Chapter 3

1.1K 40 1
                                    

*•*

ENYA POV

“Mukhang galit si boss kay Enya!” Rinig kong bulong ni Ester kay Joy. Nakatingin din sila sa akin at pilit na ngumiti.

Kabado naman akong ngumiti sa kanila bago sinundan ang boss namin.

”Enya good luck!!!” Pasigaw pa na sabi ni Joy.

Sinundan ko lang ang amo ko patungo sa Office niya. Bitbit parin nito si Kai na paminsan-minsang lumilingon sa akin. Halatang nag-aalala— o baka iniisip ko lang na nag-alala iyong bata sa akin pero ang totoo masaya siya dahil mapapagalitan ako ng papa niya. Baka pa nga tanggalin agad ako nito sa trabaho ko e dahil sa ginawa ko sa anak niya.

Pasuotin ko ba naman ng dress ang nag-iisa niyang anak.

Pero okay lang. Gwapo naman siya pero mukhang masungit.

“Sit down!” Ma awtoridad na utos sa akin ni boss matapos naming pumasok sa isang napakalaking library.

May sofa doon at may office table din. Sa mismong gitnang bahagi ng library ay nandoon nakapwesto ang isang mahabang kahoy na lamesa.

Dahil nga inutusan akong umupo ng amo ko, agaran din akong umupo sa isang upuan na nasa sofa. Nasa harapan ko si Kai na tahimik lang na nakamasid sa papa niya na naglalakad ngayon patungo sa office table niya.

Yung office table niya ay malaki rin, gawa iyon sa pinaghalong kahoy at makapal na salamin. May tatlong libro na nakapatong doon isang flower vase na mayroong kumpol ng fresh red roses doon.

Kita ko na may kinuha si boss sa hunos ng mesa. Isang itim na  atachicase iyon. Matapos niya iyong kunin ay binitbit niya ito saka naglakad pabalik sa pwesto namin ng anak niya. Nong nakalapit na siya umupo siya sa tabi ni Kai saka inilapag yung atachicase sa maliit na mesa na nasa pagitan namin.

“You're the first nanny who did this to my son.” Panimula siya dahilan upang nagsimula na akong kabahan. “And that was great. That atachicase contains my rewards for you.”

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Medyo nabingi ata ako.

‘Ano daw? Reward!!!’

“S-sir bakit may reward? Dapat papagalitan niyo po ako dahil sa ginawa ko sa anak niyo.” Saad ko.

Kita kong napakunot noo siya. “Pinapangunahan mo ba ako?”

“Hi-hindi po sir.”

“Then shut up your fcking mouth.” Minura na naman ako nito.

“H'wag niyo naman po akong murahin sir. Wala po ba kayong respeto? Hindi tayo close tapos mumurahin mo lang ako ng napakadali.” Saad ko uli hindi inisip ang pagpashut up niya sa akin.

“Pinapangaralan mo ba ako?”

“Hindi sir huh.” Halata sa boses niya na naiinis na siya sa akin. Grabe naman pala 'tong papa ni Kai ang dali uminit ng ulo.

“I gave you a reward because you passed the test to become my son's nanny.” Sabi niya uli.

“Po?! Anong test? Wala naman po kayong test paper na ibinigay sa akin e.”

“Id*ot!” Rinig kong bulong nito.

“Joke lang sir. Alam ko naman po talaga ang tinutukoy niyo. Pero ano pong laman ng atachicase na yan? Pera po—”

“Just open it to your room at bukas patuturuan kitang gamitin 'yan. You can go out and take Kai to the dining room.” Aniya.

Nag-aalalang naman akong tumango saka tinawag si Kai. Lumapit naman siya agad sa akin kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon