Chapter 9

941 39 0
                                    

*•*

ENYA POV

“Pwede akong sumama dad?” Nakatingalang tanong ni Kai sa papa niya.

Pasimple namang yumuko si sir Aiden para tingnan ang bata. “No.” Madiin nitong sagot.

Lumungkot naman ang mukha ni Kai. “Gusto ko lang naman sumama para makilala ko ang mga kaibigan mo.” Bulong na sabi ni Kai. Nakanguso pa ito saka bumaling naman siya sa akin. “Mabuti pa si yaya. Isasama mo.” Saad niya.

“Cause I need her.” Wika naman ni sir Aiden.

“Ehem... Tara mga pre lumabas muna tayo. May I need her na kasing nangyayari.” Mabilis akong napatingin kina Oliver nong magsalita siya.

“Oo nga 'no. Mukhang may dumadamoves kasi dito. Tara labas muna tayo. Hoy Kayden tara na, tumayo kana diyan.” Pagsang-ayon naman ni Liam. Tumayo pa siya saka binitbit ang laptop niya.

“Tsk!” Asik naman ni sir Aiden. Matalim ang tingin nito kina Oliver.

Kita ko naman na umayos yung lima sa kanilang pagkakatayo. Halatang natakot sa ipinakitang reaction ng boss nila.

“Boss lalabas po muna ako. Papakainin ko pa muna yung mga daga na nahuli natin.” Hindi na hinintay ni Noah na makasagot si sir Aiden.

Mabilis ang hakbang nito na lumabas sa office ng amo ko.

“Hoy! Takte ka pre. Hintay!” Pasigaw naman na sabi ni Oliver saka mabilis na sinundan si Noah.

“Ako rin lalabas na. Aayusin ko pa mga gamit ko para sa pupuntahan natin.” Si Luke naman.

“Tara sabay na tayo dre. Aayusin ko rin yung sasakyan ko.” Si Liam.

Sunod-sunod na naglabasan yung apat sa office ni sir Aiden. Tanging si Kayden nalang ang natira sa kanila dito sa loob. Pansin ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Halatang kabado ang isang 'to.

“Hindi ka lalabas?” Tanong ni sir Aiden dito.

“A-ah oo... L-labas muna ako boss pa-plansahin ko pa pala yung brief ko.” Nuutal na saad ni Kayden saka tumakbo nalang bigla palabas.

“HAHAHA Stupid! Ano? Pa-plansahin yung brief? May ganon ba? HAHAHAHA that was so funny...” Malakas na tawa ni Kai nakahawak pa ito sa tiyan niya halatang tuwang-tuwa.

Napakagat labi nalang din ako, pinipigilan ang sarili na hindi madamay sa pagtawa. Nakakatawa lang kasi yung sinabi ni Kayden.

Pwede pala yun? Yung plansahin yong brief.

“Ito ang suotin mo mamaya. Susunduin kita sa kwarto mo bandang 6:00 PM kaya siguraduhin mong nakaayos kana, Enya.” May inilabas na isang paper bag si sir Aiden galing sa hunos ng lamesa niyan. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa niya.

“So binilhan mo pa talaga ng damit si yaya. Halatang pinaghandaan. Baka next time dad ay hindi mo na lang yayain sa transaksyon si yaya, kundi pati sa date ay yayain mo na din siya.” Singit ni Kai.

Tinaasan naman siya ng kilay ni sir Aiden. Ako naman ay naniningkit ang mga mata na nakatingin sa mag-ama.

“Don't forget your tita Violet, Kai.”

“Oh si Miss Violet?” Ngumisi si Kai.

“Tita Violet. You need to call her tita sign of respect.” Pansin ko na nag-iinit na ang mag-ama.

“She's not my tita daddy. She's not even my relatives so why would I call her ‘Tita’. Miss Violet is just a stupid witch for me. She is a gold digger dad. And she's not deserve my respect.” Matapang na sagot ni Kai.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon