Chapter 6

897 38 0
                                    

*•*

ENYA POV

“Huwag mong pagtaasan ng boses ang anak ko Violet.” Singit ni Sir Aiden.

Kita ko ang galit sa mukha ni sir Aiden kay Miss Violet dahil sa ginawa nito.

“B-baby. Andiyan ka pala tulungan mo naman akong pakainin ng gulay si baby Kai.” Halata ang takot sa boses ni Miss Violet, pero nanatili parin makapal ang apog niya.

“Enya, dalhin mo si Kai sa kwarto niya at doon mo pakainin.” Baling sa akin ni sir Aiden.

Tahimik naman aking tumango saka hinawakan ang kamay ng bata para ilayo sa kinaroroonan nila Miss Violet at sir Aiden.

“But baby gusto ko na ako ang magpakain kay Kai—” Rinig kong angal ni Miss Violet pero agaran din siyang pinutol ni sir Aiden.

“Pumasok ka na sa kwarto mo Violet at bukas ihahatid agad kita sa condo mo.” Rinig ko naman na sabi ni sir Aiden sa kanya.

Narinig ko pang umangal uli si Miss Violet at pinipilit niyang siya ang magpakain kay Kai. Pero paulit-ulit din siyang tinanggihan ni sir Aiden at sinasabing ako na raw ang magpapakain sa bata.

“Hoy bata bakit ka ba iyak ng iyak diyan? E, gulay lang naman yung gustong ipakain ni Miss Violet sa'yo.” Baling ko kay Kai nong nakapasok na kami sa kwarto niya.

May dala na rin akong isang tray ng pagkain.

“I hate vegetables! And also I super duper hate Violet, she's trying to force me to eat a carrots even I don't want.” Aniya.

“Tapos anong ginawa niya nong ayaw mo?” Tanong ko.

“Nothing.” Umiling siya. “Yaya, I don't want miss Violet to be my step mom. She is a demon and I wouldn't let my dad to marry her soon. So can I ask you a favor.” Tumungin siya ng seryuso sa akin.

“Anong favor?” Kunot noo kong tanong sa bata.

“Can you help me to get daddy away from Miss Violet? Ayaw na ayaw ko kasi silang nakikita na magkasama... I hate their relationship, yaya.”

“Nako mahirap 'yan, Kai. Saka ayaw ko niyan patay tayo sa daddy mo pag ginawa natin iyan. Siguradong magagalit talaga sa atin iyong daddy mo. Ibang favor nalang.” Saad ko.

“So I will talk to daddy to kick you out to our mansion.” Aniya kaya napangiwi nalang ako.

“Ewan ko sa'yo, Kai. Pa'no kaya kung suportahan mo nalang ang relasyon ng papa mo kay Miss Violet. Huwag kang bitter diyan bata.” Saad ko.

“How I'll support their relationship if I don't like it. Ayaw ko kayang magkaroon ng step mom na mukhang cockroach.”

“Wow grabe kung mangutya parang ang gwapo gwapo mo 'no? Pero totoo din naman mukha siyang ipis na masarap tirisin.” Usal ko.

“Pfffttt titirisin talaga?” Tumawa si Kai, napangiti naman ako nong makita ang ngiti sa labi niya.

”Naks napapatawa na kita.” Saad ko na dahilan upang matigilan siya sa pagtawa at bumalik uli ang mukha niya sa pagiging seryuso.

“Ano nga pala ang inutos sa'yo ni daddy? Diba dapat ay papakainin mo ako?” Tanong niya.

Mabilis naman akong napatingin sa tray na nakalapag sa harap namin. Natatawa kong inayos ang laman nito.

“Bakit may gulay?” Tanong niya, nakanguso pa. “Di ba sabi ko ayaw ko niyan?”

“Kahit na ayaw mo, dapat ka paring kumain ng gulay.” Saad ko.

“Ayaw ko sa lasa ng gulay. Hindi masarap.” —Kai.

“If kakain ka ng gulay bibilhan kita ng ice cream.” Ngumiti ako sa bata.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon