*•*
LIAM POV
"Grabe dre! Walang malay parin ba yan o natutulog na? Humihilik na oh, tapos ang lakas pa." Saad ni Oliver.
Kamot ulo nalang akong tumingin sa walang malay na si Eduardo. Nakahiga ito sa ibabaw ng isang nitso, dahil doon namin siya ipwenesto ni Oliver.
"Mga tito ubos na po yung baygon-katol na sinindihan niyo." Sabay kaming napalingon kay pareng Kai nong magsalita ito bigla.
Nakaupo din ito sa ibabaw ng isang nitso, kagaya lang namin ni Oliver.
"Dre, magsindi ka ng bago." Siniko ako ni Oliver.
Napakamot ulo nalang ako saka sinusunod ang utos niya. Inabot ko ang isang kahon ng baygon-katol na nasa tabi ko lang. Kinuha ko yung kapares nong una naming sinindihan doon, saka 'yon naman ang sinindihan.
"Grabe dre! Ang tagal nila Boss. Parang dito ata tayo patutulugin nong dalawang 'yon." Usal ko.
"Eh? Pa'no si pareng Kai? Dito na din siya matutulog? Saka pre baka may multo dito." Luminga-linga sa paligid si Oliver. "Subrang tahimik at ang dilim pa naman ng pwesto natin dito."
"Tapos tayong tatlo lang ang tao dito." Dugtong ko.
"Huh? Apat po kaya tayo dito. Nandito din si Eduardo." Singit ni Kai.
Sabay uli kaming tumingin sa kanya ni Oliver at sabay din kaming umiling.
"Hindi siya tao, hayop siya." Sabay naming sabi ni Oliver.
Nagkibit-balikat lang si pareng Kai, hindi na umimik at nagawa niya pang humiga sa ibabaw ng nitso.
"Dre, baka may tiyanak dito... Sabi pa naman nila na nandadakma daw ng bagay yung mga tiyanak." Napalunok ako sa sinabi ni Oliver.
"Anong gagawin nong tiyanak sa itlog natin, dre?" Tanong ko, palinga-linga na din sa paligid.
"Isusubo daw tapos pipisain." Napalunok uli ako dahil sa sagot ni Oliver.
Unti-unti din akong napahawak sa masilang bahagi ng katawan ko.
Tangna!
Pa'no kung may tiyanak nga dito tapos yung itlog ko pa ang mapagdiskitahan?
Shittt!
Hindi na ako magkakaroon lahi... Plano ko pa namang manganak ng sampung dosena.
"Tapos alam mo ba dre, na kapag may tiyanak daw makakarinig ka rin ng parang pusang umiiyak?" Usal uli ni Oliver.
"To-totoo ba yan, dre? Baka niloloko mo lang ako dito." Saad ko.
Umiling siya. "Hindi ah. Yun ang sabi ng lola ko sa akin noon."
(MEOWWWWWW!!!!)
(MEOWWWWWWWWW!!!)
(MEOWWWWWWWWWWWW!!!)Nanlamig ang buo kong katawan nong nakarinig ako ng parang iyak ng pusa. Palapit pa ng palapit sa kinaroroonan namin yung ingay.
"Dre, parang ganyan ba yung sinasabi ng lola mo?" Tanong ko, unti-unti din lumalapit sa kanya.
"Oo, dre... Gago, dre. Baka tiyanak na 'yan. Tangna yung itlog ko." Napahawak si Oliver sa gitna ng pantalon niya.
(MEOWWWWWWWWW!!!)
(MEOWWWWWWWWW!!!)
(MEOWWWWWWWWW!!!)Palakas ng palakas yung iyak ng pusa. Palapit din ito ng palapit sa amin. Ramdaman ko din ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko, dahilan upang magsitayuan ang aking mga balahibo sa braso at batok.
Shitttt!!!
Pakiramdam ko pati yung bulbol ko tumatayo na din, dahil sa takot.
"Dre, huwag mo kong iwan dito huh!" Wika ko.
BINABASA MO ANG
WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)
ActionSi Enya ay isang inosenteng dalaga na nag natanggap biglang isang yaya ng nag-iisang anak ng isang Mafia boss. Sa umpisa ay walang alam si Enya na Mafia ang amo niya, ngunit sa kalaunan ay unti-unti niya iyung na diskubrihan. Marami siyang nalaman t...