“Tingnan mong mabuti Enya huh.” Saad ni Luke sa akin saka lumapit siya sa aking tabi. “Ganito ang tamang hawak sa bar!l, tapos itong hintuturo mo dapat naka pwesto dito sa gatilyo para agad mong makalabit ang gatilyo. Itong gatilyo kasi ang daan para pumutok ang isang bar!l pero kailangan naikasa mo na nang isang beses ang bar!l na may bala para pumutok ito. Diba alam mo na kung pa'no lagyan ng bala ang baril? Tinuruan na kita kanina diba? Kaya 'yon ay tandaan mo.” Aniya.
Tumango naman ako at ipinagpatuloy ang practice ko. Nong medyo bihasa na akong hawakan ang baril, tinuruan niya naman ako kung pa'no ito paputukin para matamaan ko ang target ko.
“Tingnan mo muna ako Enya para malaman mo kung pa'no.” Saad niya.
Tumayo siya sa tabi ko at itinutok niya ang hawak niyang baril sa target na nasa dulo nitong pwesto namin. Kinalabit niya yung gatilyo dahilan upang pumutok yung baril at lumabas agad ang bullet sa bukana nito at tumama sa mismong gitnang bahagi ng target.

BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
AçãoSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...