Chapter 23

679 20 0
                                    

*•*

KAI POV

Kahit nagdududa ay sumama parin ako kay ma'am Edna sa office niya. Pagkapasok namin doon ay walang tao, kaya pina-upo muna ako ni ma'am Edna.

"Hintayin muna natin sila dito, Kai. Baka may pinuntahan pa." Nakangiting sabi ni ma'am Edna.

Hindi lang ako umimik at nangalumbaba, pasimple kong nililibot ang paningin ko sa kabuuhan ng office niya. May kanya-kanyang office kasi ang mga teacher sa school na 'to, alam ko 'yon dahil dito ako nag-aaral at bukod pa doon pagmamay-ari din ni daddy ang school.

"Oh, Sir Liam and Sir Oliver. Kanina pa po kayo hinihintay ni Kai dito." Tumayo si ma'am Edna nong bumukas ang pintuan ng office niya.

Malaki ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa taong pumasok. Nagsalubong naman ang kilay ko, nagtataka ang mga mata na lumingon sa pintuan ng office niya na nakabukas ngayon.

Pagkatingin ko doon ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakasuot ng hoddie, nakasumbrero din sila. Pareho silang hindi pamilyar sa akin, kaya agad akong napatayo galing sa aking pagkakaupo.

"Sumama ka sa kanila, Kai." Ngumiti uli sa akin ni ma'am Edna.

'Tama nga ako, may mali dito.'

Nakumpirma ko ang aking hinala nong hubarin nung isang lalaki ang suot niyang sumbrero.

Tama nga ang hinala ko, hindi si tito Oliver at Liam ang nandito. Kundi ang mga tauhan ng kalaban nina mommy at daddy.

Siguro'y binayaran nila ng napakalaking halaga si ma'am Edna para dito.

"Damputin mo na ang bata." Utos nung lalaki na naghubad ng sumbrero doon sa kasama niya.

Agad naman lumapit sa akin yung isang lalaki, hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat bago ako binuhat na parang sako ng bigas.

Hindi ako pumalag, dahil kapag papalag ako posibleng pasa at galos lang ang makuha ko. Hihintayin ko nalang na may guard o tauhan nina daddy na makakakita sa kanina na dala-dala ako.

"Asan na yung pera na ipinangako niyo sa akin? Sabi niyo ay ibibigay niyo 'yon sa akin pag nasa inyo na ang bata." Napatigil sa paghakbang yung dalawang lalaki na may dala sa akin nong magsalita si ma'am Edna.

Lumingon yung isang lalaki sa kanya at may inilabas na puting sobre sa bulsa ng pantalon. Lumapit uli siya doon sa guro at inilapag yung sobre sa ibabaw ng mesa, ngiting aso naman si ma'am Edna na tinaggap iyon. Binuksan niya agad yung sobre at tingnan ang laman.

"Salamat dito huh!"

"Walang ano man." Nakangising sabi nong lalaki at bigla nalang siyang naglabas ng baril na may nakakabit na silencer.

Nanlaki agad ang mga mata ni ma'am Edna. Ang saya sa mukha niya ay napalitan ng takot at kaba.

"Anong ibigsabihin nito?" Tanong nung guro sa nanginginig na boses.

Ngumisi lang yung lalaki at walang pag-aalinlangan na pinaputukan ng baril yung guro. Dilat na dilat ang mga ko na nakatingin sa katawan ni ma'am Edna na nakahandusay sa likuran ng lamesa niya.

"Yung pera pre, kunin mo." Utos nong lalaki na may buhat sa akin doon sa kasama niya.

Umiling yung kasama niya, nagawa pang hipan ang baril na ginamit upang patayin ang guro.

"Sa kanya na 'yan. Para sa libing niya!" Aniya at sinundan ng tawa.

Nagtawanan sila pareho nong lalaking may buhat sa akin.

Naglakad na sila palayo sa office ni ma'am Edna, dala nila ako. Dumaan sila sa likuran ng campus kaya walang nakakakita sa kanila na dala nila ako.

"Okay din pala 'tong anak ni Leonardi at Eunice. Hindi pumapalag kahit na kinikidnap na natin." Natatawang wika nong may buhat sa akin.

WAY BACK HOME MR. LEONARDI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon