Chapter 25

674 16 0
                                    

*•*

ENYA POV

"Meow~" Unti-unti akong dumilat nung marinig ang pag meow ng pusa galing sa may leeg ko, ramdam ko din na pilit siyang sumisiksik doon. Siguro ay giniginaw, dahil medyo malakas ang aircon dito sa kwarto ni Aiden.

Tumingin ako doon sa pusa at napangiti nalang ako nong makitang mahimbing itong natutulog ngayon. Naramdaman ko na may yumakap sa akin galing sa likuran, ramdam ko pa ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko.

Unti-unti akong umikot paharap sa kanya, napangiti uli ako nong bumungad sa mga mata ko si Aiden na mahimbing ngayon natutulog sa tabi ko. Umusog ako palapit sa kanya at hinalikan siya sa labi niya.

Sabihin nalang natin na ninakawan ko siya ng halik o morning kiss ko 'yun para sa kanya.

Inalis ko yung kamay niya sa bewang ko at akmang babangon na sana, pero bigla niya akong hinila at muling hinalikan. Nakapikit parin siya pero agad din dumilat matapos niya akong halikan.

"Good morning, darling." He whispered on me, antok na antok pa ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Good morning! Baba muna ako para magluto okay? Babalik din ako para ayain kang kumain." Nakangiti kong sabi saka tuluyan ng bumangon.

"It's Sunday, let's just sleep here. I'm still sleepy, Darling." Rinig kong sabi niya, umayos pa ng pagkakahiga para lang tingnan ako.

"Pero it's already 10:45 AM, love." I pointed to the wall clock na nakadikit sa dingding, ibabaw ng headboard ng kama namin. "Hindi ka pa kumain ng breakfast so magluluto muna ako ng breakfast para sa atin, then it's up to you if you'll go sleep again or go to the gym." Hindi na siya umimik at bumangon na. Kinusot-kusot niya ang mga mata niya bago lumapit sa akin at muli akong hinalikan-pero sa noo ko nga lang.

"I'll go to gym now. Are you wanna go with me there?" Tanong niya.

"Oum... sige, maligo ka muna." Saad ko.

Sabay kaming pumasok sa banyo, pero siya ay sa shower dumiretso habang may nakasukbit sa balikat niya na white towel. Mabuti nalang talaga at may kurtina na pwedeng gawing pangharang doon sa shower glass kaya hindi ko makikita ang pwede kong makita.

Ginawa ko lang yung morning routine ko at pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na iiwan ko siya.

"Are you don't want to join me here?!" Tanong niya pa.

"Plano kung sundan si Kai pero huwag muna ngayon, Aiden!" Nakangiti kong sagot at tuluyan ng lumabas sa banyo.

Nakasuot lang ako ngayon ng black nighties with cycling sa loob, wala akong suot na bra ngayon dahil comfortable naman akong kasama si Aiden. Nag suot lang ako ng bra nong papalabas na ako sa kwarto namin

Sa kwarto 'namin' ako natulog in short sa kwarto niya. Yun ang kwarto namin noon at ngayon napagplanuhan namin na doon na ulit ako matutulog gabi-gabi.

Yung kwarto ko noon ay gagawin nalang naming computer room ni Kai. Kasi na pansin namin na mahilig si Kai about computer so we decide na gawan nalang siya ng sarili niyang computer room. I'm sure that our son will be happy if he'll know about these, but for now we'll keep it as a secret from him.

"Good morning ma'am Enya." Bati ni manang Paseng sa akin pagkapasok ko sa kusina.

"Good morning manang." Ngumiti ako at dumiretso sa frige para tumingin kung ano ang pwedeng lutuin para sa breakfast namin ni Aiden. "Has Kai eaten, manang?" I asked habang linalabas galing sa loob ng frige ang isang pack ng tocino, bacon, and loft bread.

"Opo, tapos na po siyang kumain ma'am. Chocolate drink at dalawang ham sandwich lang po ang kinain niya." Tumango lang ako dahil sa sagot ni manang.

Itinuon nalang ang pansin sa ginagawa ko, niluto ko yung bacon at tocino, then I toast the bread with a little bit butter.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon